ᴏ ɴ ᴇ

620 26 1
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ng cp ko na nasa tabi ng unan ko. Pagtingin ko sa oras it was already 6:20. Hmm maaga pa para sa 1st subject ko.

Hahaha kase naman ehh. At exactly 9 am pa yung klase namin. Haha ito ang gusto ko ngayong college kase hindi siya tulad ng sa highschool. Kase naman dun dapat maaga kang gumising kase maaga ang klase. Hindi tulad sa college na minsan wala kayong klase sa umaga, at minsan din tulad nito 9 o'clock na kung magsimula.

Pero sa totoo lang kung ano ang kinaganda ng time schedule namin ay ganun na rin ang kinabahala namin sa mga subjects. Kase naman ehh. May mga minor subject na nagf-feeling major like what the fudgee bar lang? ginigigil nila ako. Yung feeling na mas madami pa silang pinapagawa kesa sa major. Tapos ang ending ang baba ng grades na makukuha mo. So tell me, hindi ba yan nakakagigil? Idagdag mo pa na ang t-terror ng mga guro jusko gulay lang. Parang palaging may dalaw. hahaha chos. Edi ako na ang mareklamong studyante. Hahaha.

I'm a computer science student nga pala.  And sa totoo lang, I don't know why did I take this course up. Haha to be honest weakness ko ang computer kaya parang tanga ako sa desisyon kong to. Pero nevermind, face your weakness ika nga. Tska sabi nila in-demand daw kase ang mga trabaho sa course na to kaya gora bells na lang ang lolang niyo.

By the way I'm Shannon Marie Puertorico. 1st year college student and currently 19 years old.

NBSB, short for no boobs since birth. Hahaha charoot lang. No books since birth kase talaga yan no ba kayo. Pero sana magkaka wattpad books nako soon. May pera naman ako kaso hindi talaga kaya ng bulsa ko ang isang wattpad book, ang mahal kase. Sana nga soon may magbigay sakin niyan or baka ket regalo lang sa birthday ko. Haha hindi po ako nagpaparinig promise.

Haha ang kaso rin wala akong jowa kaya wala talagang magbibigay niyan. Iyak self.  Haha. Haayst buhay parang mars.

8:05 nang dumating ako sa comlab. Tsk early as usual. Haha ohh divaah ket late nako ng gising eh ang aga ko parin dumating sa room namin. Early bird kaya ako noh. Haha.

Wala pang tao sa room kaya naglinis muna ako. Pagkatapos kong maglinis ay pumunta nako sa pwesto ko at magsa-soundtrip na sana nang bumukas ang pinto ng comlab.

Ngiting ngiti pakong tumingin dito kase akala ko kaklase ko but I was wrong. Bored itong tumingin sakin pero ngumiti din naman bago lumabas. Ehhhhh? Ang weird. Anong nakain ng taong yun? haha sayang gwapo pa naman.

Dinedma ko na lang ito at tumingin sa cp ko. Ayokong mastress dahil sa gwapong weirdu na yun noh. Haha.

"Aray ko!!" Daing ko sabay tingin sa taong pumalo sakin. Langya. Sa tagal kong babad sa cellphone ko diko namalayang nandito na pala yung mga kaklase ko. Haha ang taas ng nilipad ng utak ko. Haha kasalanan to ni wattpad eh. Huhu.

"Hahahhaaha goodmorning Shan." Natatawang sabi ni Rica. Barkada ko. Wagas na wagas din tong makangiti kala mo naman hindi masakit yung mga palo niya tsk, tsk.

"Tsk. Ang ganda ng pangbungad mong babaita ka. Masakit kaya" sabi ko at akmang papaluin pero ginamit niyang pangsangga si Abby na kakarating lang.

"Hahaha ano ba Ric." Tila naiinis na sambit ni Abby. Haha may dalaw din ata yung ate niyo.

"Hahaha eto naman. Ang aga-aga nakabusangot kayo. Mayron kayo? haha" sabi ni Rica "Nga pala may assignment kayo?" Dagdag nito.

"Meron pero ayaw kong magpacopy" biro ko. Sa totoo lang saming tatlo ako talaga yung source of assignment ng dalawang yan. Pero ok lnng atleast libre naman nila ako parati pag recess ehh. Haha.

"Ehh walang ganyanan Shamar" sabi nito sabay padyak na akala mo batang inagawan ng candy.

Pinandilatan ko naman ito ng mata. Ang bantot lang ng pangalan na yan. Ewan ko ba kung anong trip ni Rica at tinatawag niya ako niya. Sabi niya Shamar short for Shannon Marie. Haha ohh diba ang ganda ng pangalan ko binabaloy lang. Asan ang hustisya pre?

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon