s ᴇ ᴠ ᴇ ɴ

239 14 0
                                        

Shannon's Pov

Monday na naman. And monday means may klase. Hahaayst. Buhay estudyante nga naman. Buti na lang 1 pa yung klase namin ngayon.

Ang tagal ko kayang hindi nakatulog kagabi. Langyang Louie to di ako pinatulog. Pero pano ko kaya sya iaaproach ngayon lalo na't pang out of the world yung nangyari kagabi. (Oa naman masydo Shan?) Lol. Pero totoo. Huhuhu di ko alam kung pano ko sya kakausapin. Haayst. Bala na nga. Act like nothing happen Shannon. Ayy ayun tama. Yan ang gagawin ko.

Pagkapasok ko sa room kinawayan agad ako nina Rica at Abby. Nung napatingin ako sa likod nandun na sya. Nagulat naman ako kase naka eyeglasses ito ngayon. Pero taena! Ang gwapo nya parin. Haayst.

Marupok ka self hah! Damn. Eto na naman yung dibdib ko. Ba't ba ako kinakabahan sa kanya?

Just act normal Shannon Marie. Wag kang pahalata na kinikilig ka na parang ewan dahil sa nangyari kagabi. Chill ka lang self. Basta ang importante maganda tayo at si Louie na mismo nng nagsabi nun haha.

"Goodafternoon Shannon. Ano nakatulog ka ba kagabi?" Biro ni Rica kaya pinanlakihan ko ito ng mata. Tumawa naman ito na may kasamang sapak kay Abby. Haha poor Abby nagiging punching bag tuloy ni Rica pag dinadalaw ito ng kabaliwan niya.

"Tsk. Whatever." Sabi ko. Di ko na lang ito pinansin kase baka ano pa ang masabi ko. Baka masabi ko pang may iba pa kaming pinuntahan nako ehh ewan ko na lang.

"Ba't ang sungit nun?" Rinig kong tanong ni Rica

"Aba'y malay ko. Hahaha LQ yata. Hahaha" sagot ni Abby at tumawa sila. Di ko alam pero ayaw ko pag usapan yung nangyari kagabi.

"Aba'y ewan ko. Mukhang hindi naman ata sila nag-away" hindi ko na lang pinansin ang dalawa at dumeretcho na lang ako sa upuan ko.

Padabog naman akong umupo sa silya ko kung kaya't nag-aalala ako nitong tiningnan.

"Ok ka lang?" Mahinahong tanong nito.

"Mukha ba akong ok?" Sabi ko at sumubsob sa silya ko para di na nya ako kulitin. Sorry Louie pero feel ko ang sama ng pakiramdam ko.

Shet. Wag naman sana ngayong araw ohh. Gusto kong kausapin ng maayos si Louie pero feel ko iba ang magagawa ko. Feel ko masusungitan ko rin siya. Wengya ba't ba kase ako ganto pag dinadalaw buwan-buwan eh.  Hindi ko alam kung normal ba ito o hindi pero ganto talaga ako. Palaging mainit ang ulo. At sign na ito na malapit na talaga akong dalawin huhu. Uggh I hate it. Mood swing.

"Hey, tell me what happend? are you ok? are you sick?" tanong nito pero hindi ko pa rin siya kinibo.
"Are you---"

Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng bigla ko itong binugahan ng apoy. Haha chor lang. Bored ko lang naman itong tiningnan.

"Pwede ba Louie wag mo muna akong kausapin ngayon. Pagod ako tsaka wag ka ng dumagdag sa sakit ng puson ko ok?" sabi ko dito. Bumuntong hininga ito bago matamlay akong tiningnan kaya nak-konsensyia tuloy ako.

Ngumiti ito sakin bago inayos ang nerdy glass niya. Shems. Bat ba kase ang gwapo nito. Nakakadagdag tuloy sa beauty niya ang glass na suot niya.

Napabuntong hininga naman ako. Mamaya ko na lang siya kakausapin. Tinatamad ako ngayon ehh. Bumalik ako sa pagkakaub-ob sa mesa ng may sumigaw na parang nag-aannounce ng something.

"Guys please proceed to the main hall. May importanteng announcement ang Head. ASAP." Rinig kong sigaw ng kaklase kong si Kulie. Naramdaman kong niyugyog ako ni Louie kaya napatingin ako sa kanya. Bumugad sakin ang ash gray nitong mga mata na sobrang gandang tingnan.

"Ahm ok ka lang?" Napakurap naman ako at awkward na ngumiti.

"Ahehehe oo nga. Main hall daw." Sabi ko sabay kuha ng bag ko at dumeretcho kina Abby.

Haayst alam kong nasaktan ko sya sa ginawa ko pero di ko parin nalimutan yung nangyari kagabi ehh.

"Tara na." Aya ko kina Abby at umalis na.

"May dalaw ka ngayon?" usisa ni Rica pero nagkibit balikat lang ako.

"Oo nga. Umaatake lang yang pagiging mataray mo pag meron ka. Haha mood swings" saad naman ni Abby pero dinedma ko lang nng mga ito.

"Haha sabi ko na nga ba meron siya ehh" saad ni Abby.

"Pansin ko din. Kawawa naman si Louie at natarayan niya kanina" sabi ni Rica at napahagik-ik pa ang dalawa. Napaface-palm na lang ako. Seriously? pag ba nagtaray ang isang tao may mens agad? wengya lang.

Bago kami makalabas ng classroom ay lumingon muna ako sa pwesto namin at nakita ko itong nakaupo pa rin sa pwesto nito't nakayuko. Damn. Ano bang nagawa ko? Haayst. Ang insensitive ko tuloy. Langya. Damn this mood swings na meron ako pag dinadalaw ako. Ket di ko gusto pero umaatake talaga siya ehh. Yung feeling na parang ayaw mong humarap sa ibang tao at mas feel mong magkulong. Haayst. OA mang pakinggan pero yan parati ang narardaman ko pag meron ako or malapit na ako datnan.


NATAPOS na ang announcement ng hindi ko nakita si Louie. San ba kase sya pumunta? Haayst. Kinakain na ko ng konsensya ko.

"Ayiee feel na feel ko na yung palaro. Can't wait for tomorrow. For sure madaming mga yummy na taga ibang school ang pupunta" rinig kong sabi ni Gabby. Bakla kong kaklase.

"Haha tama. Tska kyaaah. Nabalitaan nyo ba may bagong member ang volleyball team ng East University. Gosh. Can't wait to see him." Sabat naman ng isa ko pang kaklase.

"Hihihihi feel ko madaming early birds ang dadating bukas" sabi ni Rica.

"Hahaha at isa ka na dun" saad naman ni Lara na nagpatawa sa kanila.

"Ehh grabe kayo sakin" natatawang sabi ni Rica. Halos yan yung maririnig mo sa buong campus. Ang opening ng Palaro 2017.

Napabuntong hininga na lang ako. Buti pa sila feel na feel na nila. Ehh ako. Hahaha oh well, di naman ako excited sa mga ganyan kase wala naman akong talent sa sports.

"Ok ka lang?" Rinig kong Abby kaya napatingin naman ako dito. Kasalukuyan kaming bumabalik sa classroom block namin para sa next subject.

"I guess so" matamlay na sagot ko.

"Hahaha mukhang pagod ka pa dahil kahapon. Haha pinagod ka talaga ni Pareng Louie noh?" Nakangising tanong ni Rica. What the! Buti na lang malayo na yung mga kaklase namin kundi baka narinig pa nila't maiissue 'to.

"Aha! May ginawa pala kayo kahapon ng di ako sinama." Napatingin naman kami ni Rica kay Abby sabay peace-sign.

"Araaaaaayyy!" Daing namin pareho ng piningot nito yung mga tenga namin. Hahahaha

"Hahaha kayo hah. Kailan pa kayo natutunong magsecret sakin. Dali. Sabihin niyo sakin at nang malaman nyo yung consequence ng di nyo pagsama sakin" Sabi ni Abby ng may nakakalokong ngiti. Oh-oohhw. Beast mode na po sya.

Pagkatapos naming ikwento sa kanya ayun napapadyak padyak pero in the end niyakap pa kami pareho.

"Huhuhu I'm so proud for the both of you. Dalaga na talaga kayo. Magkakalove life na din. Di na kayo kasali sa squad ng mga taga SANA ALL." Napatawa naman kami sa sinabi nito at binatukan maman sya ni Rica.

"Aray ko! Para san yun hah?" Inis na tanong ni Abby.

"Hahaha I love you Abby" hahaha at ayun po madlang kaegan.

Nagwrestling na po yung dalwa. Hahahahah at yun guys. Nagsimula na naman ang pagiging PDA ng dalawa kong kaibigan. Huhu. Di ko po talaga sila kilala promise.

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon