Shannon's Pov"Uyy kanina ka pa walang imik jan." Sita sakin ni Rica.
Kanina pa kami naka nakababa sa ferris wheel at mukhang hanggang ngayon di parin madigest ng utak ko ang lahat ng nangyari. Did Louie snap it off? Damn. Tska. Siya ba talaga yung guy na may ash gray na buhok? Haayst. He's really giving me a hard time tapos ngayon gusto nyang maging girlfriend ako? What the? If this was a dream please slap me---
"Aray!" Daing ko. Ehh pano ba naman pinisil nito ang pisngi ko.
"Yan kase. Kanina pako nagsasalita tapos lutang ka lang pala. Sabihin mo nga may nangyari noh?" Intrigang tanong nito. Natense naman ako bigla. Deym. Di talaga ako sanay sa ganitong mga pangyayari.
"Hahaha wala. Di lang ako makaget over sa ganda ng mga fireworks kanina. Ahw oo. Yun.. hehehe firework display." Tiningnan naman ako na parang di naniniwala.
"Tsk. Tsk. Tsk. Tsk. Malala ka na"
Umiiling pang saad nito bago humikab."Ang tagal naman nila." Sabi nito. Pumunta pa kase ng parking lot ang dalawa para kunin yung mga sasakyan nila.
"Ayun na pla sila ohh" sabi ko sabay nguso kina Louie at Jackson na nagtatawanan habang papalapit.
"Ang tagal nyo" tila naiinis na sabi ni Rica.
"Hahaha highblood masyado ng bebe ko." Biro ni Jackson.
"So pano ba yan. Una na kami bro. Mukhang inaantok na 'tong prinsesa ko." Di naman nagreklamo si Rica at sumampa na ito sa motor ni Jackson."Bye Sham, bye Louie. Paki ingatan nung bestfriend ko ha. Lampa pa naman yan" sabi ni Rica at tumawa na siyang nagpasimangot sakin. Tumawa naman si Louie bago nagsalita.
"I will and I would always will"
Nang makaalis na sila binaling ko ang atensyon ko kay Louie. Marami akong gustong tanungin at malaman. Pero parang wala akong lakas para magtanong. Haayst. Sasakay na sana sya sa motor nya nang hawakan ko sya sa braso dahilan ng pagkahinto nito.
"Bakit?" Kalmadong tanong nito?
"Ahm kase...." nahihiya akong tumingin sa kanya kaya napayuko na lang ako.
"Ahmm.... ikaw ba yung nakita ko gubat noon? Ikaw din ba yung nagligtas sakin nung gabing yun?" Kahit kinakabahan hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas para itanong sa kanya yun. Pero paghindi ko 'to gagawin di ako patutulugin nito.
Ngumiti naman ito bago hinawakan ang kamay ko.
Langya. Ba't ganyan sya? Di nya ba alam na kahit simpleng bagay na ginagawa niya malaking impact na ito sakin? Nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na labi nito sa noo ko. Did he just kiss my forehead?
"Wag mo nang isipin yan. Ang mahalaga ay nandito ka sa tabi ko. Tara na?" Tumango na lang ako. Bago ako sumakay ay napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam pero napakasarap sa feeling ng nangyari ngayon. With him beside me feels like heaven.
Pagkasakay ko sa motor nito ay nagulat ako ng bigla nitong kinuha ang dalawang kamay ko na nakahawak sa jacket niya.
"This isn't the proper way to make yourself safe while riding in a motor bike" sabi nito kaya napataas naman ang kilay ko.
"Hala siya. At pano naman aber?" pagmamaldita ko pero ang totoo po niyan madlang kapusong kapamilya ehh ang lakas ng tibok ng puso ko. Feel ko nga nahihirapan na akong huminga.
Idagdag mo pa ang mainit nitong palad na nakahawak sa mga kamay ko. Gossh ang init na ng pisngi ko.
Feel ko uminit ang sistema ko ng bigla nitong niyakap ang mga kamay ko sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
His Queen (Completed)
Random"I was lost when he found me and in a blink of an eye, I became his Queen." - Shannon Marie Puertorico Shannon Marie Puertorico was lost during their fieldtrip on a mountain side. Dahil sa isang puting bunny na hinabol nito ay nawala siya...