s ᴇ ᴠ ᴇ ɴ ᴛ ᴇ ᴇ ɴ

155 15 0
                                        


Shannon's Pov

Kinaumagahan maaga akong pumasok kahit 10:30 am pa yung first subject ko. Ewan ko ba. Trip ko lang. Nakasali pa nga ako ng flag ceremony sa sobrang aga.

Nandito ako ngayon sa botanical garden. Nakaupo sa spot naming dalawa ni Louie. As usual wala namang tao. Parang ayaw yata nung mga tao dito sa school tumambay dito. Ang ganda kaya dito. Ang presko ng hangin although minsan nakakatakot kase nasa secluded part ito ng campus. Pero dyahe na. Atleast dito makakaramdam ako ng peacefulness. Nilabas ko yung notebook ko sa first subject namin at nagbasa. Pero kahit anong gawin ko, my head is filled with Louie's thought.

Tsk. Tae! Ba't ba kailangan tumambay ng taong yun sa utak ko. Haayst. Pero kung di dahil sa kanya di ko makakausap yung parents ko. Dahil sa kanya nakafeel ako ng kaginhawaan ngayon.

Kaya excited nakong makita sya ngayong araw at makapagpasalamat.
Habang pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa ay nagulat ako ng palibutan ako ng mga taong nakaitim. May nakakatakot itong maskara. Nagulat ako ng hampasin ako nito at buti na lang nailagan ko. Nang tingnan ko kung san tumama yung atake nya ay nagulat ako ng magkaroroon ng malaking marka ang puno na nasa likod ko dahilan ng claws nito.

"Tsk." Rinig kong asik ng umatake sakin. Kinakabahan ako. Sino ang mga 'to? Anong kailangan nila?

"Kailangan mong mawala para di sya maging hari" sabi ng isa sa kanila.

What the? Nababaliw na ba sila?Nang ibalik ko ang tingin ko sa harapan ko naramdaman kong may pumalo sa batok ko.

Arrggh.

Nararamdana kong nawawalan na ako ng malay at wala man lang akong magawa. Louie.. tulungan mo ako.



































LOUIE'S POV

Goodmorning universe. Monday na naman at nakakatamad pumasok. Taena! Pero ok lang atleast makikita ko na naman si Shannon. Haha iniisip ko pa nga lang sya kinikilig na ako. Haha don't get me wrong. Di ibig sabihin na kinikilig ang isang lalaki bakla na agad. Haha.

Pagkatapos kong ilock ang condo ko ay dumeretcho ako sa parking lot. Sumampa agad ako sasakyan ko at umalis.

Mga 15 minutes ang dumaan at narating ko na ang apartment ni Shannon. Haha I'm excited to see her. It's already 8 at kahit maaga pa ay magdadate kami. Haha joke. Kakain lamang kami sa Jolibee. Paborito nya kase yun.

Haha kakaiba talaga siya. Kamusta na kaya yung pag-uusap ng parents nya. Napangiti naman ako. Kahit mahirap ay ginawa ko ang lahat para umoo yung parents niya. Ayaw pa sana nila pero sinabi kong gusto kong sumaya yung anak nila. Kaya in the end pumayag din ang mga ito.

"Louie iho?" Napatingin ako sa tumawag sakin.

"Ahh magandang umaga po Aling Emy." Sabi ko sabay mano sa kanya.

"Si Shannon ba ang ipinunta mo dito?" Tanong nito.

"Opo. Tulog pa po ba sya?" Tanong ko sabay sipat sa pintuan ng apartment nito.

"Hindi eh. Kanina pa sya umalis. Ang saya-saya pa nga nung batang yun. Sigurado akong nasa school na yun." Aiish. Di man lang ako hinintay. Si Shannon talaga.

"Sige po aalis na po ako" sabi ko na lang at tumango naman ito.

Pagdating ko sa campus ay hinanap ko sya agad. Halos magsalubong na yung kilay ko sa kakahanap sa kanya pero di ko talaga siya mahanap. Kung san san nko nagpunta. Sa library, sa computer laboratory, sa oval, at sa readers santuary ( para din to syang garden pero di kasing laki ng botanical. Mas madaming pumupunta dito kesa don).

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon