Shannon's Pov
Quarter to 11 am na nang pumunta ako sa school. 2nd day ngayon ng Palaro. Nasa tapat pa ako ng gate ng magring ang cp ko.
Sa totoo lang ayoko sanang pumasok kase aside sa tinatamad ako eh masakit ang puso ko. Feel Ko namamaga na yung mata ko kakaiyak kaya para di mahalata ay nilagyan ko ito ng concealer.
"Hello?" Matamlay na bati ko sa tumawag.
"My gosh Shannon. Asan ka na? May plano ka pa bang pumasok? Bilisan mo at pumunta ka ngayon sa field. May laro si Louie." I snort from what she said.
"Tsk. Pake ko sa kanya" di ko pa nalilimutan yung ginawa nya kahapon at lalong lalo nang di ko makakalimutan ang ginawa nila ni Punyeta.
"Wooahhh" rinig ko mula sa kabilang linya.
"Basta Shannon my gosh bilisan mo! Ang intense ng laban. Si Fire at Louie... my gosh"
Hindi ko alam kung ba't ako kinabahan sa tono ng pananalita ni Rica. Kaya kumaripas ako ng takbo patungong field. Pagdating ko halos hindi ko makita kung anong pinagkaguluhan nila. Pero dahil sa maliit ako ay madali akong nakasingit at nakapunta sa pwesto nina Rica.
"Thank God you're here." Rinig kong sabi ni Abby but my eyes were stock to the two person na mainit na nagpapasahan ng bola.
Taga palo ng bola mahihimigan mo talagang may di maganda sa pagitan nilang dalawa. Yeah right. It was Louie and Fire. Napatampal na lang ako sa noo ko. Goshh. They are both out of their minds.
Change court na at binigyan muna sila ng 5 minutes break. Nakita kong pumunta si Louie sa bench upang uminom mg tubig. And pawis pawis na sya. Pero kahit ganun ang gwapo nya paring tingnan. Haayst. Ang harot mo talaga self. Ang harot! Galit ka dapat sa kanya. Galit ok?! Tska nagsinungaling siya sayo kaya dapat hindi na kayo bati. Dapat di mo na siya pansinin.
Nakarinig naman ako ng paimpit na sigaw na kala mo kinikilig mula sa mga kababaihan dito. Pagtingin ko kung san sila nakatingin ay napasimangot ako, kay Fire pala sila nakatingin. Oh wait? At san naman pupunta ang lalaking 'to? Papunta ba sakin? sa pwesto ko? ehh kase naman ehh. Sakin siya nakatingin habang naglalakad kaya pasimple kong nilingon ang likod ko baka malay niyo itong nasa likod ang pupuntahan niya.
"Hi Shannon" Nakangiting bati nito sakin kaya napanganga ako. Tama ba yung narinig ko? di na ba kailangan ng mike test? Haha chor.
"Ehhhhh?" Rinig kong sabi nina Rica at Abby.
"Bes ang gwapo nya."
"Kyaah lalo na sa malapitan. Gosh"
"Magkakilala sila pala sila ni
shannon?""Sana single pa sya."
"Hahahaha"
karamihan lang yan sa mga narinig ko kaya nakatungo akong nag Hi sa kanya.
"Haha ouch naman. Hindi mo lang ba ako titingnan? Ikaw pa naman lucky charm ko tapos gaganituhin mo lang ako" halos masamid ako sa sarili kong laway ng sabihin nya yun.
Damn. Hindi ba sya nahihiya. Sinundut naman nina Abby at Rica ang tagiliran ko at napatingin ako sa kanila. Bumulong naman ang mga 'to.
"Hahaha haba ng hair" si Abby.
"Haha sana all pero dahan-dahan lang dahil may nagseselos" Napatingin naman ako kay Louie nang sabihin yun ni Rica.
Masama itong nakatingin kay Fire habang nakayukom ang kamay. Psh. May gana pa siyang magalit matapos ko silang makita kahapon ni Punyeta. Psh.
BINABASA MO ANG
His Queen (Completed)
Random"I was lost when he found me and in a blink of an eye, I became his Queen." - Shannon Marie Puertorico Shannon Marie Puertorico was lost during their fieldtrip on a mountain side. Dahil sa isang puting bunny na hinabol nito ay nawala siya...