ғ ᴏ ᴜ ʀ

310 19 0
                                    

"Shannon. Shannon. Shannon iha."
Nagising ako ng maramdaman kong may tumatawag sakin. Pagdilat ko sa nasa kwarto ako. Teka. Pano? Pano ako napunta dito? Napahawak ako sa ulo ko. Medyo nahihilo pa ako.
Kkrruuukkk~~

Ayyst. Gutom nako. Deym!
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto bumugad sakin ang matandang kapitbahay ko sa na si Aling Emy.

"Ahm magandang umaga po Aling Emy." Pinapasok ko sya sa loob. At binigyan ng mauupuan

"Magandang umaga naman. Eto ohh dinalhan kita ng champurado. Kainin mo yan hah habang mainit pa." Uyy hehe sakto.

"Salamat po." nakangiting saad ko.

"Nga pala mag-iingat ka na parati sa pag uwi mo ha. Alam mo namang delikado na ang panahon natin ngayon. Maraming masasamang bagay ang makakapahamak satin pag di tayo mag-iingat." Napatingin naman ako sa kanya. Alam niya yung nangyai kagabi?

"Ehh. Pano nyo po nalaman?" Tanong ko.

"Haayst. Ikaw talagang bata ka. Pauwi nako galing kina Willia ng makita kitang walang malay habang buhat- buhat ng isang binatilyo." Sagot nito kaya kumunot nng noo ko.

"Binatilyo?"

"Akala ko nga lasing ka o baka inano ka nya pero nagkamali ako. Sinabi nya yung totoong nangyari. Suusmaryosep. Buti na lang at dumating ang batang yun kundi napano ka na." Mahihimigan mo ang pag-aalala sa boses nito. Kaya napangiti ako.

Nung iniwan ako ng parents ko sya ang nagmistulang pangalawang ina ko. Sya lang din mag isa sa bahay nila. Nasa ibang bansa ang mga anak nito pero kahit ganun di naman sya mag-iisa dahil kada weekend binibisita sya ng mga apo niya.

"Salamat po sa pag-aalala. Pero maaari ko po bang malaman kung sino yung binatang sinasabi nyo?"

" Ehh di niya sinabi yung pangalan niya. Pasensya na't nakalimutan kong tanungin."

"Haha ok lang. Nga pala pwede pong humingi ng pabor?" Seryosong saad ko.

"Sige ano yun iha?"

"Ahmm pwede pong wag nyong ipagsasabi kahit kanino yung nangyari kagabi. Kase po-" di ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito.

"Wag kang mag-alala. Hindi ko ipagkakalat yung nangyari sayo. Basta magiingat ka parati hah." Sabi nito kaya tumango ako.

"Tska nangako din ako sa binatang yun na di ko sasabihin sa iba yung nangyari kagabi kaya no worries." Napatingin naman ako kay Aling Emy ng sabihin nya yun.

"Seryoso po?" Gulat na tanong ko. Sino ba talaga yung binatang tumulong sakin kagabi?

"Haha oo. Oh sya. Aalis nako't pupunta pa ako ng palengke."
Sabi nito sabay tayo at pumunta sa pintuan.

"Cge po mag-ingat po kayo. Salamat din po sa sopas." Tumango naman ito at lumabas.

Haaayst. Ano ba yan. Bakit ba kase ang malas ko? Pero sino kaya yung lalaking yun.

Hinawakan ko naman yung noo ko.

"I will always be here to protect you... My Queen"

Hindi ko alam kung ba't ako napangiti. Nung dumating siya parang napakasecure at protectedko. Feeling ko ligtas ako pag nasa tabi ko sya. Siya din yung lalaking nakita ko noon sa gubat. Sure ako jan.

Pero.... sino ka ba talaga?
























RICA'S POV

Hi mga ka-ekang HAHAHA.
Your baby dyosa is on... Lol.
Di ko na kailangan idescribe yung sarili ko basta ang masasabi ko lang. Hmm MAGANDA AKO. hahaha chaaroot.

"Uyy babe" langya naman ohh.

"Pwede ba Jakston tigilan mo na nga 'tong pangtitrip mo. Pektusan kita jan ehh" sabi ko at akmang susuntukin sya. Damn. Oo madlang kapamilya't kapuso. Crush ko po si Jackson Enrile. (Jakston, tawag ko po yan sa kanya pake nyo ba.) Pero langya. Grabe kung mangtrip ehh.

B Minsan kase yung mga mouse ng comlab nilalagay sa bag ko. Yung bag ko tinatali sa upuan ko. Ginugulo yung buhok ko at iba pa. Langya at worst tinatawag akong BABE. naknang! Di nya ba alam na nakakasakit na sya sa heart.

Nakakasakit kase parang lalabas na ito sa ribcage ko sa sobrang kaba. Langya. He's making me kilig!!! Hahaha ang harot mo self.

"Hahaha ang cute talaga ng bebe babe ko." Natatawang sabi nito sabay kurot sa ilong ko kaya napadaing ako.. Tsk ang hilig mangharot ng lalaking 'to. Sarap sakalin.

"Shut up. At pwede ba. Agang-aga sinisira mo mood ko. Alis nga. And lastly di ako baboy para ibabe mo. Ang harot mo." Sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Ano ba yan. Ang aga-aga LQ agad tong lovebirds natin. hahahaha" rinig kong sabi ni Pauline.

Tsk. Wag kang kiligin self. Wag kang kikilin. Langyan. Badtrip. Grabe mangtrip tong si Jakston ehh. Ikaw ba naman inayang makiusap sa mommy nito which is dean ng school para makiusap na payagan sya mamayang break namin na pumuntang mall. Aishh. Napakaisip bata diba? Haayst.

Tumabi naman ako kay Abby na nakaharap sa phone nya. Tsk. Sana all may jowa.jpeg HAHAHA

Napatingin naman ako sa likod. Wala pa ang dalwang on-going couple. Hahaha actually bagay silang dalwa. Ang ga-ganda ng mga genes ehh. Puro gwapo't maganda. Haayst. Ohh well maganda naman kaming tatlong magkaibigan. Hahaha back to the two of them. Boto ako kay Louie para kay Shannon bebe. Hehehehe lakas kase ng chemistry nila. At sa oras na ito ilalayag ko ang bagong ship ko.

"ShanLou is real!!!" Ngiting sabi ko at tumayo pa at itinaas ang kamao sa ere.

"Ehhh?" Narinig kong sambit ni Abby at napatingin naman ako dito.

"Hehehe" sabi ko na lang. Marami palang nakarinig sa sinabi ko.

Nakita ko namang natigilan din sina Shannon at Louie na papasok na pala. Damn. Ngumiti naman si Louie at pokerface lang si Shannon.

Nabaling naman kay Jackson yung atensyon ko nang magsalita ito.

"Don't worry babe but Ricson is very real. Hahaha" sabi nito kaya para na namang nagrambulan ang mga kabayo sa puso ko. Umakto pa akong naiinis ng tiningnan ko ito para di niya mahalatang kinikilig ako. Haha kese nemen ehh.

"Tsk. Shut up monkey." Sabi ko na lang at tinalikuran ito. Inayos ko na ang pagkakaupo ko kase baka dumating na ang major teacher namin. Ang terror pa naman nun tsk.

"Hahaha ikaw lang yata ang kilala kong may gusto sa isang tao pero kung makaasta parang kinasusuklaman mo ito." Sabi naman ni Abby. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko naman.

Alam ko namang ginagawa lang 'to ni Kackson para mapunta sa kanya yung atensyon ko pero nakakainis kase sya minsan. Although... deep inside me is somehow kinikilig and hoping na totoo yung mga sinasabi nya. Ang hilig pa naman nun mangtrip and worst. Halos lahat ng makasalubong niyang babae ahh tinatawag niyang babe. So ano? tingin niya samin baboy? jusqo lang ehh noh.

Hindi na lang ako nagsalita at nilingon ko yung dalwa sa likod. Nakatingin lang sa glass window si Shannon habang walang kaalam-alam na tinitingnan or much better to say na tinititigan na siya ni Louie.

Hahaha baka matunaw bestfriend ko niyan pareng Louie.

Kinuha ko ang cp ko at pasimple silang pinikchuran. Hahaha ang talino ko talaga. Haayst. Ang cute nilang tingna. Ngiting-ngiti akong nakatingin sa picture nang makita kong may something sa gilid ng labi ni Shannon. Sugat? Pano sya nagkaroon ng ganun? Akmang pupuntahan ko sana sya ng dumating ang prof namin kaya hindi ko na lang ginawa.

You owe me an explanation to this Shannon Marie Puertorico.

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon