Shannon's Pov
Nagising ako dahil sa kumukutitap na liwanag na tumama sa mata ko. Deym. Pagbukas ko ng mata ko naabutan kong pinipikturan kami nina Rica at Abby habang natutulog ako sa balikat ni Louie habang magkahawak kamay. Shet! Nakakahiya.
"Hahahaha kaya pala ang tagal bumalik kase may something" rinig kong tukso ni Rica na sinang ayunan naman ni Abby. Napatayo agad ako at ganun din si Louie. Naknang!
"Haha mamaya nyo na ituluy yang sweet sleep nyo at uuwi na tayo. Grabe ilang oras namin kayong hinanap pero natutulog lang pala kayo dito at ehem with holding hands pa" bulalas ni Rica.
"U--uyy mali na kung mali at least may picture kami. Ayieee hahahahha ang rare kaya ng photo na to right Abby?" Natatawang sabi ni Rica sabay pakita ng picture na kinuha nya. Dem!
"Hahaha yeah. Nilanggam nga ako sa kasweet ehh" feel ko pulang pula nako. Gosh. Bakit pa kase nila nakita. Nakakahiya tuloy.
Kinaumagahan nagtext si Louie na susunduin nya ako. Sabay kaming pumasok sa school. Pagpasok namin sa campus makikita mo talaga ang excitement sa mga mukha nila.
"Anong sport ang sinalihan mo?" Tanong nito.
"Wala. Hehe kain lang yung talent ko at wag ka nang magtanong." Nakasimangot kong sabi.
"Hahahaha ok lang yan atleast buhay." Biro nito kaya pinalo ko ito sa balikat na ikinatawa niya. Sheems. Lord bakit ba kase ang sexy at manly ng tawa niya. Nakakaadik.
"Hahaha ewan ko sayo. Pero ikaw?" Tanong ko dito.
"Volleyball and chess" Napahinto naman ako sa paglalakad.
"Seryoso?" Tanong ko at tumango naman sya.
"Pero di ka naman namin nakitang naglaro?" Dagdag ko.
Nagulat naman ako ng nilapit nito yung mukha nya sa mukha ko at ngumiti.
"Watch me." Sabi nito sabay kindat at kiss sa tip ng ilong ko kaya naitulak ko agad sya kase nakakahiya na at pinagtitingnan na kami. At nakakailang kaya.
"Hahaha oo na. Ichicheer kita kung gusto mo" sabi ko na lang.
"Sure?" Tanong nito kaya napasimangot ako.
"Oo nga. Wala ka bang tiwala sa GIRLFRIEND mo?" sabi ko sabay diin sa word na girlfriend. Haha actually di pa kami. Ayaw niya akong ligawan kase gusto niya kasal na agad. Hahah ohh diba ang weirdo ng taong to. Pero sa totoo lang hanggang ngayon di ko pa official na masasabi na kami na talagang dalawa. Di ko pa kase nakikita ang mga signs niyA na nanliligaw na siya eh.
Tska sinabi ko lnng to para tumigil na kakatitig nung mga babaeng nakapalibot samin. Makatingin kala mo naman kakainin nila si Louie. Haler. Babakuran ko na kayo mga gurls. Especially tong mga girls mula sa ibang school na nadirito para sa palaro. Grabe talaga kung makatingin kay Louie babes ko.
"Girlfriend ko? Haha sounds good." sabi nito. Napataas naman ako ng kilay ng inilapit nito ang kanyang bibig sa tenga ko at bumulong.
"But Wife ko still the best" dagdag nito kaya tila kinoryente ang katawan ko sa ginawa niya. Pakingshet. Bakit niya hinalikan ang tenga ko?
Agad ko siyang tinulak at tiningnan ng masama. Pero ang wengya tumawa lang. Para bang aliw na aliw na siya sakin.
"Hindi na kita liligawan kase tayo na. Mula nung makita kita sa bundok ay pag-aari na kita. Asawa at reyna na kita ok?" nagulat naman ako ng bigla niyang sinabi iyon.
"At dahil tayo na araw-araw kitang liligawan at araw-araw kitang bubusigin ng pagmamahal ko"
BINABASA MO ANG
His Queen (Completed)
Random"I was lost when he found me and in a blink of an eye, I became his Queen." - Shannon Marie Puertorico Shannon Marie Puertorico was lost during their fieldtrip on a mountain side. Dahil sa isang puting bunny na hinabol nito ay nawala siya...
