ᴛ ʜ ɪ ʀ ᴛ ᴇ ᴇ ɴ

149 15 0
                                    

Shannon's Pov

Maaga kaming gumising tatlo upang makapaghanda pa itong mga kasama ko kase may laro pa sila. Haha sanaol sporty eh noh?

Wala yung parents ni Abby dito sa bahay nila. May business trip daw kase ito sa Cebu. Malaki yung bahay nila at apat lang yung katulong kaya napakatahimik talaga. Pano kaya naatim ni Abby na manirahan ng ganto noh?

Haha charoot. May gana pa akong magtanong eh ako nga matagal ng nag-iisa. Hahaha wengya.

Nang makakain na kami't lahat-lahat ay pumasok na kami. Pagkapasok nga namin nagulat ako kase quarter to 9 pa lang ang dami ng tao. Haayst. Iba talaga ang nagagawa ng palaro noh? haha.

Napag-isipan naming magpalipas ng oras sa cafeteria kaso napahinto kami ng nilapitan kami ni Louie. Napataas naman ang kilay ko. Akala ko ba may kung anong pumalibot sa kanya. Eh nasan na iyon?

"Ahm.. can we talk Shan? please"

"No" mabilis kong sagot. Napadaing naman ako ng siniko ako ni Rica kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Ang harsh mo lam mo yun?" bulong nito pero inirapan ko na lang ito.

"Whatever. Kausapin mo yung sarili mo or yung fiancé mo" akma akong aalis ng bigla ako nitong hinila.

Narinig ko pa ang sipol at tawa nina Rica at may pa sabi pa silang wag niya na daw akong isauli sa kanila. Mga sira talaga.

"H--huy san mo ba ako dadalhin?" Naiinis na tanong ko sa kanya pero di man lang sumagot. Haayst. Bingi b! siya?
"Baka makita tayo ng Fiancé---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong humarap sakin at inilagay ang kanyang  hintuturo sa bibig ko. Ngumiti naman ito na tila nagpawala ng galit at sakit na meron ako ng dahil sa kanya. Walang hiyang lalaki talaga ito! ang rupok ko >_<

"Haha relax. Alam kong magugustuhan mo dun." I just rolled my eyes and shut my mout. Kahit gnnun ay kinakabahan ako ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Ehhhhh?" Sabi ko nang makarating kami sa bitanical garden. At as usual wala namang tao.
"Pinagloloko mo ba ako Mr. Vergara?" I hissed but he just chuckle. May pa sabi pa soyang magugustuhan ko daw to. Abnoy talaga siya.

Pinikit nya ang kanyang mata at animoy pinakiramdaman ang paligid at pagkatapos nun ay dumilat ito at ngumiti sakin. Haayst. Ang weirdo ng lalaking 'to. Nagulat ako ng hinug ako nito. Damn! feel ko namumula yung pisngi ko. Amoy na amoy ko ang pabango nito at naririnig ko ang tibok ng puso nito. Ang bilis din tulad ng sakin. Langya!

"Pumikit ka" utos nito at ewan ko pero parang tila nahihipotimo ako sa boses niya at ginawa ko iyon. Sinunod ko ang sinabi nito. Ilang segundo ang lumipas ay lumamig ang paligid at lumakas ang ihip ng hangin. Naramdaman ko ding parang hinihigop kami ng isang pwersa kaya napakapit ako sa kanya. Nahihilo ako.
"You can open your eyes."

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko at halos kuminang ito sa nakita ko.

"Woah" sambit ko sa nakikita ko ngayon.

Nasa tuktok kami ng isang malaking burol at makikita mo dito ang malawak na kaharian. Maraming kabahayan at mula dito makikita mo ang mga taong masayang naninirahan dito. Matatanaw mo rin dito ang napakalaking palasyo na aagaw talaga sa atensyon at pansin mo. Ini-spread ko ang mga braso ko at masayang nilanghap ang preskong simoy ng hangin.

"Ang sarap" bulalas ko. Nakakawala ng stress ang ganitong view.

"I knew you'd like it." Rinig kong sabi ni Louie kaya napatingin ako sa kanya. Kahit nahihiya ay pinilit kong ngumiti dito. Pwede ba ket ngayon lang makalimutan kong wala siyang fiancé ng s  ganun magiging ok pa rin kami.

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon