Shannon's Pov
Naalipungahan ako ng may naamoy akong masarap. Haha wag kayong ano jan ha. Ibang masarap ang mini-mean ko. Para kaseng may nagluluto. Amoy pa nga lang masarap na. At dahil Dito ay biglang kumulo ang tiyan ko. Ginutom ako ng amoy na yun ah.
Nagulat ako ng tingnan ko ang alarm clock ko. 10 am na pala. Shet lang. Ang tagal ko palang natulog.
Haayst sabagay late na kase ako natulog kagabi. Iyak lang ako ng iyak. Parang di nagsawa yung mata ko. Ilang balde na kaya ng luha ang naipalabas ng mga mata ko.
Napatingin naman ako sa phone ko ng bigla itong tumunog at nang tingnan ko ito ay tumatawag pala ang tukmol.
"Psh. Bahala ka jan. Pagkatapos mo akong balewalain at di sundan dahil sa punyetang iyon kahapon may gana ka pang tumawag. Apaka mo talaga" gigil na saad ko habang nakatingin sa cellphone ko.
Haayst. Naninikip na naman ang dibdib ko at feel ko anytime babagsak na yung luha ko. Ang dami niya palang text at missed call. Psh. Manigas siya jan. Dun na siya sa magaling at magandang fiancé niya. Tutal mas bagay naman silang dalawa edi siya yung gawing reyna niya. Kaimbyerna siya.
At para mabawasan ang inis ko ay dumeretcho nako sa cr upang maligo. Nang makapagligo na ako at makapagbihis ay agad na akong bumaba.
Pababa sa hagdan ay amoy na amoy ko na ang masarap na luto na nanggagaking sa kusina ko.
ehhh?! SA KUSINA KO?
Dali-dali akong tumakbo patungo dito at hindi nga ako nagkamali. May nagluluto nga dito.
Balikat ng lalaking nakatalikod ang unang bumugad sakin pagkapasok sa kusina. Ginamit nito ang pink na apron ko at may pa-humm pa habang nagluluto. Napataas naman ang kilay ko.
Who in the world is this guy? Di naman ako nag hire ng cook ah.
Bigla itong humarap sakin kaya nagulat ako ng malaman kung sino ito.
"Fire?" tanging naisambit ko.
"Gising ka na pala M'Lady" ani nito ng nakangiti. Agad akong dinaluhan nito at tila prinsesa na pinaupo at pinagsilbihan. Dahil sa gulat ay hindi ako nakapagsalita.
Nagsandok ito ng kanin at inilagay sa platong nasa harap ko. Natakam naman ako ng maamoy ko ang masarap na adobong manok na inilagay niya din doon.
Sa totoo lang hindi ko alam kung matutuwa o kikiligin ba ako. Feel ko kase may pinagtataksilan ako dahil hindi ko pinapagalitan si Fire sa ginagawa nito. Aish. Sino naman ang pinagtataksilan ko? Si Louie? luhh siya. Siya kaya yung nagsinungaling saming dalawa.
Napasimangot naman ako dahil sa naisip ko.
"Hindi mo ba gusto ang hinanda ko sayo?" Sabi nito kaya agad akong umiling.
"Haha hi-hindi. May iniisip lang ako kaya napasimnngot ako" sabi ko at ngumiti. Sumubo ako ng pagkaing hinaing niya at mas lumaki yung ngisi ko.
"Si Louie ba?" sabi nito pero iba yung sinagot ko.
"Wow, ang sarap nito Fire. Sure kang ikaw ang nagluto nito?" Savi ko. Bumuntong hininga naman ito bago nagsalita.
"May iba ka pa bang nakikita?" sabi nito kaya ngumuso ako.
"Pilosopo ka rin eh noh?" sabi ko at ang mokong ay tumawa lang ulit.
"Pano ka pala nakapasok sa bahay ko? ay hep. Wag mong sabihin na sa main door ka dumaan kase uupakan talaga kita""Hahaha grabe ka naman. Si Aling Emy ang nagpapasok sakin dito?" sabi nito kaya napatayo pa ako sa gulat.
"Ha?! sure ka? at bat ka naman paaapasukin ni Aling Emy aber? Ni ayaw nga nun na kumausap ako sa kung sinong stranger jan eh papapasukin pa kaya sa bahay ko?" ewan ko pero naiinis ako ngayon. Tumayo na rin ito at hinawakan ako sa balikat at pinaupo.
BINABASA MO ANG
His Queen (Completed)
Random"I was lost when he found me and in a blink of an eye, I became his Queen." - Shannon Marie Puertorico Shannon Marie Puertorico was lost during their fieldtrip on a mountain side. Dahil sa isang puting bunny na hinabol nito ay nawala siya...