Shannon's Pov
Sunday ngayon at napag-isipan kong magpahangin kaya pumunta ako sa park malapit sa elementary school dito sa amin.
Di ako pumunta nung friday sa awarding kaya napatawag sina Rica at nagtanong ba't ako di pumunta kaya sinabi ko na lang na wala ako sa mood pumunta. At kinagabihan din nung araw na yun ay bumisita si Louie sa bahay. May dala itong napadaming pagkain. Nagmovie marathon kami at ang isang yun tinulugan lang ako.
Haha naiintidihan ko namang pagod siya. Pagkauwi niya hanggang ngayon di sya nagtext o tumawag.
Nagsisimula na akong mag-alala. Pero baka umuwi ito sa kaharian nila. Haayst. Namimiss ko na siya.
Malamig ang simoy ng hangin. Hapon na din kase. Maraming tao ang nandito. Kahit maggagabi na marami paring mga bata ang naglalaro. May mag nagdedate din. Haayst. Ang saya-saya nilang tingnan.
Napadako naman ang tingin konsa isang side ng park. Medyo mapuno ang parteng iyon at nalansin kong may taong nakaitim dun. Pinasingkit ko ang mga mata ko at napagtantong nakatingin ito sakin kaya bigla na lang kumabog ang puso ko dahil sa takot.
Galit itong nakatingin sakin at kalaunay ngumisi bago nawala ng larang bula.
"Magbabayad siya. Magbabayad sila"
Halos mawalan ako ng lakas dahi sa narinig ko. Just what the heck has happend? anong nangyari?
Napayakap naman ako sa sarili ko. Hindi ako mapalagay kung kaya't naisip kong umuwi na lang. I tried to shook my head at pilit na sinasabi sa sarili na wala lang iyon.
Pero I knew it, nasa peligro ang buhay ni Louie dahil sa taong yun. I need to warn him.
Nakaramdam naman ako ng gutom kaya bumili muna ako ng hotdog, kwek kwek, at iba pang street foods para ulamin at kainin habang nanonood ng movie sa bahay.
Nang malapit na ako sa bahay nagulat ako ng nakabukas ang lahat ng ilaw maliban sa kwarto kong nasa pangalawang palapag. Kaya dali-dali akong tumakbo papunta dun.
Pagbukas ko ng pinto halos manigas ako sa nadatnan ko. Feel ko anytime ay babagsak na ang luha ko. Napakapit naman ako sa doorknob para maiwasang matumba.
"Mom, dad"
Maluha-luha naman nila akong tiningnan. Am I just dreaming? nandito yung mommy at daddy ko?
"Shannon" rinig kong tawag ni papa.
"Sweety" Sabi naman ni Mama. Niyakap naman ako ni mama pagkapasok ko sa loob.
"I'm so sorry sweety" pagkasabi ni Mama nun ay nag-uunahang bumagsak ang mga luha ko.
"We're so sorry for leaving you behind." Sabi ni papa.
Gusto kong magalit sa kanila. Gusto ko silang sigawan at tanungin kung bakit iniwan lang nila ako ng parang bula. Gusto ko silang paalisin tutal jan naman sila magaling pero parang di ko kaya. Parang lumabas lahat ng sakit at hinanakit na tinipon ko sa loob ng mahabang panahon sa pagitan ng pag-iyak ko. Iyak lang kami ng iyak. Gusto ko silang yakapin ng mahigpit para tumahan na sila pero di ko magawa.
Nang matapos ang iyakan session namin ay hinawakan ni mama yung kamay ko.
"Shannon anak. We're really sorry. Di kami naging mabuting magulang para sayo." Umiiyak na ambit ni mama.
"We're so sorry. Ikaw yung mas nasaktan sa desisyon naming dalawa. Sorry kung napabayaan ka namin. " Ani naman ni papa. Sa totoo lang seing your parents crying infront of you is like tearing your worlds apart. Ngumiti naman ako.
"Ok lang po. Alam ko naman pong dahil kina lolo kaya't napilitan kayong magpakasal noon." Nakayuko kong sabi. They deserve to be happy and I don't wanna be greedy. I'm just their daughter. They have their own life and I don't want that to ruined it. And also, masaya na sila sa kanya-kanya nilang pamilya ngayon. Haay.
"Shannon. We're really sorry" sabi ni mama't niyakap ako.
"Kung sinasabi nyo pong hindi kayo naging mabuting magulang nagkakamali po kayo. Lumaki akong wala kayo pero di ibig sabihin nun na pinabayaan nyo ako. Binilin nyo ko sa napakabait na si Aling Emy at binayaran ang apartment at pinag-aral ako. Mom, dad. Napakaswerte ko po kahit ganito po ang kinahantungan ng pamilya natin. Masakit po sa part ko na mag isang lumaki pero habang tanaw ko kayo mula sa malayo kasama ang bago nyong pamilya naiisip ko rin na mas maganda yun kesa naman kompleto tayo at di tayo masaya diba?" Pagkasabing pagkasabi ko nun niyakap ako nina mama't papa. haayst. This was the happiest day of my life. Akala ko tuluyan na akong kinalimutan ng dalawa pero hindi pala
Wala na silang bukambibig kundi ang salitang patawad. Oo alam kong masakit. Nagseselos nga ako minsan sa kompletong pamilya kase sila may kasama sa bahay. Maliit man ito o malaki. Di tulad ko. Ang laki ng apartment na 'to pero ako lang mag isa.
Nakakalungkot.
Pagkatapos naming mag-usap tatlo ay nagluto si mama. Sinamahan ko sya sa kusina. Si papa naman masaya kaming tinitingnan. Ewan ko ba. Ang saya ko ngayon. Ganito pala amg feeling ng buo ang pamilya. Ang sarap sa pakiramdam. Minsan nagjojoke sila. Minsan nag-aasaran. Haayst. Alam kong ngayong araw lang 'to. Pero kailangan ko 'tong sulitin.
Habang nasa pagkainan ay napatanong ako kina mama't papa kung bakit nila napagisipang magusap kaming tatlo.
"Actually sweety. May isang lalaki kasing nagsabi samin na gusto ka nyang pasayahin. Humingi sya ng pabor na mangyari ang araw nato. At dahil nagpumilit sya ay sumang ayon na lang kami tutal we want to apologize from what we have caused you" panimula ni mama.
"As far as I remember his name is Louie Vergara" bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin iyon ni papa.
"Louie" sabi ko habang sinisink in lahat ng sinasabi nila. The thought of Louie doing this stuff for me makes me want to cry. Ang tinding effort ang ginawa niya.
"You know what Shannon. I like the Perseverance of that young man. Ilang beses niya akong pinuntahan at hingin ang pabor na ito at ilang beses ko siyang sinabi na ayaw namin pero hindi siya natinag" saad ni Papa at tumingin sa mga mata ko. "Nangako siya sakin na mamahalin ka nya't aalagaan at poprotektahan. Shannon. That guy really loves you. You deserves him. You deserves each other" Sabi ni papa at nagsmile. Si mama naman ay tumango.
"He said he wanted to be with you no matter what. Haha he's a tough one. I like him for you" nakangiting sabi naman ni mama. Louie..... thank you.
Nang makauwi na sina mama ay biglang tumahimik ang paligid. Pero kahit ganun di na ito nagbibigay ng lungkot.
Napatitigig naman ako sa litrato namin tatlo kanina. Ang saya namin dito. May isang picture dun na hinalikan nilang dalwa ang pisngi ko habang ang laki ng ngiti ko. Haha ang cute.
Tingin ng tingin lang ako sa mga pictures hanggang mapadako ako sa picture namin ni Louie doon sa flower garden ng Greorya kingdom. Haaayst. I already made my decision.
Pakakasalan ko si Louie Gray Vergara.
BINABASA MO ANG
His Queen (Completed)
Разное"I was lost when he found me and in a blink of an eye, I became his Queen." - Shannon Marie Puertorico Shannon Marie Puertorico was lost during their fieldtrip on a mountain side. Dahil sa isang puting bunny na hinabol nito ay nawala siya...
