ғ ɪ ᴠ ᴇ

303 19 0
                                    

Shannon's Pov

Nakahalumbaba akong nakatingin sa cellphone kong nasa ibabaw nang mesa. Sunday ngayon at kagagaling ko lang sa simbahan. Ang boring naman.

Haayst. It's been 3 month since nangyari yung gabing yun. At mula noon kahit dagdag gasto ay nagcocommute na din ako pauwi at sa loob ng ilang buwang madaming nagbago. Well normal pa rin naman ang takbo ng buhay ko pero may nadagdagan kase ngayon. And I bet you've already know it. Yes. Parati nang sumasama si Louie saming tatlo. At eto namang si Rica parati akong iniechos kay Louie. Haayst. Nga pala sinasamahan pala ako ni Louie papauwi twing may night class kami. Ewan ko ba sa taong yun. Gusto nya dawng makauwi ako ng ligtas. Hahaha ang weird nya diba.

Kinabukasan din pala nung gabing yun tanong ng tanong si Rica kung ba't ako nagkasugat. Sinabi ko na lang na natisod ako para di na sila mag-alala. Hahaha lame reason as ever. Pero taena. Ang importante ay buhay ako ngayon.

Napatingin naman ako sa cp ko ng bigla itong tumunog. Si Louie pala tumatawag. Ehh ano naman kayang kailangan nito?

"Hello" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Ahm hi Shan. Libre ka ba ngayon?" Rinig ko sa kabilang linya. Ano na naman kayang trip ng isang 'to.

"Hmm oo bakit?" Simula nung first day hanggang ngayon parati na siyang sumasama samin. Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking ito. Minsan nga may naririnig na akong chismis na kesyo kaya parating sumasama si Louie sa grupo namin kase para makasama ang jowa niya which is ako. Hahaha wengya lang. Ang iissue nila sa totoo lang.

If nagtatanong kayo kung bakit may number si Louie sakin well itanong niyo kay Rica. Haha wengyang babae yun. Sinasabi niya pang siya ang leader ng ShanLou ship hahaha ewan ko na lang sa babaeng yun.

"Gala tayo? Hehe"

"Hahaha sure ka ba Louie? Wla ka bang ibang kaibigan na pwede kang samahan? " Haha sabihin nyo. Hindi naman yata masyadong harsh ang tanong ko ehh noh? Kase naman eh. Halos kami na lang ang parating kasama nito. Hindi ba siya nab-bored or baka... ohh my gosh. Hindi kaya bakla tong si Louie kaya ganun? kaya parati siyang sumasama samin. Shems. Auto uncrush na this haha.

"Wala eh. Ang boring kase dito. Sige na. My treat." Halos lumuwa naman ang mata ko sa sinabi nito. Aigoo. Yan yung gusto ko haha.

"Wow hah. Sana all madaming pera" sabi ko at tumawa naman ito.
"Oh sige. San naman tayo magkikita?" Dagdag ko.

"Talaga?" Nahimigan ko ang tuwa at excitement sa boses nito. Nag nod naman ako kahit alam kong di nya ito makikita.

"Sige dadaanan na lang kita jan ok?" Sabi nito.

"Ok" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Haayst. Pano ko ba kase mahihindian 'tong taong to ehh napakabait. Well I guess. I could call this gala of ours a friendly date hmm. Hahaha damn ayoko nang umasa noh ket crush ko siya pero dapat may limitation. Hahah limitation my lelang.

After kong maligo ulit. Hahah yes ulit kase dafat mabango tayo. Ang gwapo ng kasama natin tapos tayo amoy toyo? err no way hahahaha.

So ayun after kong maligo ulit ay pumili na ako ng magandang damit para sa friendly date namin. After a couple of minutes ay natapos narin ako. Nahirapan pa ako sa pagpili ng damit kase wala naman akong ibang magandang damit. Yun bang pwedeng pumantay sa beauty ni Louie babe. Ayoko namang magmukhang basahan noh. Haha.

Napasilip naman ako sa binatana ng kwarto ko ng marinig kong may bumusina sa labas. Kaya dali dali kong kinuha ang sling bag ko lumabas.

Pagkalock ko ng pinto ay halos maestatwa ako sa nakita ko. A young fresh handsome guy is looking directly at me habang nakasandal sa kulay pula nitong motor. Damn. Ang gwapo nya. Napalunok naman ako bago lumapit sa kanya.

His Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon