OSP 7

1.6K 29 2
                                    

Papunta ako ngayon sa opisina ni Ms. Alejandra. Bowset na! Kinakabahan ako! Masama ang pakiramdam ko *sigh* paano pag alam niya na? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Matutuwa kaya siya?

Boplaks sheonelle!

Siyempre magagalit yun!

Huwag nalang kayo ako pumunta?

Aish!!

Baka naman may iuutos lang! Siguro nga paranoid lang ako . Oo tama! Paranoid lang ako.

This is it!

Binuksan ko na ang pinto at agad bumungad sa akin ang matatalim na titig ni Ms.Alejandra ah sh*t!

Be positive!

Baka nai-inggit lang siya sa kagandahan ko

"Have a sit Ms. Pacheco"

Umupo naman ako doon . Sheeett pinagpapawisan ako

"I will go straight to the point Ms. Pacheco, Did Mr. Patrick Santiago And you had a Romantic Relationship?" Tanong niya na siya namang ikinagulat ko at ikinatahimik ko. Anong Sasabihin ko? Aamin ba ako? Hindi to pwedeng malaman ng Mama ko at lalo naman ng Lola ko !

"I guess that's a yes Ms.Pacheco. Alam mo naman ang Rules sa Eskwelahan na ito diba?" Tanong niya ulit . Grabe ang tibok ng Puso ko. akabahan na ako ng Sobra

"Opo Ma'am alam ko po."tanging sagot ko habang nakayuko

"Alam mo naman na tanging kapakanan lang ng school at estudyante ang iniisip ko. Alam ba to ng Parents mo?"

Naluluha na ako

Wala akong lakas para makapagsalita kaya tanging pag iling lang ang nagawa ko

"You disappointed me Ms. Pacheco, Running For salutatorian ka pa naman. You know that a relationship between Highschool and Elementary ay bawal hindi ba? The only exception is if both parents are Legally know the situation and in your case they don't know. Bring your Guardian tomorrow. You can go Now."

Bring your guardian

Bring your guardian

Bring your guardian

Mabilis na napataas ang ulo ko at tinignan ang mga Mata niya,

Tinignan ko siya na sinasabi 'Hindi pwede' nakuha niya ang aking mensahe at mabilis siyang umiling tanda ng pagtutol

Napakabigat ng dibdib ko ngayon.

Lutang akong lumabas sa opisina ni Ms. Alejandra. Na disappoint ko siya, baka maka apekto to sa grades ko. Nagkaroon pa ako ng bad record sa kanya. Ano kayang iniisip niya sa akin? Siguro iniisip niya na ang landi ko, na ang bata bata ko pa tapos nakikipagrelasyon na ako . Lalong bumigat tong dibdib ko

Paano ko naman papuntahin si Lola dito? Paano?! For sure magagalit yun and knowing her maghihigpit yun sa akin! Ang taas ng tingin sakin ni Lola tapos malalaman niya to

Tama kaya ang naging desisyon ko na sinagot ko si Patrick? Ngayon meron akong napakalaking Problema Tama kaya? Paano kung paghiwalayin nila kami? Paglalaban ko ba?

Pero masyado pa akong bata para paglaban ang isang tao..

Pero kapag hindi ko siya ipinaglaban magiging masaya ba ako? Paano kung ... Paano kung may mahanap siyang iba?

Paano nalang ako?

Grade 6 palang ako pero...

Bahala na.

--------

Ilang text at tawag na din ang natanggap ko galing Kay Patrick pero pinapabayaan ko lang. Ano na ba gagawin ko? Ang gulo

Ngayon ay Andito na ako sa bahay nakatunganga lang sa TV kahit Hindi naman talaga ako nanonood dahil iniisip ko parin yun hayyy buhay nasa gilid ko naman yung Lola ko na busy sa Negosyo niya

Huminga ako ng napakalalim para makakuha ng Lakas ng loob

"Lo-lola " tawag ko sa kanya

Napatingin naman siya sa akin na parang naghihintay ng susunod Kong Salita

"Ano ano po k-kasi pinapatawag po kayo doon sa school ma-may sasabihin po kasi si Ms.Alejandra sayo"

Tinignan niya lang ako ng masama . lagot na!

"May ginawa ka bang kalokohan?"kalmadong tanong niya ngunit alam ko na sa likod ng pagkalma niya ay nakakatakot na Aura niya kapag nalaman niya ang to too

Diyos ko! Tulungan mo po ako

"Ah eh wala po Lola nakangiti nga po si Ms. Alejandra noong kausapin niya ako! Halatang good news nga po eh he-he--he"

Nagulat nalang ako dahil yun ang lumabas sa bibig ko! Shet! MAS LALONG LUMALA! Hindi ka talaga nag iisip sheonelle!

"Ganun ba sige bukas ng hapon ay pupunta ako."

Ngumiti siya at agad ibinalik ang kanyang atensyon sa kasululuyan niyang gingagawa

Natampal ko nalang ang sarili ko ng palad ko dahil sa kabobohang ginawa ko

WHAT NOW SHEONELLE?!! MAS LALONG LUMALA! HSSSS!

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon