OSP 8

1.4K 27 1
                                    

Walang buhay akong naglalakad papuntang Room. Naka baba ang dalawang balikat ko at na kasayad ang dalawang paa ko habang ako ay naglalakad. Halata din ang pangingitim ng mga Mata ko dahil sa magdamag na kakaisip ko sa solusyon ko sa Problema at nakatulugan ko ng nakakunot ang Noo ko.

Ng makarating ako sa Classroom ay agad akong naupo at nagisip ulit

KATAPUSAN KO NA MAMAYA!

Hindi ko padin nasasabi kay patrick ang tungkol sa problema. Paano kapag nalaman niya? Iiwan niya ba ako? Siguro nga... Bakit niya naman ako ipaglalaban at magtitiis sa katulad ko eh kung meron namang kasing edad niya na mas maganda, mas mature mag isip, Mas malaki ang boobs at ang pwet eh ako?!

Napatingin ako sa boobs ko may laman naman siya kaso mas malaki talaga yung sa iba! Ganoon din ang pwet ko...hayyy wala na talaga siguro to. Kainis talaga! Kung Sana ipinanganak nalang ako ng mas maaga edi Sana walang problema kung pwede ko lang baguhin ang nakaraan dapat mas maaga nabuntis si mama para walang problema! (Paulit ulit lang ako eh)

"Good Morning class"

Napatalon ako sa kinuupuan ko dahil sa gulat , ganoon na ba ka lalim ang iniisip ko at Hindi ko man lang napansin na nakarating na pala ang teacher?

Nagsimula ng mag lesson ang teacher at dahil nga problemado ako eh Hindi na pumapasok ang mga tinuturo niya . Nakatingin lang ako sa may labas baka sakali ay makita ko siya

Isang araw palang kaming walang communication pero ganito na kaagad ang epekto sa akin! Kasalanan ko to eh! Masyado Kong denepend ang sarili ko sa kanya pero Hindi niya naman ako iiwan diba?

Madali lang mahulog pero ang hirap ng bumangon.

"MISS NA MISS NA KITA PATRICK KO!"

O_O

Napatingin lahat sa akin at nag tawanan napadapo ang tingin ko Kay Teacher Dela Cruz

Patay.

"MS. PACHECO! GET OUT!"

------

Ito na ang hapon kinakatakutan ko . Ito na ang pinakapangit at pinakanakakatakot na hapon

"Oi alam mo na pinatawag yung Lola niya kasi nalaman na ni Ms. Aljandra ang tungkol sa kanila ni Patrick!"

"Grade 6 palang kay landi landi na!"

"12 Years old pumatol sa 2nd year highschool"

"Naturingang matalino , bobo pagdating sa pagibig. Pinaiiral ang kalandian"

Halos tanggalin ko ang dalawang tenga ko para wala akong marinig. Kasi masakit! Sobrang sakit! Ano bang ginawa kong masama?

Alam niyo yung ang bigat bigat ng puso mo dahil sa may tinatago kang siketo at madidiskubre na ito? Parang may darating na Oral test at natatakot ka dahil Hindi ka nakapag review O di kaya'y Parang may ginawa kang kalokohan at natatakot kangmadiskubre ng mga magulang mo

Pero

Kalokohan ba ang ginawa ko? Kalokohan bang magmahal? Tumibok lang naman ang puso ko

Mali ba iyon?

sa tingin ko ay normal lang naman iyon.

Pero sa bakit parang sa tingin ng iba ay isang napakalaking krimen? para bang nakagawa ako ng kasalan at kailangan akong hatulan ng kamatayan.. Mali ba talaga? Mali ba talaga ang lahat?

"Sheonelle Pinapatawag ka ng Lola mo andoon siya sa Cafeteria''

Tumango ako at sinimulan ko ng humakbang patungo sa Cafiteria. Ang bigat ng paa ko . Do I have a Choice?

Nagtagpo ang Mata namin ni Lola at ramdam na ramdam ko kung ano ang ibig sabihin ng mga tingin na yun. Siguradong Alam niya na..

"Umuwi na tayo."

Yun ang tanging sinabi niya sa akin pero ramdam ko na nagpipigil lang siya. Malamig ang tono ng boses na iyon na lalong ikinakaba ko. Ano kaya mangyayari bukas mamaya? Bukas?

God help me

---

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon