OSP 26 end

4.2K 71 5
                                    

Matyaga kong inaantay ang sagot ni eliana. Ang buong sistema ko ay nakatuon lang doon at parang magic na hindi gumagalaw ang katawan ko.

Please say 'No'

Please say 'No'

Please say---

"Yes! I Do patrick! I do!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga.
Bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Why now?!

Bakit ngayon pa kung kailan ako nag ka roon nang lakas nang loob na bawiin ka patrick?

Paano ako? 

Naghiyawan ang lahat kasabay nang halakhak ni Patrick. Binuhat niya si Eliana na parang bagong kasal at inikot ikot. Kasabay nito ang malakas na tawa nilang dalawa. Sa sandaling yun binalot ng hinagpis ang buong pagkatao ko

I wish that is me patrick

I wish I can hug and kiss you like that

Ito ba dahilan kung bakit ayaw akong papasukin ni Andrea? Ito ba ang sasabihin dapat sa akin ni Andrea? Kung ganoon sana nakinig na lang ako sa kanya dahil wala nang mas sasakit pa sa nakikita ko ngayon

Masaya na siya sheonelle. Give up.

Isang sulyap pa ang ginawa ko at mapait na ngumiti.

Maybe...Maybe this is not my love story

Bakit napaka unfair? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? pinaglalaruan ba ako nang tadhana? Ito na ako eh! Buong buo na. Handang handa na. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Masakit at sobrang bigat sa dibdib.

Tumakbo ako palabas nang gate ng school ,pahid pahid ang mga luhang walang tigil na umaagos

Kung hihiling man ako ngayon? Isa lang ang hihilingin ko, yun ay Sana makalimutan ko ang lahat. Mula sa  una hanggang sa huli. Makalimutan ang bawat detalye kung paano siya lumuhod sa harapan ng lahat ng tao para mapatunayan ang kanyang pagmamahal sa ibang babae. Makalimutan kung paano siya ngumiti at kung paano kumikinang ang mga mata niya sa tuwing kinakausap niya ang babaeng yun.

Masaya naman kami dati diba? Masaya kami! Bakit kailangang maging ganito? Bakit kailangan ko pang makita to! para ba makita at isampal sa akin ang katotohanan?! Edi tangna! Oo na! Oo na! Hindi niya na ako mahal! Tangina Oo na may iba na siya! Ang sakit naman ng karmang to.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko na napansin ang batong nakaharang sanhi sa pagkadapa ko

Pagkadapa ko ay naramdaman ko kaagad ang hapdi sa tuhod ko pero wala iyon kumpara sa sugat ng puso ko

"Miss panyo?"

Nagangat ako ng tingin para lang makita ang isang lalaking matamis na nakangiti siya din ang lalaking naglahad sa akin ng panyo kahapon. Lumuhod siya at pinunasan ang....

"Yung sipon mo tumutulo na oh" Nakangisi niyang sabi Kasabay nang pag punas nang sipon ko nga. Namula ako hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kahihiyan

Imbis na mag pasalamat ay itinulak ko siya

"Alis nga!" singhal ko at tumayo ngunit dahil tanga ako ay na out of balanced ako sanhi nang pagka bagsak ko ulit ngunit sa pagkakataong ito ay nakapatong na ako sa kanya dahil sa pagsubok niyang saluin ako

Napa awang ang labi ko dahil sa gulat at lapit na din namin

"Ehem, yung laway mo miss" Natauhan ako at lumaki ang mata ko kasabay nang pag alis ko sa nakakahiyang puwesto na yun

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon