OSP 9

1.5K 34 1
                                        

3rd Person POV

Pagkalapat ng dalawang paa ni Sheoelle sa bahay nila ay agad sumalubong sakanya ang isang malutong na sampal galing sa kanyang Lola. Napasapo siya sa kanyang pisngi at Hindi na napigilan pang Umiyak

---
Sheonelle POV

"Lo-la"

"Wala kang Kwenta! Walang utang na loob! Kay bata bata mo pa ay yun na ang Inaatupag mo?! Ano?! Gusto mong matulad sa Ina mo? Na maagang nabuntis! Sheonelle matalino ka! pero Hindi mo namana ang talino ng mga tita mo! Dahil namana mo ang kalandian ng Ina mo! Ang tanga tanga mo! "

Hanggang ngayon Hindi ko parin maintindihan.... Bakit? Bakit parang ang sama Kong tao? Bakit parang ang sama ng ginawa ko? Sa inaakto nila ay parang kaladkarin akong babae?!

"Gaga ka! Sa ayaw O sa gusto mo Hihiwalayan mo kung sinong Pontio Pilatong iyon! Sinira mo lahat! Sinira mo ang pangalan mo! "

Iyon ang huli niyang sinabi bago siya umalis. Masakit. Masakit lahat ng sinabi ng Lola ko.. Hinusgahan niya ako katulad ng iba diba dapat siya ang umunawa sa akin dahil Lola ko siya? Diba dapat maunawaan niya ako? Hindi ba siya nagmahal?,hindi niya ba naramdaman itong naramdaman ko?

Sinira ko daw ang PANGALAN ko, sinira ko daw LAHAT? Paano ko ba sinira? Sa pamamagitan ba ng pagmamahal?...

----

Panibagong umagang dumating pero alam kong walang pag asa ang dadating.. Hanggang ngayon gulong gulo pa din ang buhay ko.

Kaninang Umaga ay Hindi kami nag papansinan ni Lola ,Nakakabinging katahimikan ang Sumalubong sa akin. tahimik lang akong kumain at ganoon din siya. Walang umiimik pero nabasag iyon noong sabihin niya na

Layuan ko si Patrick

Kinuha niya ang Phone ko at pinagbantaan ako na may mga Mata daw siya sa eskwelahan kaya agad niyang malalaman kung may ginawa akong pinagbabawal niya, At kapag hindi ko nagawa ang sinasabi niya ay mapipilitan daw siyang kausapin si Ms. Alejandra at papatanggal si Patrick sa school

At yun ang hinding hindi ko papayagan

hindi ako umimik , dahil alam ko wala akong Laban , wala akong magagawa dahil isang hamak na grade 6 lang ako na maaga DAW lumandi at maaga din DAW na mabubuntis. Ipapasa Diyos ko nalang ang lahat.. I know that He's the only one that can Understand me and I know that He's not going to judge me.

--

Ngayon ay andito ako Sa sea side. Inaalala ang masasayang alaala... Alaala kung saan kami unang nagkita, Unang nagligawan, Unang kulitan .. Alaala kung saan nag simula ang lahat

Napapitlag ako ng may humawak sa kamay ko pero Hindi pa ako nakatingin kung sino iyon ay kilala ko na...

Si Patrick...

"Anong nangyari? Bakit Hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko? Mga text ko? Nag alala na ako sheonelle! Damn!" Hinilot niya ang kanyang sintido at tumingin sa akin. Kilala ko ang Tingin na yun . Alam Kong nahihirapan din siya , nahihirapan sa mga nangyayari dahil katulad niya ay ganoon din ako.

Muli Kong binalik ang mga tingin ko sa Dagat at pumulot ng bato at tinapon sa dagat na tila ba'y naglalaro

"Tapusin na natin to Patrick" Flat Kong sabi habang patuloy na nakatingin sa dagat .

*Katahimikan*

"Ha-ha----Ha nakakatawa talaga iyang joke mo sheonelle" sagot niya na pilit pinapasigla ang kanyang boses

"Hindi ako nagbibiro. Maghiwalay na tayo " Malamig Kong tugon. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na puno ng pagtataka ang kanyang mga Mata

"Ano bang sinasabi mo? Anong tatapusin? May problem ba tayo? may problema ka ba sakin? ? pagusapan natin. . "

Niyakap niya ako at isiniksik ang kanyang Ulo sa aking balikat

"Bitaw Patrick"

"Ayoko. Sheonelle kung may problema sakin babaguhin ko kaagad iyon pangako. Kung ayaw mo ng ninanakawan kita ng Halik hindi ko na gagawin Ku-Kung Kung makulit ako pipilitin ko na maging Seryoso ,kung gusto mong palagi ay ako ang sumusuot ng helmet bibigay ko palagi sayo yun. Kun-- "

" Patrick tama na!"

Tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan

.Mahal na mahal ko siya pero kailangan ko itong gawin.

Bakit ba ang Unfair? Ang hina ko! Dahil wala akong magawa para sa kanya . para sa lalaking mahal ko

"Sheonelle! Damn! Ano bang problema?! Bakit ka ba nakikipaghiwalay?! Pleasee huwag mo akong Iwan." Naramdaman Kong namasa na ang damit sa bandang balikat ko. Alam Kong Umiiyak na siya. Alam Kong nasasaktan na siya

Please Patrick don't make this hard for me...

"Sheonelle ano bang problema? Sa-sabihin *hik* mo sakin.
Ma-magbabago a-ako para sayo. May iba ka na ba? *hik* "

Hindi ako umimik nanatili lang akong nakatingin sa mga Mata niya.. Gusto ko siyang yakapin..Gusto ko siyang Halikan, hagkan, patahanin . Sobrang bigat na ng dibdib ko. Gusto Kong sabihin sa kanya na wala akong iba! Gusto Kong sabihin na mahal na mahal ko siya . Gustong Gusto ko! pero wala akong lakas ng loob

"Sheonelle! Bullshit naman! Magsalita ka! Sheonelle please...
Kung- kung may i-iba ka..pwede naman akong maging pangalawa. please sheonelle... Huwag mo lang akong Iwan.."

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon