OSP 1

7.8K 62 5
                                        

Hi dear readers:) I just Want to share this Story. Hope you will like it:">

~ FameChin_07

Sheonelle POV

(It pronounce like "SHENEL")

"L-lola?" Utal Kong tawag sa aking sobrang..... sobrang basta madaming SOBRA! Strikto na lola

"Bakit?" Tanong niya habang nakatutok pa din ang Mata niya sa telebisyon

Naku! Sheonelle kaya mo iyan! Para sa Love life mo to!

Huminga muna ako ng malalim dahil sa labis na kaba na nadarama Ko

"K-kasi Lola p-punta Sana kami ni Andrea sa Sayawan doon sa Court fiesta naman eh " napapikit ako ng mariin at Napa crossfinger .

Sana payagan ako ... Sana payagan ako.... Sana payagan ako..

"Osige. Siguraduhin mo lang na si Andrea ang kasama mo at kapag umuwi na yung mga pinsan mo ay umuwi ka na rin maliwanag?"

Tumango ako para di halata na atat akong pumunta pero ang totoo ay

Halos magtatalon ako sa saya. finally Makikita ko na SIYA!

Dumiretso kaagad ako sa lagayan ng Damit ko . Nagpalit ako ng Short at ibinulsa ang sleeveless na kulay white . Ayaw kasi ng Lola ng ganitong damit!

pero ika nga nila? 'Mas Masarap ang bawal ' pagkatapos ay nagpaalam na ako sa lola ko at halos patakbong lumabas ng bahay! Nakita ko kaagad ang aking paboritong pinsan na si 'Andrea' Todo ngiti ito dahil may kalokohan na naman kaming gagawin.

"Sheonelle Bilisan mo diyan! 5:45 na! 6:00 mag sisimula ang 'Boxing!' Hmp!" Mataray nitong sabi

Napangiti ako ng nakakaloko. Ang totoo kasi niyan ay Hindi kami pupunta sa 'Sayawan' dahil sa 'Sea Side' kami pupunta para makita yung 'Child Fight' or yung mga batang nagsusuntukan

At higit sa lahat para makita SIYA

"O sheonelle! Halika na at lalakarin pa natin papuntang Waiting Shed para magbantay ng Tricycle no! "

Nagsimula na kaming maglakad dahil mailap talaga ang Tricycle sa amin. Kailangan mo pang mag lakad pero di naman ganoon kalayo upang makapagpara mg Tricycle.

Sa kalagitnaan ng aming paglalakad ......

"Andrea! Magbibihis lang ako"

Nilabas ko na ang aking Sleeveless at dahil wala namang tao ay sinimulan ko ng maghubad ng T-shirt.

"Andrea takpan mo ko baka kasi may Dumaan"

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon