OSP 3

2.4K 33 4
                                        

Sheonelle POV

"Sheonelle Kamusta paguusap niyo ni PatrickKyahhhhh!! Kinikilig ako!"   Sabay hampas hampas nito sa balikat ko

Seriously? Ano bang problema ng pinsan ko? Kapag ako talaga nagkapasa!

Naramdaman niya sigurong hindi ko gusto ang ginagawa niya kaya tumahimik siya tsaka nag puppy eyes  PSH!!

Mukha siyang Unggoy!

Naawa naman ako

"Okay lang naman" sagot ko

"Naman eh! Kwentuhan mo ako mula simula!" Sabay yug yug ng balikat ko

Bakit ko ba naging pinsan to?! Masyadong maingay leshugas!

"Aish! Oo na oo na!"

Flashback

"Upo ka sheonelle"

Malamang! Alangan namang Tatayo lang ako! Ano magkwekwentuhan kami habang nakatayo? Ugok talaga to! Sarap hampasin kaso baka masugatan pa kamay Ko

Umupo  ako

"Kamusta?" Tanong  niya

"Okay lang tao pa rin. Ikaw?"

Bahagya naman siyang napangiti sa sinabi ko.

"Haha tao din naman"

Weeeee? Tao ka? Di nga?!

Nagsisimula ko ng maramdaman ang lamig. Mga 7:00 na din kasi kaya naman lumalamig na ang ihip ng hingin. Natatanaw ko din naman si !andreaa mula dito medyo malayo sila sa karoroonan namin pero halatang nag eenjoy dahil napapalibutan siya ng mga lalaki. Kalandian talaga.

"Ang lamig noh?"

Sabay akbay niya sa akin at inilapit ako papunta sa kanya. Abah?!

At dahil mas matangkad siya kaysa sakin ay napasandal ako sa kanyang dibdib

"Hoy lalaki! Mag tigil ka nga at baka masapak kita diyan!" Singhal ko sa kanya. Tinangka Kong Alisin ang kamay niyang naka akbay sa akin dahil na asiwa talaga ako pero mas lalo niya lang hinigpitan

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah? " Nag mama-ang ma-angan pa ang loko!

"Hoy ang baho mo kaya! Magtigil ka nga!" Singhal ko ulit

Inamoy Amoy niya ang Buhok ko. Walangya sabi ko ANG BAHO NIYA kamo Hindi AKO

"Oo nga noh mabaho nga."

Aba ako?! Mabaho!

Tinanggal ko nga ang pagka akbay niya sa akin at umayos ng upo paharap sa kanya habang siya ay nakangisi

Humugot ako ng napakalalim ng Hininga

"Unang Una! Huwag mo akong ina akbayan dahil ang Baho mo! PANGALAWA Hindi. Ako. Mabaho! At pangtaavshssgadlhjddgak--

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon