OSP 13

1.5K 24 2
                                    

"Hoy sheonelle para kang tanga diyan na nakangiti! "

Umirap lang ako Kay Andrea dahil wala akong Plano na masira ang araw ko. Shammay! Official na talaga! LEGAL na kami..LOL.

"Ano ba yan! Ganyan ba talaga kapag In love?! Parang tanga lang" Pagiinarte ni Andrea habang kumakain ng Fishball

"Tse! Palibhasa kasi bitter ka! Hindi ka kasi pinapansin ni SUPER DUPER Crush mo!" Pangaasar ko sa kanya at muli siyang inirapan.

Lumunok muna siya ng Limang fishball ng sunod sunod at muling nag salita

"Anong Hindi pinapansin?! Hindi mo nabalitaan Girl? Magpapakasal na kami bukas! Kaya nga lately Amma Busy, kasi inaasikaso ko ang Kasal namin sa Canada , Korea, China, U.S at--- Aray! Bakit ka nambabatok?!"

at kailan pa naging Doble Doble ang kasal?-_-!

"Masyado ka kasing Ilisyunada . Sinasama mo pa si Reymond sa mga kahibangan mo"

Kasal agad ang iniiip nitong pinsan ko! Samantalang hanggang Tingin lang naman siya Kay REYMOND ang crush niya. Hindi ko naman masisi ang Loka! Gwapo naman talaga siya at sikat sa school kaya nga Hindi talaga sila bagay. Talampakan lang siya ni Reymond! Oh let me correct KULANGOT lang pala siya ni Reymond.

"Grabe ka! Sakyan mo naman trip ko. "

Agad akong sumampa sa kanyang Likod.

"Aish! Ano ba? Bakit ka sumakay sa likod ko?"

"Sabi mo kasi sakyan diba? Arte nito!

----

' PARANG TANGANG MAGANDA

-Minsan ako

-Madalas ako

-Palaging AKO

Kasi naman nakangiti ako ngayon habang nagdodoodle ng pangalan ni PATRICK.. Uso kasi ngayon ang Doodle , ibibigay ko sa kanya to mamaya , Sobrang effort nga to kasi 3 combination ng ball pen pa ginamit ko. Siyempre Spesyal

Yck! Corny ko!

Napailing nalang ako at itinuloy ang aking ginawa ng nakangti

"Maghihiwalay din kayo nyan"

Sinundan ko ang dereksiyon kung saan nanggaling ang Boses na yun

Tumaas ang kilay ko at Nagpantig ang dalawang tenga ko sa narinig ko.

"Paano mo naman na sabi?" Tanong ko sa kanya. Nandito kasi ako sa lilim na puno sa loob ng School. Hindi ko naman siya kilala tapos makapag salita akala mo alam niya ang lahat. Mga BITTER!!

She smirked

"Can I tell you a Story?" Sabi nito at ngumiti. Parang bula na nawala ang pagkairita ko at napalitan ito ng pagtataka dahil malungkot ang kanyang mga mata .

Tinignan ko ang aking relo at marami pa naman akong Vacant time. And beside Curious din ako.

Nginitian ko din siya at marahan na tumango.

She let out a deep Sigh and began to tell A story

"Mayroong isang mahirap na daga, ang kanyang ama ay may sakit at gayun din naman ang kanyang ina dahil dito nangangarap siya na makapunta sa isang Mansyon upang makakuha ng maraming pagkain ngunit pilit na pinipigilan siya ng kanyang mga magulang dahil sa maraming umaaligid na pusa doon. Lumipas ang araw at mas lalong silang naghirap at doon tumindi ang kagustuhan niyang makapunta sa Mansyon. Gumawa siya ng plano, pinigilan siya ng kanyang mga magulang ngunut tinaboy niya lang Ito. Isinagawa niya ang kanyang Plano at matagumpay na nakapasok sa Mansyon. Doon ay maraming pagkain, maginhawa ang buhay, at nagkaroon siya ng kanyang bagong matitirahan, malayo sa putikan at mabahong bahay nila noon. Nawili siya sa kanyang bagong buhay at nabulag sa karangyaan at nakalimutan ang kanyang pamilya. Nagpakasasa siya sa marangyang buhay ngunit napagtanto niya na Hindi pala Ito ang totoong kasiyahan niya , binalikan niya ang kanyang pamilya ngunit sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay na ang mga ito."

Tumingin siya sa aking dereksyon."pagisipan mong mabuti lahat ng desisyon mo bago mo isagawa" She smiled "Bata ka pa"Then She left.. Pipigilan ko pa sana siya pero mabilis siyang nakalayo. Bakit niya ikwenento saakin yun? Anong ibig sabihin ng sinabi niya? Hindi ko maintindihan! 'Bata pa ako?' Anong konekt?

Aish! Binigyan niya pa ako ng problema!

Dsjdhaafagsraiwk!! Late na ako!!

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon