OSP 14

1.5K 28 0
                                    

Hindi parin talaga maalis sa isip ko ang sinabi ng babae.. Kanina ko pa pilit iniintindi ang mga katagang sinabi niya tila siya'y nagbibigay babala .Gusto ko Sana siyang hanapin kaso Hindi naman ito naka uniporme at hindi ko din alam ang pangalan niya.

"Ohh isa nalang , isa nalang ! Lalarga na! "

Sigaw ng Driver ng Tricycle, Oo tama 'Tricycle' dito kasi Hindi uso ang tig ISANG pasahero lang O dalawa lamang. Pwede kasing tatlohan sa bandang Likod ng driver, tatlohan sa loob at pati sa bubong ng tricycle ay pwede kang sumakay kaya naman siksikan talaga.

Nagmadali akong sumampa sa loob ng tricycle dahil ito nalang ang natitirang bakante. Nakakapagod ang Araw na to lalo pa at gumugulo sa isipan ko ang sinabi ng babae.

Katatapos lang ng klase ko at wala din kaming lakad ni Patrick dahil sa busy kami dahil nalalapit na naman ang bakasyon .. Napapangiti parin ako tuwing naiisip ko na payapa na ang lahat... Ako, si Patrick ang pagtanggap ng mga magulang ko sa aming Dalawa... At higit sa lahat ang pagmamahal na hinahanap ko sa pamilya ko ngayon ay nararamdaman ko na. Wala na akong mahihiling pa.

--

"Kamusta ang klase mo apo?"

"Okay naman po Lola" pumunta ako sa gawi niya at nagmano

"Kawaan ka ng Diyos. Eh kamusta naman kayo ni Patrick?" Namula ako at napakamot sa batok. Hindi parin kasi ako talaga sanay na ganito si Lola.. Maasikaso,approachable at pala ngiti..

"Naku! Kinikilig ang apo ko! Halika ka nga dito!" Niyakap niya ako "pasensiya ka na kung nagkulang ako sayo ha? Pasensiya na kung masyado akong naging mahigpit sayo. Ayoko lang kasing matulad ka sa mama mo: na maagang nagkapamilya. Pasensiya ka na talaga apo. Proud ako sayo kasi Gra-graduate kana. Mahal ka namin ng mama mo apo."

Kumalas ako sa yakap niya. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mukha. Ramdam ko ang lumilipad na paro-paro sa aking tiyan para bang umi-ikot ikot sila at masayang nakikipaghabulan.

"Lola okay lang po. Thank you po sa pag aalaga sa akin. Thank you po sa pagiintindi sakin. I love you lola" muli ko siyang niyakap

"Apo may sasabihin Sana ako sayo."

Umupo kami at hinawakan niya ang aking kamay

"Matagal na panahon na din noong nag apply ang mama mo sa America. At Hindi niya inaasahan na a-aprobahan pa ito . Gusto ka niyang Isama para makabawi siya sayo apo. Gusto ka niyang alagaan. Gusto niyang punan ang mga pagkukulang niya sayo. Okay na lahat. Naasikaso na ang papeles mo. Uuwi siya dito sa Graduation mo at kinabukasan ang Flight niyo papuntang America" Ramdam ko ang kagalakan ni Lola habang pinapaliwanag niya sa akin ang lahat... Pero paano kami ni Patrick? "Apo kung iniisip mo si Patrick... Bata pa kayong pareho, marami pang mangyayari kung para talaga kayo sa Isa't isa ang tadhana ang gagawa ng paraan para doon at isa pa para din Ito sa kinabukasan mo apo. Gusto ko din na bigyan mo ng pagkakataon ang mama mo upang magampanan niya ang pagiging Ina niya sayo apo. Mahal ka ng mama mo at gusto ka niyang makasama."

Tumano tango ako. Gusto ko din naman na makasama si mama ngunit sa kabilang banda ay nalulungkot ako. Marami akong iiwan dito: ang mga kaibigan ko , kamag anak, si lola, mga pinsan ko at si Patrick..

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng pumunta sa kwarto ko. Paano ko ito sasabihin sa kanya? Ano kayang magiging reaksyon niya? Pinag halo-halong saya,lungkot,kaba, at naramdaman ko ngayon ngunit excited ako sa panibagong Chapter ng buhay ko.

--

Mabilis lumipas ang Araw.. Graduation na at Katulad ng iba ay nakakaramdam ako ng kaba at kasiyahan.

"Sheonelle Are you ready?" ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi "Oo Patrick. Tara?"

"wait Sheonelle!" Napatingin ako sa kanya at kita ko kislap sa kanyang mga mata."Ang ganda mo" Ramdam ko ang paghabulan ng paru paru sa aking tiyan at ang pag init ng aking pisngi.. Binigyan ko lang siya ng nahihiyang ngiti at yumuko..

enebbeeee! naheheye akee!

"hahah tara na nga!"

"Oh ayan na pala sila! Anak sumakay na kayo ni Patrick! bilis! baka malate tayo!"wika ni mama. natatawa nalang ako sa kanya.. kanina pa kasi siya ganyan: Masyadong na tetense at aligagang aligaga. Oo kadarating lang ni mama kagabi at ngayon kitang kita ko ang kagalakan sa mga mata niya at alam kong proud siya sa akin at masarap iyon sa pakiramdam dahil alam mo sa sarili mo na hindi nasayang ang perang ginastos ng pamilya mo.. And lalong pang nadagdagan ang kagalakan ko ng matanggap niya si Patrick.

"Apo andito na tayo!" Bumaba na kami sa kotse na inarkilahan pa namin upang hindi daw masira ang make up ko. Agad akong inalalayan nina Mama..

Tumingin ako sa paligid at humugot ng napakalalim na hininga 'This is my Day!'

Marami pang Seremonyas ang Naganap. Mayroong Kumanta kami para sa Farewell song, Nagpasalamat sa mga magulang namin at Nagbigay din ako ng Speech at sa lahat ng yun ay kita kita ko kung gaano ka proud sa akin ang Parents ko. Natapos ang lahat ng nagiiyakan,Nagyayakapan, ngunit hindi maitatago ang kasiyahan dahil sa wakas Natapos namin ang Yugto ng pagiging Elementarya.

"Sheonelle"

"patrick"

mabilis niya akong niyakap "Congratulations Sheonelle, Magiingat ka doon ha? At ipangako mo na walang magababago sa atin .. kakayanin natin to" Namuo ang luha ko sa aking mga mata . Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko sa kanya. "Patrick mahal na mahal kita Thank you sa lahat sa pagmamahal sa akin , sa pagtanggap sakin at promise ko sayo walang magbabago! Kakayanin natin to. I love you" humiwalay siya sa pagkakayap sa akin at nginitian ako.. Ang nga ngiti na nagpaibig sa akin, ang mga ngiti na nagpatatag sa akin.

"Halika na?"

Marahan akong tumango at kasabay nito ang paghalik niya sa aking pisngi "Mahal kita Sheonelle"
"Mahal din kita Patrick. Hindi ako magbabago Promise yan!" nginitian ko siya at Pinagsiklop niya ang aking kamay at sabay naming Tinahak ang papunta kina mama..

-----------

A/N: Hey! It's not yet the end! Nay twist pa. Haha wag atat okay? xD

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon