OSP 12

1.4K 24 0
                                        

Sheonelle POV

"Sheonelle paki abot mo nga ang kanin" Mahinahong Utos sa akin ni lola.

Tahimik Kong kinuha ang Plato kung saan nakalagay ang kanin at inabot sa kanya, muli Kong tinuon ang aking pansin sa pagkain.

Isang linggo na din ang lumipas at unti unti ng nagiging maayos ang lahat. Hindi narin nabanggit ni Lola ang tungkol sa amin ni Patrick at ganoon din sa paaralan. Palihim pa din kaming nagkikita ni Patrick. Bumabalik na ang lahat sa dati .. Ngunit aminado ako na hindi ako komportable kapag kasama ko si lola lalo na at hindi ko pa gaanong nakalimutan ang masasakit na salita na binitiwan niya sa akin..

"Sheonelle kamusta ka sa School?" Napa angat ako ng Ulo at hindi ko maiwasang kabahan. Damn! Baka nalaman niya na

"O-okay namam p-po" Utal Kong tugon. Believe me! Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko upang makapagsalita

Tumango tango siya at muling isinubo ang kanyang pagkain. Napahinga ako ng malalim at muling kumain.

"Kamusta naman kayo ni Patrick?" Mabilis pa sa alas kwatro na napa angat ang aking ulo at kumunot ang aking noo . alam ko na pulang pula na ako ngayon!

"H-ha?" -Yun lang ang tangi ko nasagot

"What? Diba boyfriend mo siya? Tinatanong ko lang naman kung kamusta kayo," lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib . ibig bang sabihin nito ay?! AHHHH!! SH*T! SH*T!

"Ano po, okay lang naman po" ngumiti siya at halos matunaw ang aking puso. Gumaan ang aking pakiramdam at parang nakalutang ako sa hangin..

Tanggap na ba nila?

Kasiyahan ang namuo sa aking puso.

GOD!Thank you

Ngunit...paano?

----------

Nandito ako ngayon sa bahay ni Andrea kasama pa ang iba ko pang pinsan.. Sabado kasi ngayon kaya nag ka ayaan na mag Movie Marathon daw , Bonding na din namin. Hanggang ngayon ay Hindi pa din mawala ang makahulugang ngiti ni Lola.. HAYY! Life! Ano kaya nakain ni Lola at bakit siya ngumiti ? Balak ko sanang bumili ng isang Milyong ganun!

"Oi sheonelle!" Napatingin ako kay Andrea na nasa tabi ko

"Bakit? " sagot ko

"Pinagalitan ka ba?" Tanong niya ulit na may halong pag aalala.

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?"

Napakamot siya sa kanyang Ulo

"Eh kasi ano eh..tsk! Hm"

Ano daw ?! wala naman akong naintindihan? -?__?-

"Ano? Sabihin mo na" pagpupumilit ko . Nasasayang ang Mabango kong Oras

"Kasi kinausap ni Patrick ang Lola mo noong nakaraang Araw pipigilan ko nga Sana kaso determinado eh. So ano pinagalitan ka?"

Kinausap niya?!! Ang tapang naman ng mokong na yun. Lahat kasi kami ng mga pinsan ko ay takot Kay Lola tapos siya? Nagawa niyang kausapin?

May biglang Idea na pumasok sa isip ko na nasagot ang lahat ng tanong ko. natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti

Kaya pala ganoon si Lola..

Agad ko kinuha ang aking Cellphone at hinanap ang pangalan ni Patrick

To: Gwapo Kong BF
'Thank you sa ginawa mo para matanggap tayo ni Lola :) I love you!'

Sent..

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon