Sheonelle POV
Ano yun? Parang may umiiyak?
Minulat ko ang aking Mata at
Napatingin ako sa gilid ko at literal na lumaki ang Mata ko.
Hindi ko alam kung tatawa ba ako O tatawa! Paano ba naman kasi si Patrick umiiyak at nakaangat ang dalawang kamay dahil kinukusot ang dalawang Mata parang ginawa ng bata kapag umiiyak
Nagsisimula na tuloy akong magduda kung lalaki ba talaga to o bakla
'"Hoy patrcik! Bakit ka umiiyak? Kinagat ka ba ng langgam?" Pangaasar ko
"........"- siya yan
Nanatili parin siyang nakayuko..
Aba't?!! So ano to? Siya na naman ang nagtatampo?!
Edi wag! Siya na nga itong may kasalanan tapos nagtampo pa. Muli Kong pinikit ang aking mata at pilit na tinuon ang aking atensyon sa iba..
Makalipas ang ilang minuto ay ganoon parin ang nangyayari .. Nanatili parin siyang nakayuko ngunit kada minuto ang dumadaan ay Hindi ako mapakali parang may nais akong gawin na Hindi ko malaman
Ano na tong nagyayari sakin?
2 minutes after
"Bati na tayo" sabi ko
Awtumatiko namang napaangat ang mukha niya at kita ko ang Kumikinang na Mata niya na para bang batang binigyan ng 100 Candy psh! kita ko din Pati ang mamasa masang ilong niya
Kay gwapong tao psh!
"Talaga?! Bati na tayo?" Bowset! Kailangang Sumisigaw
"Oo nga"
Mas lalong Kuminang ang mga mata yung tipong pwede ng Isangla.
"Talaga? Talaga?!" Paulit ulit tong si Patrick
"Oo nga sabi eh"
Agad niya akong niyakap at dahil sa lakas ng Pagkayap niya sa akin ay napahiga ako sa Buhangin
Bali nakapatong siya sa akin!
Anak ng Sampung Kabayo!
"Hoy Patrick! Ang bigat mo kaya! Umalis ka nga!" Wika ko pero
Yung mokong ay nakatingin lang Sa mukha ko na parang wala sa sarili! Ang bigat pa naman niya! kapag itong Dibdib ko ay na flat dahil sa kabigatan niya! I swear papatapon ko talaga siya sa Jupiter!
Wala atang balak umalis eh!
"Hoy Patrick! Sabi k--
*tsup*
Aba't?!!!!!
HINALIKAN AKO ULIT?!
Agad namang tumakbo ang Loko na halatang ikinagulat din ang nangyari at ako ay naiwang nakahiga. Mukha lang akong Tuod na nakatingin sa langit habang iniisip ang Nangyari
Nang nakarecover na ako ay mabilis akong Tumayo at tumakbo ng mabilis!
LAGOT KA SAKIN PATRICK SANTIAGO!!!
Tumakbo ako ng Tumakbo pero bigla na lang Siyang nawala. Aish! Puro tuloy ako Pawis!
Asaan na kaya ang Asungot na yun?!
Lagot ka talaga sakin!Nagpalinga linga ako pero Hindi ko talaga siya makita. Psh?! Siguro nadapa yun at nahalikan yung Lupa HAHA
Napakahilig kasi!
Medyo napagod ako sa kakatakbo kaya naisipan Kong Umupo muna.
Lintik talaga yung lalaki na yun! Kakabati lang namin tapos eto na naman siya! Napaka!!
Kawawa naman tong lips ko durog durog na ata! Siguro marami na itong pasa dahil sa kakahalik ng mokong na yun!
Nasaan kaya yun? May lahi atang Enkanto yun e--
"Huli ka!" -patrick
"Ay engkanto ka!"
"Ako? Engkanto?!"
Pagrereklamo nito at padabog na umupo sa tabi ko sabay pout
Mukha siyang asong baliw-___-!
Maya maya pa ay......
Pak pak
"Aray! Aray!"
Akala mo makakalimutan ko ha! Peshugas ka!
Anak ka ng unggoy!
Pak pak
"Aray tama na sheonelle naman eh! "
Aba?! Anong tama na tama na!
Akala mo maliligaw mo ang Usapan ha!
Pak pak
"Sorry na! Naman masakit na!"
At dahil napagod ako at maganda ako ay tinigil ko na
Baka mapatay ko pa at kasuhan ako at makulong ako at Mabulok ako sa kulungan at doon na tumanda at at? Tama na nasayahan kayo masyadow!
"Galit ka?" Tanong niya sakin
"At sinong Hindi magagalit?! Eh palagi mo nalang akong ginugulat ha! Kung gusto mo ng halik aba! Sabihin mo lang! Hindi yung nanggugulat ka pa! Aba! Hindi ata ako mamatay dahil sa paghalik halik mo kundi dahil sa Nerbyos! " singhal Ko
Lumaki ang kanyang Mata at parang may iniisip O pilit iniintindi. Kumunot ang kanyang Noo at tumatanong ang kanyang isip
"Ibig mong Sabihin pwede kitang halika----
Ayun! Hinugot ko ang ulo niya at Hinalikan
Masyadong madaldal eh
BINABASA MO ANG
Our Sweet Past (Completed)
Genel KurguI am always the Second best... But in YOUR heart I'm the best I used to be the Second Priority and You treated me Goodly I know that You Love me with all your heart But. .. I'd made a Mistake I left you.... I fooled my Self that It was Right And wh...