OSP 23

1.6K 19 1
                                        


Mainit na klima, Ma polusyong hangin. Na miss ko lahat ng ito.

Ang init ng hangin na dumadampi sa aking balat ay palantandaan na nasa Pilipinas na ako. Ang bansa kung saan ako namulat , Ang bansang siyang naging tirahan ko sa loob ng  12 na taon at ang Bansa kung saan ko siya iniwan.. Ngayon andito ulit ako sa vansang to para balikan siya.

"Na miss talaga kitang bruhita ka!!" Ani ni andrea na ngayon ay kumakain sa taxi ng tsokolateng  pasalubong ko
"Bakit namiss ba kita? Hahah" sagot ko  

Inirapan niya lang ako at nagpatuloy siya sa pagkain ng tsokolate. wala talaga pinagbago tong bruha na to.
"Mas lalo kang gumanda shen! Miss na miss ka kaya namin."

Bahagya akong ngumiti.
Siya ang nag sundo sa akin sa Airport. Malaki ang pinagbago niya. Ang mukha niyang panget noon ay panget parin ngayon. Laki ng pinagbago diba?

Di seryoso. Gumanda si Andrea. Mas tumangkad siya , ang hanggang balikat niyang buhok ay lumagpas dibdib na. Pumuti din siya at mas nakita ang kagandahan niya sa light make up na inaapply niya.

"Anong plano mo ngayon shen?"

"Babawiin si Patrick" Mabilis kong sagot kanya.

Napatingin kaagad siya sa akin na parang sinisigurado ang narinig niya. Yun naman talaga ang sadya ko dito eh at wala akong planong ilihim pa iyon lalo na at abot kamay ko na yoon

Lumaki ang butas ng ilong niya. Isama mo pa ang mata niya
"Seryoso ka?!"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Napailing siya at nag 'tss'
"Shen hindi kita pipigilan pero pag isipan mo munang mabuti. Mukha kasing nagmamahalan talaga sila ay hindi lang 'mukha' nagmamahalan talaga"

May kumirot sa puso ko nang narinig ko yun. Sa pagkakasabi kasi niya ay parang siguradong sigurado siya pero kaya ko nga siya babawiin diba? kasi hindi ko kayang may minamahal siyang iba

Binaling ko ang atensyon ko sa bintana at pinanood ang mga sasakyang nadaanan namin
"Wala akong paki alam andrea. Itutuloy ko to wala ng atrasan" sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ako

Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim at marahang hinaplos ang balikat ko
"G*ga ka talaga lahit kailan! Hmp! Basta kapag nasaktan ka andito lang ako"

Tumingin ako sa kanya at ginawaran ko siya nga matamis na ngiti "Hindi mangyayari yun andrea. Dahil sigurado ako na mababawi ko siya"

"Sabi mo eh! haha teka nga! May mga damit ba akong pasalubong dito? Naku kukurutin kita sa singit pag wala akong nahagilap dito!"

Napairap ako sa kawalan
"Oo na andyan sa isang bag ko. Mukha ka talagang pasalubong sarap ipamigay"

"Napakaganda ko namang pasalubong pagnagkataon!"

"Kapal! shet. Ang hangin! Ilang electricfan ba ang nilunok mo?" pagbibiro ko pa
"Che! Grabe ka talaga!"
Pareho kaming napatawa. Na miss ko talaga siya.

Di nagtagal ay nakarating na din kami sa bahay. Medyo nagulat pa ako dahil sa laki ng pinagbago ng lugar namin. Ang dating lupa na daan ay naging semento na. Ang matumal na tricycle noon ay halos hindi na mabilang dahil sa dami ng dumadaan ngayon kung hindi ko siguro kasama si andrea ay iisipin kong naliligaw ako.

Sa loob ng limang taon andaming nag bago isama mo pa kami ni patrick. Pinilit kong maging masaya sa pagharap namin sa mga kamag anak ko. May konting salo-salo na naganap dahil sa muling pagbalik ko. Nakita ko pa ang iba kong mga pinsan,tita ,tito at ang lola ko.

Nang matapos iyon ay nag paalam muna ako para makapag pahinga. Nakakapagod. Kailangan ko pang mag handa bukas dahil bukas na bukas ay sisimulan ko na ang lahat.
-------------

"Shen naman eh! kailangan mo ba talaga akong isama?!"

I glared at her. Kanina pa niya tinatanong iyan! At ako naman si tanga sagot din ng sagot tss magpinsan nga talaga kami

"Oo nga! Ikaw ang may alam kung saan ang University na pinapasukan niya and beside schoolmate mo siya diba?" Sagot ko ulit sa kanya.

Napakamot siya ng ulo niya
"Kasi naman eh! May mga test pa kami ngayon shen. Baka bumaba ang grades ko!" pangangatwiran niya pa at nagpatirik ng mata

Argh! Kung hindi ko lang siya kailangan ay kanina ko pa siya tiniris!  As if I have a choice right? And The Fuck dude kilalang kilala ko ang pinsan kong to! Siya ang studyanteng hindi estudyante. Gets niyo bah?

"Huwag ako andrea ha? I know na nakailang ulit ka na sa isang sem dahil palagi kang bagsak sa mga subject mo dahil Gusto mo pang makasama ang prof niyong ubod ng macho! So don't argue with me or else----

"Ahhhh! Oo na oo na! hmp!" Nagpout lang siya at humalukipkip.

Gotcha Andrea! napatahimik din kita. Sa wakas. Oh thanks Ghad

"Malapit na tayo" Nakangisi nitong sabi habang nag dra-drive ng kotse niya

Mas kumabog pa ang dibdib ko. shet this is it. Kinuha ko ang suklay ko at sinuklay ang buhok ko. I took my mirror and examined my face. Perfect!

"Shen anong bang plano mo?" tanong niya ng nakarating na kami sa parking lot

O ngayon curious na siya? Eh kanina halos sakalin ko pa siya bago siya pumayag? tss

Ngumisi ako sa kanya at kinindatan siya
"Just leave it to me honey!" sagot ko at lumabas sa kotse niya.

"Oh God. I'm dead with this crazy woman" bulong niya at sumunod nadin sa akin

--------
A/N: Last 3 Chapters dudessss.

Our Sweet Past  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon