Pinagmamasdan ko lang si Zena habang nakangiting inilalapag ang mga inorder niyang pagkain. Or should I say nakangiti ng peke. I don't want to sound judgemental or what but napapansin ko talagang hindi totoo yung ngiti niya ngayon. After noong nangyari kaninang umaga bigla nalang siyang nanghingi ng sorry tapos ganito na ngumingiti at pinipilit na maging masaya kahit naman ang totoo ay sobrang halatang gusto niya lang kaming pakisamahan.
“Gurl ako lang ba o sadyang peke talaga yung ngiti niya?”-bulong ni Jerome, tinutukoy si Zena.
“I don't know either but napapansin ko rin yan”-sinigurado kong bulong talaga yung ginawa ko dahil ayaw ko din namang isipin ni Zena na pinagdududahan namin siya. Which is slightly true kasi sa actions niya lang naman kami nagdududa.
“Baka gusto niyo kaming isali ni Mortell sa usapan niyo”-gulat kaming napatuwid ng upo ni Jerome nang magsalita si Zena hindi namin namalayang tapos na pala ito sa ginagawa. Napangiti lang ako ng tipid dahil ako lang ba o sadyang nahihimigan ko ang kaunting sarkastiko sa boses nito.
“Sobrang tense mo ata ngayon Jerome?”-tumawa pa ito habang nakahawak sa kwelyo ni Jerome. Pinagpag muna niya ito bago nagsalitang muli “Relax napaghahalataan kang gumawa ng kasalanan”-hindi ko alam ang tinutukoy nito o nagbibiro ba ito. “Joke!”-at humalakhak ito.
May problema ba sila ni Zena na hindi ko alam?
“Let‘s eat lalamig ang pagkain”-nagpapasalamat akong tumingin kay Mortell dahil pansamantalang nawala ang tensyon.
“Anyway Sez kamusta kayo ni Jarex?”-hindi ko inaasahang itatanong ito ni Zena dahil alam niyang ayaw kong makarinig ng kahit anong related kay Jarex. Sapagkat hanggang ngayon nalilito parin ako sa nararamdaman ko. “I saw him pala kanina tinatanong kung nasan ka? Are you having a comeback?”-tumawa pa ito animong kinikilig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko gayong wala naman akong alam kung bakit ganito ang inaasta niya.
“Gurl hello nakalimutan mo na ba ang ginawa ng Jarex na yun sa freeny natin? My gash kahit ako tutol na lumalapit yun sakaniya tapos ikaw parang pinagtutulakan mo pa?”-nagmamalditang sabi ni Jerome. Nakataas narin ang dalawang kilay nito senyales na naiinis na sa inasta ni Zena.
“Hello din Jerome di ba cousin mo yun? So bakit parang sinisiraan mo pa siya? Like ayaw mo ba non wala ng gusot sa pagitan natin?”
Nabigla kami sa pagtayo ni Mortell at sa paghampas nito sa lamesa. “I should atleast get out para naman magkaroon kayo ng privacy diba Zena?”-dama ko ang pagiging sarkastiko nito. Unang beses ko siyang nakitang ganito dahil usually naman siya yung nang aasar bakit ngayo‘y siya ata yung naaasar?
Payak na tumawa si Zena habang pumapalakpak pa. “Okay kung iyan yung gusto mo? If you can't stand what we are talking right now? You can go naman”
Nagkatinginan kaming muli ni Jerome.
Okay? I don't understand what is really going on right now. But I know that there's something wrong. Hindi ganito si Zena at lalong hindi niya ganito pakisamahan si Mortell kung walang mali. Baka nga siguro ay naglalandian pa sila sa harapan ko.
Pinagmasdan ko habang naglalakad si Mortell palabas ng cafeteria. Hindi nadin siya nag-abalang dalhin o ubusin ang pagkain basta nalang itong umalis.
“Hoy bruha bakit mo naman ginanon si Mortell?”-wika ni Jerome with his usual approach.
Patay malisya niya itong tinignan “Huh? Wala naman akong ginawa ah? He wanted to leave then sumang-ayon lang ako”
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Teen FictionI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...