XVI

17 1 0
                                    

Naiinip kong kinakalikot ang mga kuko ko habang naghihintay sa labas ng, ano nga ulit ang pangalan ng lugar? The Razer?Dito kasi gaganapin ang contest ni Mortell sa pakikipagkarera at ngayo'y mukhang hindi pa ako sisiputin nila Jerome at Zena. Hindi ko rin dala ang cellphone ko para matawagan sila dahil sa sobrang pagmamadali ko mas inuna ko pang kunin ang pass na bigay ni Mortell, para makapasok kami sa loob kaysa sa cellphone ko.

Mag-iisang oras nadin akong nakatayo dito nang matanaw ko si Jerome di kalayuan presko pa itong naglalakad papunta sa gawi ko. "Gurl kanina ka pa ba?"-hindi parin nabubura nang nakasimangot kong mukha ang ngiti niya.

"Mag-iisang oras napo ako dito madam napakabagal niyo po"-sarkastika kong tugon na ikinatawa niya.

"Gurl 9:00 am ang start at 8:30 palang ngayon haler wag magpahalatang excited"-nang-aasar niyang tugon sinadya niya talagang mas ipitin ang boses para mairita pako.

Inismiran ko lang ito at inirapan sapagkat hindi ko alam kung paano haharapin ang katanungan nito at ang katangahan kong ginawa. Hindi ko ito inimik hanggang sa makarating nadin si Zena.

"Uy himala bruha Hindi ka late ngayon ah?"-puna ni Jerome kay Zena ngunit inismiran lamang siya ng isa. Natawa na lamang si Jerome sa inakto ng kaibigan.

Sabay naming isinukbit ang braso namin ni Zena sa braso ni Jerome. Sanay talaga kaming ganito habang naglalakad. "Mga bruha yung boobs niyo pakilayo layo nakakadiri"-reklamo na naman ng bakla. Sabay namin siyang tinawanan at mas idinikit pa ang dibdib namin. Nandidiri niya naman kaming binitawan at pinagtutulak.

Bumuhanglit naman ako nang tawa ngunit tumigil narin nang makitang napipikon na ito. "Joke lang naman Jerome eh"-sabi ko at muling inilagay ang kamay ko sa braso niya ngunit sa pagkakataong ito ay dumistansya nako para hindi na ito mailang. Katulad ng ginawa ko ay ganon din ang ginawa ni Zena, mahirap na baka tuluyan kaming ingudngod ni Jerome sa lupa.

Makalipas ang ilang minuto ay narating na namin ang mga upuan. Marami rami nadin ang nandirito, hindi ko man lang alam na marami palang nanonood sa ganitong isport. Sabagay kung si Terix nga at Papa nanonood nito sila pa kaya? Ako lang ata ang walang interes sa ganito.

Pinagitnaan namin ni Zena si Jerome at tulad kanina pilit niya kaming pinagtutulakan. Hindi naman nagtagal ay tanaw na namin ang mga naggagaraang sasakyang pangkarera. Kung nandito lang si Papa at Terix baka kanina pa kumikislap ang mga mata nila.

Napatanga ako nang mula sa kulay pulang sasakyang ay gwapong gwapong tinanggal ang suot na helmet at kumaway sa gawi namin. Hindi ko na maintindihan ang sinabi ng tiga anunsyo dito sapagkat nakatuon lang sakaniya ang buo kong atensyon. Nakita ko na ang ganitong ayos niya sa mga litrato sa bahay nila ngunit iba parin pala pag harap harapan mo nang nakikita ang ulam.

Ulam? Napatampal ako dahil sa likot ng aking pag-iisip.

Nagbalik lang ako sa realidad nang sobra sa kalahating nanonood ay tumayo at isinigaw ang pangalan ni Mortell. Alam kong marami siyang tagahanga ngunit hindi ko naman inaasahang halos angkinin na siya ng lahat nang kababaihan at ipagsigawan ng mga kalalakihan sa lugar na ito.

Napataas ako ng kilay habang sinasamaan ito nang tingin naramdaman niya sigurong kanina pa siya kinatay ng buhay sa isip ko kaya pangiwi itong humarap sa akin.

"Grabe ka naman bumakod sa future jowa mo gurl. Tumitili lang ako oh, hindi ko aagawin"-depensa niya. Inirapan ko lang ito bilang tugon.

Muli kong ibinaling ang tingin sa harapan ngunit halos malaglag ako sa upuan nang makitang ang lumabas sa kulay itim na sasakyan. Seryosong mukha ni Jarex ang ang sumalubong nang tanggalin nito ang sariling helmet. Ako lang ba o sadyang sa gawi namin siya nakatingin? Katulad kanina ay muling dumagundong ang sigawan nang mga tao.

Unwonted Series #1: ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon