Napamulat ako dahil sa pagod at sakit ng buo kong katawan. Parang sumabak ako sa isang daang latigo dahil sa mga sariwa kong sugat. Napakasakit, nanunoot, ramdam ko ang bawat hapdi at pag-agos ng dugo. Maski ang katawan ko ay naparalihasa habang nakahandusay sa malamig na kalsada. Bakit nga ba ako narito? Isa ba itong panaginip?
Kahit masakit ay pinilit kong igalaw ang ulo pakanan at doon bumungad sa paningin ko ang trahedyang hindi ko maisip na mangyayari.
Umuusok ang sasakyang pagmamay-ari ni Papa habang nasa loob silang tatlo at walang malay. Duguan at napapalibutan ng bubog. Gusto ko man silang abutin ngunit maski ako ay hindi makagalaw sa pagkakahiga. Naririnig ko ang mga sigaw sa paligid ngunit maski isa ay walang nagtangkang tumulong. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko mahagip ang tinig kung nasaan.
Impit akong napaiyak nang bumukas ang mata ni Papa. Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti at ibinulong niya ang katagang panghahawakan ko habang buhay.
“Magiging okay din ang lahat”
Muli siyang ngumiti ngunit iba ito sa palagi kong nakikita. Dahil ngayon hindi tumagos sa puso ang mga ngiting iyon sa halip ay pangungulila at sakit ang naramdaman ko. Dahan dahan niyang isinara ang mga mata niya, sinubukan kong sumigaw na wag siyang pipikit dahil ramdam kong hindi ko na makikita ang mga emosyon sa mga mata niya. Ngunit katulad kanina ay bigo ako. Bigo akong panatilihin sila sa buhay ko.
Unti-unting nanlalabo ang paningin ko ngunit nagpapatuloy sa pagwawala ang buong sistema ko.
“Aray!”-napabangon ako dahil tumama yung kamay ko sa side table. “Mapuputulan pa yata ako ng kamay dahil sa kalikutan ko”-marahan kong minasahe ang kamay na tumama. Masakit na nga, ms sumakit pa lalo dahil hanggang sa pagtulog ko hindi ako nag-iingat. Though malapit na naman siya gumaling dahil ilang araw nadin pero dahil maarte ako masakit parin siya, kunti.
Sinulyapan ko ang orasan sa ibabaw ng table at hindi nako nagtaka nang makitang 3:00 am pa ang oras. Lately palagi akong nagigising ng ganitong oras. Pareho lang din ang dahilan ng pagkaudlot ng tulog ko, iyon ang gabi gabi kong napapanaginipan. Napabuntong hininga ako nang maramdamang basa na naman ang mga pisngi ko. Agad ko itong pinunasan, nakakaiyak naman talaga yung panaginip ko.
Biglang umihip ang malakas na hangin, napayakap ako sa sarili. Ngunit bigla kong naalala na sinasarado ko ang mga bintana bago matulog. Dahan dahan ko itong nilingon ngunit ganoon nalang ang pagtataka ko nang makita itong nakasarado. Halahhh san galing yung malakas na hangin? Bigla akong kinilabutan nang maalala ang sinabi ni Jerome noong isang araw matapos kong ikwento na nagigising ako tuwing 3 am.
“Devil‘s hour yan gurl. Lagot ka baka may demonyong nakatingin sa iyo”-sambit niyang habang nanlalaki ang mga mata.
Napatalukbong ako, wag ko lang talaga malamang gawa gawa lang iyun ni Jerome dahil kung hindi makakakita talaga siya ng demonyo.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala naman akong maramdamang kakaiba, naprapraning lang siguro ako dahil sa pinagsasabi ni Jerome. Napagdesisyonan kong bumalik nalang sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Ficțiune adolescențiI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...