XXVI

7 0 0
                                    

Patapos na ang pag-aayos ng dekorasyon sa entablo habang nageensayo naman ang may mga performance mamaya. May naghahakot din ng mga costume na gagamitin mamayang gabi. 7:00 pm ang simula ng concert at 5:00 pm naman namin bubuksan ang auditorium room.

Habang may fireworks display naman mamayang hatinggabi.

Kasalukuyan kong sinusuri ang sound system, kung maayos ba ang pagkakalagay ng wirings at kung gumagana ba ang mga speaker sa bawat sulok.

“Friend pagod nako”-reklamo ni Rose ngunit syempre ay mahina lang ang pagkakasabi niyon dahil hindi lang kalayuan si Brandon sa amin.

“30 minutes nalang Rose, break time na natin. Tiis tiis lang”

Wala naman itong nagawa at nagpatuloy lang sa pag-aayos ng mikropono.

“Perfect!”-sigaw ni Brandon matapos ang huling ensayo.

Nagpalakpakan naman kaming lahat though hindi ko talaga napagmasdan o napanood lahat dahil busy ako sa ginagawa.

“Sir Brandon!”-napatingin kami sa taas nang may sumigaw.

Nakatayo ito sa parang bridge sa taas. I don't know kung anong tawag doon basta yun na yun.

“I‘m Brenda!”-singhal ni sir Brandon. Lihim naman kaming napabungisngis lahat. “What do you want Claviar?”-strikto nitong tanong. Sumasakit ang leeg ko kakatingala.

“Eh sir good na po ba itong spot para hulugan ng mga petals?”-tanong nito. I didn't know na may mga ganito pala silang pakulo.

Tumango lang si Brandon at inirapan ang estudyante, gusto ko tuloy itong batukan.

“45 minutes break”-sigaw ni Brandon.

Wala kaming sinayang na oras at agad nagmartsa palabas. 

“Arghhh gutom na gutom nako”-ani Rose habang naglalakad kami patungong cafeteria.

Wala masyadong tao pagdating namin, kung meron man ay kasamahan lang namin sa team. Marahil siguro ay tapos na ang break time ng iba at nagpapakabusy naman ang iba sa mga activities.

“Friend tanong ko lang bakit mainit dugo ni Ellaine sayo?”-tanong ni Rose ngunit kibit balikat lang ang tanging naisagot ko dahil maski ako ay hindi rin alam kung bakit ganoon nalang niya ako pag-initan. Kung ang nobyo man niya ang talagang dahilan well isaksak niya yun sa baga niya.

Just by hearing her name ay nag-iinit na ang ulo ko. Tama nga si Mortell nagiging katulad na ako ni Nevey, nahahawa ko na ang ugali niya.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa garden ng school para makapagpahangin dahil alam naming pagbalik sa auditorium ay hindi na kami makakapagpahinga pa ulit.

Hindi ko mapigilang maisip si Mortell. Just like the fresh air, he can calm my nerves. Just by the thought of him playfully smiling at me hindi ko maiwasang mapangiti. How can I wonderful person like him ay magkakainteres in someone like me. Who am I? I'm just a random goddess that caught his attention.

Down to earth who?

Speaking of Mortell Maximo I haven't seen him since kaninang umaga. Si Jerome din ang sumundo sa akin dahil pinakiusapan daw siya ni Mortell. But I guess sobrang busy niya, he always makes time for me at tsaka hindi pa tapos ang araw maybe later makakasama ko din siya while watching the fireworks.

Arghhh I hate to admit it but that bastard Mortell Maximo changed me. It is annoying but day by day I‘m becoming corny, sappy or whatever you called it. He changed me into something I didn't imagine myself I could be. 

Unwonted Series #1: ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon