Nanatili akong nakahiga kahit masyado nang mataas ang sikat ng araw, kanina pako tinatawag ni Terix upang kumain ngunit napapagod pakong lumabas, ayaw pa ng katawan kong bumangon. Masyado akong nahilo sa naging byahe namin kahapon ni Mortell, napakamahihiluhin ko kasi kaya until now mukha akong may hangover.
Nakarinig na naman ako ng magkakasunod na katok mula sa pinto ngunit nanatili akong tahimik sapagkat gusto ko pang magpahinga. "Sez, anak, nasa salas si Jerome, hinahanap ka!"-tinig iyon ni mama mula sa labas ng pinto.
Inis akong nagpagulong gulong sa kama bago bumangon, hindi nako nag abala pang tignan ang sarili sa salamin dahil magrereklamo na naman ang baklang yun na sobrang tagal ko.
Hilot hilot ko ang sentido habang naglalakad papuntang sala, hindi ko na nakita si Mama sa pintuan, kaya nagtuloy tuloy nako sa paglalakad.
"Gosh gurl anong mukha yan"-pintas ni Jerome. Hindi ko nga nakita ang sarili ko sa salamin pero I'm sure mukha akong zombie dahil pangit pa sa mukha ni Jerome ang kaniyang reaksyon.
"This is all your fault!"-naiinis kong sambit at padabog akong umupo sa tabi niya. Mukha lang akong ilang araw hindi nakatulog, pero mabango naman ako kaya hindi ako nahihiyang tumabi sakaniya kahit kaliligo pa niya.
Hinawakan niya ang buhok ko na hindi ko pa nasuklay. "Gross"-sambit nito. Pinandidirian ang buhok ko. "So bakit na naman naging kasalan ko gurl?"-walang ideya na tanong niya at prenteng sumandal sa sofa.
Tinignan ko siya ng masama habang nakapamewang. "Sino ba dito ang iniwan ako kay Mortell? Sino dito yung hinayaan akong ihatid niya?"
"Omo may nangyari ba gurl?Kaya ba para kang zombie ngayon?"-kinikilig na tanong ni Jerome, hindi ito mapakali habang nakaupo sa sofa. "Magshare ka naman gurl? Ano malaki ba?"-dagdag niya habang kumikinang ang mga mata.
Nakaawang ang labi ko siyang tinignan, hindi makapaniwala sa pinagsasabi niya. "Are you kidd-"-hindi ko natapos ang sasabihin nang agaran niyang tinakpan ang bibig ko.
"Gurl maawa ka naman magtoothbrush ka muna!"
Kinagat ko ang kamay niya ngunit nagsisi rin ng malasahan ko ang foundation rito.
"Aray gurl, aso ka na pala ngayon?"-reklamo niya at tinanggal ang kamay sa pagkakatakip sa bibig ko.
"Basta hindi na ulit ako sasakay kay Mortell!"-inis kong sabi at nagpapadyak ngunit natigilan ako nang makita ang nakangising mukha ni Jerome, tila nag iisip ng hindi maganda. Saka ko lang narealized ang sinabi ko. "I mean.. I mean hindi na ulit ako sasakay sa kahit anong sasakyan pag si Mortell ang nagdradrive."-napapahiya kong dagdag.
"Hmmm"-pinaningkitan niya ako ng paningin habang nakataas ang gilid ng labi. In short para siyang tangang nakatitig sakin. "Okay!"-sambit nito at muling umayos ng upo.
Pinasadahan ko siya ng tingin, ngayon ko lang napansin na napakasporty ng suot niya, para siyang sasabak sa ring ngunit hindi siya marunong sumuntok.
"What's with the outfit?"-tanong ko, matapos tignan ang napagara niyang suot.
"Yan yung ipinunta ko dito!"-iniabot niyang ang isang itim na card na may disenyong kulay ginto, maliit lang ito kasing liit ng calling card. Binasa ko ang nakasulat ditong address ngunit mas nangibabaw ang nakasulat sa taas.
"Luxurious Gym?"-naguguluhan kong tanong kay Jerome.
"Yeah gurl, come and join me. Magtratrain tayo ng boxing"-mayabang na sagot niya at itinaas ang kamao.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Ficção AdolescenteI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...