Nanggagalaiting pinagmasdan ko si Ellaine, kung hindi dahil sa kamalditahan at kaiskandalosa niya ay hindi ako mapupunta sa sitwasyong ito.
Taimtim kaming pinakatitigan dalawa ng dean kung sino sa aming dalawa ang nagsasabi ng totoo.
“Dean look at me, she punched me dean,look oh my nose is bleeding and sobrang malinaw lang talaga na sinugod niya ako at sinaktan.”-maarteng pahayag nito kaya tiim bagang ko itong binalingan ng tingin ngunit ang hinayupak ay nagawa pa akong ngitian.
Naalala ko na naman kanina, hindi sana kami maiimbitahan sa dean's office kung hindi nagsisisigaw ang gagang ito na naging dahilan ng pagkapansin sa amin ng SSG president. At ngayon playing innocent si bruha.
“Mr. Jarex, tell me what happened? Sinuntok ba talaga ni Sezia si Ellaine?”-napalunok naman si Jarex at napaiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
“Yes dean, yun po ang naabutan kong pangyayari”
Well totoo namang yun ang naabutan niya at hindi ko naman ineexpect na magsisinungaling siya para sakin. But he didn't mention na palaging yung girlfriend niya ang nanunugod at namimisikal.
“Care to tell me Ms. Malcovs bakit mo ginawa iyon?”
“First of all sir hindi ko po gawaing mamisikal sadyang napikon lang ako dahil siya ang unang humila sa buhok ko. At kung totoong sinugod ko siya habang kasama ng mga kaibigan niya? Sa tingin niyo bakit walang mga pasa yung kaibigan niya? Hindi naman siguro manonood lang mga kaibigan niya habang sinasaktan ko siya. Come on dean, matalino kayo figured the situation out”-hindi ko maiwasang maging sarkastika sadyang kanina pa mainit ang ulo ko at gusto ko nang makalabas sa apat na silid na ito idagdag pang nasa tapat ko ang dalawang nakakasiwa na tao.
Nakita kong tinignan ni dean ang dalawang kaibigan ni Ellaine na dalawang metro ang layo mula sa upuang kinauupuan niya.
Nagtagal pa nang isang oras ang pag-uusisa bago kami hinayaang makalabas. Agad kong binaktas ang daan palabas ng pinto at bumungad sakin ang makulimlim na panahon. Pababa na sana ako ng hagdan nang hinablot ako ng kung sino dahilan upang mapaharap ako sa taong iyon.
Matalim ang tinging bumungad sa akin habang mahigpit ang hawak nito sa pamulsuhan ko. “Hindi pa tayo tapos Sezia magbabayad ka sa ginawa mo”-imbis na suklian ang pinagsasabi ni Ellaine ay inilihis ko ang tingin sakaniya.
Blangko kong tinignan si Jarex na nanonood lang, hindi man lang nagawang pigilan ang ginagawa nang girlfriend niya. Ano pa bang gusto nila, pati ako nasama sa consequences na para sana sa girlfriend niya. Nang maramdaman niya ang titig ko ay hindi ito mapakaling napaiwas ng tingin dahilan upang tumaas ang sulok ng labi ko.
Mas humigpit pa ang pagkakahawak sa kamay ko kaya muli kong ibinaling kay Ellaine ang pansin ko. “Baka gusto mo ulit masaktan?”-saad ko sa malamig na tono. Nakita ko naman ang biglang pamumutla ng mukha niya ngunit nanatili paring nakahawak ang kamay niyang nanginginig sa papulsuhan ko. Hindi ako nadalawang isip na hawakan ito at dalhin sa likuran niya. Bahagya ko siyang sinipa upang maalis siya sa daanan ko. Pasalamat nga siya at iyon lang binigay ko kaya nakakapit pa siya dahil ayaw ko naman siyang mamatay sa pagkakahulog niya sa hagdan because she deserved more than that.
Agad naman itong dinaluhan ni Jarex na hindi mapakali sa kakatanong kung ayos lang ba ito. Walang imik kong tinalikuran silang dalawa, dama ko pa ang matutulis na tinging ipinupukol nila. Dahil gusto ko pa silang pikunin, itinaas ko ang middle finger ko sakanila habang nakatalikod at naglalakad palayo.
Hindi ko alintana ang mga taong nakatingin sakin, marami rami nadin ang nasa labas dahil saktong uwian na.
Agad kong ibinaba ang kamay ko nang masigurado malayo na ako sa paningin nila.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
أدب المراهقينI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...