XXVII

12 1 0
                                    

Warning ⚠️ Mature content ahead

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang makitang gabi na. Ilang oras din ang naging tulog ko at hindi ko namalayan. Bahagya kong niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.

Nag-unat muna ako bago tuluyang tumayo mula sa papag. Nahagip ng paningin ko ang isang pirasong papel na nahulog mula sa higaan.

Meet me at the parking lot as soon as you wake up.

-Mortell Maximo

Nagtataka man ay hindi ko maiwasang kiligin. Maybe he had a surprise? Mahilig pa naman siya sa ganon. Pero bakit maganda ata ang handwriting? Hmmm baka pinasulat lang niya.

Mas lalo lang akong namula sa naisip. Kumalma nadin ang pakiramdam ko, nakatulong ang ilang oras na pagtulog.

Pinagpag ko ang suot na jeans ngunit pinagsisihan din nang kasabay ng hangin ay lumipad din ang hawak hawak kong papel. Susundan ko sana ito ngunit agad nang nawala ito sa paningin ko.

Ipinagkibit balikat ko nalang ang nangyari.

Hindi naman siguro ikakagalit ni Mortell kung naiwala ko iyun.

Agad nakong lumabas sa maliit na kubo. Sinalubong naman ako nang malamig na ihip ng hangin kaya agad kong nayakap ang sarili. Napakapaya ng paligid, mukhang walang katao katao ngunit tanaw ko ang nagliliwanag na mga ilaw sa soccer field, siguradong nandoon ang lahat dahil ito ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Kung may tao man sa kinaroroonan ko marahil ay naligaw lang ito.

Napabuntong hininga na naman ako nang maalalang tuluyan nakong aalis sa club. Kung kanina ay galit ang nararamdaman ko ngayon ay lungkot at paghihinayang, kahit papaano ay naging masaya din ako sa mga pagkakataong iginugol ko ang sarili sa singing club.

Narating ko na ang parking lot at tulad nang inaasahan wala ng katao tao tanging ako lang ang narito. Nilinga linga ko ang paligid at mahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakatayo sa sa madilim na parte ng parking lot. Ramdam ko ang tingin na ipinupukol nito sa akin. Hindi ko makita ang wangis nito ngunit pareho sila ng tindig ni Mortell Maximo.

Nang magsimula akong humakbang ay siya din ang paglaho sa dilim ng lalaki. Mas binilisan ko pa ang bawat hakbang at nagmistula nakong tumatakbo ng mahina. Hindi ko maiwasang kabahan. Dahil siguro sa labis na pagkasabik na nararamdaman.

Hindi ko alam kung anong pakulo ito ni Mortell Maximo but next time sasabihan ko siyang wag sa ganitong lugar dahil baka mamaya ay atakihin ako sa sakit sa puso sa labis na pagkakaba.

Nang tuluyan ko nang narating ang kinaroroonan ni Mortell kanina ay hindi ko naman siya mahagilap.

Saan kaya nagtago ang lalaking iyun?

Tanging dilim lang ang nakikita ko. Di ko maiwasang panindigan ng balahibo idagdag pa ang malamig na hangin.

"Mortell?"-tawag ko rito hindi pinapahalata ang kaba na nararamdaman. Ilang beses ko pang inulit ang pagtawag ngunit wala akong natanggap na tugon. Nagsimula nading manginig ang dalawa kong kamay pati ang tuhod.

Bahagya akong umatras nang mapagdesisyonan kong umalis nalang. Ngunit mula sa likuran ay may nabangga ako at alam kong tao iyun.

Kahit kabado ay pinilit kong harapin ang taong nasa likuran ko. Umaasa na sana kilala ko ito o kahit si Mortell Maximo. Subalit tila nanlamig ang buong pagkatao ko nang mabungaran ang isang lalaking may mahalay na ngisi. Ito din yung lalaking nakita ko kaninang katulad ng tindig ni Mortell.

Unwonted Series #1: ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon