VIII

21 1 0
                                    

I stared at the night sky while watching the stars and familiarizing all of it. Why does I felt so empty at this moment?

Why does this scene feels so familiar to me? Why does it feels like I've been doing this before? Why does I'm aching and hurt at the same time?

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito when I have everything I needed. Di ko namalayan ang mga luhang unti unting tumutulo galing sa mata ko. I immediately wipe my tears dahil I'm afraid I can't control it.

Muli akong bumuntong hininga at pumikit, hinayaan kong tangayin ang sarili ko ng mga iniisip ko, hinayaan kong tangayin ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Kasalukuyan kaming nasa bahay nila Mortell, well masasabi kong napakarangya nila. Nasa living room kami, ang buong living nila ay pinagdusong na kwarto ko, kusina at living room namin. Maganda ang bawat desinyo ng bahay nila, napakamoderno, nakakamangha. May mga mahahaling vase at paintings na nakakatakot hawakan dahil masyado itong mamahalin at nakakatakot mabasag.

"Gurl pwede naba to?"-tanong ni Jerome at ipinakita ang iniedit niyang mga picture.

"Pakilight ng kunti kasi masyado siyang dark hindi na naiimpasized ang emotions"-komento ko sa ginawa ni Jerome.

Gumagawa kami ng group project ngayon, hinayaan kami mamili ng sariling grupo, sumakto pa sa apat kaya sinali nila si Mortell. Mabuti nalang at hindi niya ako iniinis ngayon. Dumaos os ako sa inuupuan at ipinikit ko ang mga mata. Sandali kong nirelaxed ang utak ko, pagod nako sa pagbabasa.

"Sez tama ba tong ginagawa ko?"-narinig kong tanong ni Jerome kaya agad akong napadilat ngunit nakangiting Mortell ang bumungad sakin. Kaya napaatras ako sa gulat.

"Gurl yung mukha mo epic!"-natatawang sambit ni Jerome. Hinawakan niya pa ang tiyan at pinapalo ang hawak na laptop. Tsk tuwang tuwa ah.

Binalingan ko naman ng masamang tingin si Mortell, tinawanan lang ako ng siraulo.

"What are you guys doing?"-tanong ni Zena, kakagaling lang nito sa kusina. Aligaga akong napatayo at tinulungan siya sa bitbit na meryenda.

"Don't asked the obvious gurl"-masungit na sambit ni Jerome at sinimulang kainin ang ang cake.

"Charr bakla!"-sambit nalang ni Zena.

Sandali muna kaming tumigil sa ginagawa at kumain. Inilibot ko ang paningin sa tatlo habang kumakain at huminto ito kay Mortell, sobrang linis ng way niya sa pagkain at sobrang ingat nito. Pati ang pag inom niya ng juice ay sobrang ingat, kung tititigan mo siya ng mabuti mas lilitaw ang mga nakakamanghang bagay sakaniya, pati ang mga kaaya ayang features niya, katulad nalang ng mahabang pilik mata niya, mapupungay na mata, matangos na ilong, malambot na labi, pormadong adams apple tapos.. dahan dahan kong bininaba ang tingin ko.

Tapos....

"Mas masarap bako sa pagkain?"-agad napabalik ang tingin ko sa mga mata niya ngunit agad ko rin itong iniwas dahil sa way ng pagtitig niya, ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi kaya palihim kong sinampal ang aking sarili.

"Syempre mas masarap ang cake!"-agaran kong sabi. "Mas.. mas masarap sayo!"-sagot ko sa naging tanong niya ng bumalik ako sa katinuan.

"I'm talking about Zena!"-ito na naman yung nang aasar niyang ngisi.
Inirapan ko siya sa sobrang hiya. "What do you think Zena, mas masarap ba ako sa cake?"-ulit niyang tanong, ang landi talaga.

"Uhmmm"-hinawi pa ni Zena ang ilang hibla ng buhok papunta sa likurang bahagi ng tenga. "Syempre mes meserep ke"-halos masuka ako sa way ng pananalita ni Zena.

Unwonted Series #1: ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon