Nakapikit parin ako habang patuloy na dinarama ang paghaplos ni Jarex sa aking buhok. Tumigil ito na naging sanhi nang pagmulat ko ngunit napakalas ako sa pagkakayakap nang mabungaran ko si Mortell. Ilang metro ang layo sa amin, tahimik lang siya nakatitig ngunit makikita mo ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito.
Hindi ko alam ngunit biglang kumirot ang puso ko sa nakikita. Walang imik niya kaming tinalikuran. Gustuhin ko man siyang habulin at magpaliwanag subalit hindi ko mahanap ang tamang rason para gawin yun.
Dinig ko ang ginawang buntong hininga ni Jarex kaya napabaling sakaniya ang paningin ko. Marahan nitong hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop. Hindi ko magawang umalma sa ginawa niya.
“Sana ako parin Sez. Sana sakabila ng ginawa kong pananakit sayo ako parin ang mahal mo”-seryoso niyang banggit ngunit mahihimigan mo ang pait at sakit.
Dahil ba iyon sa akin? Nasasaktan ko ba silang dalawa sa mga ikinikilos ko?
Nang wala siyang nakuhang tugon sa akin ay muli itong ngumiti ng tipid. “I guess I need to go, bukod sa napipilitan lang ang pinsan kong patuluyin ako ayaw ko ding magkagulo rito. Pagnagkataon badshot na naman ako sayo”-napatawa ako sa huli niyang sinabi.
Ikinasinghap ko ang ginawa niyang paghalik sa aking pisngi bago tuluyang nilisan ang silid. Kahit ilang minuto na itong nakaalis hindi parin nawawala ang malakas na kabog sa aking dibdib. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil sa ikalawang pagkakataon ayaw ko nang mahimatay muli.
Nang maiayos ang pintig at paghinga sinundan ko na sila Jerome sa living room, nagkakatuwaan sila ni Zena habang nanonood ng pelikula ngunit hindi ko man lang makita kahit anino ni Mortell. Pasalampak ako na umupo sa tabi ni Jerome.
“Tapos na pala kayo mag-usap ni Jarex”-puna ni Jerome. “Si Mortell?”-tanong niya na ikinakunot ng noo ko. Napansin niya naman ito. “Bumalik siya kanina dahil baka daw saktan ka ni Jarex. You know napakacaring noong boyfriend mong hilaw”-ani mo‘y kinikilig na saad. Subalit natigilan ako sa sinambit nito.
“He went there for me?”-nakatanga kong saad.
“Ofcourse duh”-maarteng tugon nito at inirapan pa ako.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ang labis na sakit, para itong tinutusok at pinipiga. “At hindi pa siya bumabalik?”
“Malamang hindi pa and that's because of you!”-nagulat ako sa biglang pagtayo ni Zena habang galit akong dinuduro nito. Napansin niya siguro ang naging reaksyon naman ni Jerome kaya bahagya itong tumikhim. “I‘m sorry nadala lang ako sa drama na pinapanood ko. Kagigil yung kabit”-bumalik ito sa pagkakaupo.
Napabuntong hininga ako sa sobrang bigat na nadarama ko. “Hindi pa naman siya nakaalis diba?”-tanong ko kay Jerome. Umiling ito bilang sagot. Naging senyales iyon upang hanapin ko siya sa buong bahay. “I‘m gonna find him”- pinal kong sabi bago nilisan ang sala.
Halos malibot ko na ang buong bahay ngunit wala parin akong nakikitang Mortell. Imposible ding umuwi na ito sapagkat nakita ko ang sasakyan nitong nakaparada sa labas. Babalik na sana ako sa kinaroroonan ni Jerome nang makasalubong ko ito.
“I heard you're looking for me”-nakangisi nitong saad nang makalapit nako sakaniya. Hindi ko na kakikitaan ng kahit anong bakas ng ekspresyon na ipinakita niya kanina. Nang hindi ako sumagot ay mapaglaro niyang sinundot ang pisngi ko na ikinangiti ko naman sa loob loob. “You missed me, don't you?”-aniya at mapanuksong ngumisi.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Ficțiune adolescențiI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...