I am happy, I can endure the pain, not until I know my worth, until I realized I deserve better.-Sezia Malcovs
I am slowly walking down while painfully crying at Cornelia Street, we had another fight again. Pagod nako pagod nakong intindihin siya but what can I do, I love him. Pagod nakong harap harapang ipahiya, pagod nakong paulit ulit iwan sa ere, but I love him so much that I can forget everything when I'm with him.
Napahawak ako sa poste nang biglang mawalan ako ng balanse. Hinayaan ko ang sariling maupo sa malamig na kalsada habang habol habol ang hininga. Sobrang tahimik at payapa ng paligid but here I am unti unting nadudurog dahil sa sakit na dulot niya. For Godsake! Ilang beses ko na bang nilunok lahat ng harap harapan niyang pangangaliwa? Ilang beses ko naba siyang pinatawad kahit hindi ko man lang siya narinig na magsorry.
Hindi ko na ata mabilang kung ilang beses niya akong ginago, at kung ilang beses kong pinalampas ang panggagago niya.
For almost 3 years of our relationship, palaging ganito, sa totoo lang masaya naman kami, sobrang saya namin. Sobrang saya namin pag kami lang dalawa, pag walang ibang tao, pero noon yun. Alam ko na hindi umiikot yung mundo para lang sa aming dalawa. Umiikot yung mundo niya sa mga taong nakapalibot sakaniya at hindi ko alam kung kasama pa ba ako sa mga taong yun. Kasi everytime na sinusubukan kong lapitan siya, hindi ko na makita yung Jarex na minahal ko. Yung Jarex na hindi mapakali pag nakikita akong umiiyak, yung Jarex na iintindihin yung feelings ko. Yung Jarex na mahal din ako.
Jerome calling.....
I immediately picked up the call.
"Hello?"- sinubukan kong kalmahin at ayusin ang boses ko upang hindi mahalata ni Jerome na umiiyak na naman ako. I'm sure magagalit na naman yun kay Jarex.
"Girl okay ka lang ba? Nag alala kasi ako dahil wala kana pagbalik ko? Ano na namang ginawa ng walang hiya kong pinsan?"
'Pag ako talaga napansin ni Ellaine, goodbye na'
Muli na naman akong napaiyak nang maalala ang mga katagang binitawan ni Jarex kanina. Kung sabihin niya iyun ay para lang akong side chick niya. Na para bang wala kaming tatlong taong pinagsamahan."Gurl nasan kaba? Puntahan kita, nag aalala ako sayo"-hindi nako tumanggi sa nais ni Jerome lalo pa't 1 am na at wala akong masasakyan pauwi.
Muli ko na namang naalala ang nangyaring pagtatalo samin kanina.
'Pag ako talaga napansin ni Ellaine, goodbye na'
Tumawa pa ito na animoy hindi nakakasakit ng iba. Hindi ko maintindihan kung bakit harap harapan niya yung sinabi sakin, sa harap ng mga kaibigan niya.
Ngumiti nalang ako ng peke, ayaw ko siyang pagsabihan dahil nandito yung mga kaibigan niya. Ayaw ko siyang mapahiya, at isa pa‘y kaarawan ng kaibigan niya kaya wala akong karapatan na mag eskandalo. Tumalikod nalang ako sa kanila, ngunit nanatiling nakikinig sa mga pinag uusapan nila.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Teen FictionI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...