Paika ika akong naglakad papasok ng bahay habang inaalalayan ni Terix. Nadischarged ako sa hospital ngayong araw. Mabuti nalang talaga at napaaga yung discharged ko kung hindi ay magbibilang na naman ako ng mga pasyente sa hospital.
Tumalon ako sa kama sa sobrang pagkamiss ko neto ngunit agad rin akong nagsisi sapagkat biglang sumakit yung mga sugat ko. Sabi na eh di na uulit.
Ilang araw lang akong absent sa klase kaya I'm sure makakaya ko namang habulin lahat ng lesson. Tsaka may libro naman ako so hindi magiging problema ang pag-aaral ko.
Nagbihis muna ako ng pambahay bago lumabas ng kwarto. Nilibot ko ang paningin sa buong bahay, at nababaguhan ako rito. Parang ibang iba yung pakiramdam ngayon, parang ang saya, pero bakit naman ako makakaramdam ng lungkot?
Naglakad ako papuntang kusina at nakitang nagluluto si Mama ng paborito ko, minatamis na adobo. Alam na alam talaga ni Mama kung ano yung makakapagpagaling sa mga sugat ko at sakit sa katawan. Hinahanap ng Mata ko si papa ngunit hindi ko makita kaya naisip ko na baka nasa likurang bahagi na naman ito ng bahay at nililinis ang kaniyang paboritong sasakyan.
Medyo napagod ako sa paglalakad sapagkat malaki laki din itong bahay namin. Ngunit hindi ako nagkamali sapagkat nandoon nga si Papa at nililinis ang sasakyang halos mangintab na sa sobrang linis.
"Papa"-nakangiting tawag ko sakaniya habang kumakaway. Lumapit ako sa sasakyan niya ngunit nang nasa harapan nakong parte ay gumuhit sakin ang pagtataka kung bakit may gasgas ito, lalo pa't hindi hinahayaan ni Papa na magasgasan ito.
"Papa bat po may gasgas to?"-tumigil muna ito saglit sa ginagawa at nilapitan ang kinaroroonan ko. "Oo nga no? Bakit nga ba?"
Ilang minuto pakong nag antay na sumagot ito ngunit nanatili parin itong nag iisip, siguro nga ay tumatanda na si Papa nagiging makalilimutin na.
"Baka nadaplis lang sa pader ng hindi niyo na mamalayan."-tumango tango naman siya.
Lumibot pako sa buong bahay at nakitang lahat na tanim ng bulaklak ni Mama ay medyo namayat at natutuyo na. Nakakapagtaka naman, ilang araw lang kami sa hospital ah. Pero baka nag alala lang sila Mama talaga kaya di na naasikaso yung mga alaga niyang halaman.
Muli akong pumasok sa loob ng bahay at nadatnang naghahanda na ng hapunan si Mama. "Nasan po si Terix?"-kanina pako naglilibot sa buong bahay ngunit hindi ko nakita si Terix. Linggo naman ngayon kaya imposibleng may pasok siya.
"Nasa plaza naglalaro ng basketball, alam mo naman yung kapatid mo kung anong gusto pinagpipilitan para lang payagan."-tumango tango naman ako. "I'm sure marami na namang babaeng manonood doon Ma."-natawa naman si mama sa winika ko.
"Umupo kana dyan ako na ang tatawag sa Papa mo para kumain, baka mapwersa yang paa mo kakalakad."
Matapos kaming kumain ay agad nakong pumasok sa kwarto upang ayusin ang mga gamit ko. Nasa pintuan nako nang tumawag si Zena.
"Gurllllll babalik kana bukas right?"
Saglit kong inilayo ang cellphone ko sa tenga ko, sapagkat nakakabasag ng eardrums ang pagsigaw ni Zena.
"Yup sa wakas makakabalik nako, pero mas excited ka pa ata sakin"
Dinig na dinig ko ang paghagikhik niya sa kabilang linya.
"Alam mo kasi gurl kanina nakita namin yung ex mo pabalik balik parin sa room natin, tinatanong kung nasan ka."
Napakunot naman ang noo ko sa tinuran ni Zena. Akala ko ex ko na ba't naman natutuwa si Zena na hinahanap pako? Diba pagkaibigan nagagalit kasi sinaktan yung kaibigan niya? Abnormal ba siya?
"Tuwang tuwa ka naman!"-sambit ko habang nakataas ang kilay. Hmmm "Sino ba talaga yung kaibigan mo? Siya o ako? Hmmm nagdududa ako sayo Zen ah"-pabiro kong dagdag. Alam ko namang tunay na kaibigan ko si Zena at kahit anong mangyari kakampi ko siya.
Sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko na naman itong humagikhik. Tuwang tuwa no? Abnormal talaga.
"Nakakatuwa lang kasi gurl kasi dati ikaw yung naghahabol, ngayon ikaw yung hinahabol"
What?
"What the? Did I really did that? Naghabol ba talaga ako? Are you kidding me?"-arghhhh did I really lowered down myself? For him? Arghh!
"Hindi ako nagbibiro Sez, you are like desperada before and now? Parang kinalimutan mo na yun lahat"- seryoso niya sambit.
Mas nagbigla akong naging seryoso siya kaysa sa mga pinagsasabi niya.
"Charr seryoso tayo ahh?"
"May script ako, ginawa ko kanina"--Zena
Ako naman yung napatawa ngayon. Really? Ganon naba kahirap magseryoso? Na kailangan pa gawan ng script?
"Gurl hindi ka dapat tatawa sa script, dapat ang sasabihin mo ay"-sandali itong tumigil sa pagsasalita. "Gagantihan natin siya, pahihirapan, ipaparamdam natin sakaniya ang ganti ng isang api."-ginagaya niya pa ang way ng pagsasalita ko.
Mas napahagalpak ako sa sinabi niya. Really? Hahhaha no way.
"Gurl first of all hindi ko siya matandaan kaya bakit naman ako gaganti sakaniya? Tsaka kung may ginawa siya sa akin? Let karma do its job"-mahinahon kong sambit, upang ipaintindi sakaniya na kahit may nagawa man sa akin yung tao. Wala akong intensyon na saktan siya.
"Sino si Karma?"
Napahilamos ako sa sarili kong mukha. Sa sobrang dami kong sinabi yan talaga yung nakakuha ng atensyon niya? Sino si Karma? Seryoso ba siya?
"Bago ba nating kaibigan si Karma."-naeexcite pa niyang tanong sakin kaya napatampal nalang ako sa noo ko. Jusko nakakastress ka Zena.
"Hindi sino si karma, Zen. Pero kung naging tao yun kayong dalawa ni Jerome ang una kong ipapahunting"- araw araw silang ganito ni Jerome kaya hindi na nakakapagtaka kung masiraan ako ng ulo kakausap sakanila.
"Hehehhe joke lang naman Sez eh, magpahinga kana kulang ka lang sa tulog. Byeeee"
Agad na nitong pinatay ang tawag hindi man lang hinintay na magsalita ako.
Nilibot ko ang paningin sa bawat sulok ng kwarto bago ito ipikit ngunit napahinto ako sa lamesa ko kung saan may nakataob na mga picture frame. Agad akong lumapit dito upang tignan ang mga ito.
Ngunit ganon na lang ang aking gulat nang makita ang laman ng mga nakataob na picture frame. Wala akong maalala na itinaob ko ang family picture namin at iba pang litrato nila Mama at ng kapatid ko. At bakit ko naman ito itataob?
Sa ngayon ay maraming tanong ang gumugulo sakin. Hindi ko alam kung bakit ganito. Parang andami kong nakakalimutan at napapansin ngayon. Masyadong masakit sa ulo ang nangyayari sakin. Para ako nagising sa ibang mundo. Ngunit alam ko na nasa realidad ako, masyado lang sigurong naalog ang utak ko noong naaksidente ako.
Mabuti pa ay huwag ko na lamang ito alalahanin sapagkat sasakit na naman ang ulo ko tsaka masyadong napapagod ang utak ko. Kaya mas mabuting hayaan na lamang ang mga bagay bagay.
Bumalik nako sa kama ko at ipinikit ang mata upang matulog.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Teen FictionI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...