Classy loud music at mga nag aartehang boses ng mga mayayaman ang bumungad samin. I didn't know na ganito palang date ang ibig sabihin ni Mortell at masyado akong lutang para malaman kung may sinabi ba siya kanina na ganito ang pupuntahan namin. The next thing I know is nasa party na kami and I'm wearing a black gown with a silver design na mas nakakapukaw ng pansin and noted this dress is so freaking expensive.
Well kung ganda ang pag-uusapan hindi ako magpapahuli but I really got shocked sa naging itsura ko ngayon, mukha akong model ng Victoria secret, hindi naman sa pagmamayabang but nangingibabaw yung ganda ko.
"Dude!"-tawag ng lalaking palapit sa gawi namin. Agad kong tinanggal ang pagkakakapit sa braso ni Mortell dahil bahagyang yumakap ang lalaki at marahang pinalo ang likuran nito. "It's so nice to see you again!"-natutuwang aniya.
Luminga linga muna ako sa paligid at ganoon nalang ang pagkamangha ko sa dami ng taong naroon. Hindi ko naman inaakala na kasing dami ng tao sa subdivision namin ang madadatnan ko dito. Well para saan din naman ang napakalaki at napakagarang venue kung kunti lang ang taong pupunta.
"Sez!"-napalingon akong muli kay Mortell ng tawagin niya ko. "Meet Kerk he's my classmate from New York"-pagpapakilala nito.
"It's so nice to meet you Sezia"-malumanay na sambit nito at hinalikan ang likod ng palad ko, hindi ko maiwasang pamulahan sapagkat ganitong tipo ng lalaki ang gusto ko, yung gentleman.
"She's my date Kerk back off"-wika ni Mortell, sinasamaan ng tingin ang kaibigan.
Tumawa naman ng malakas si Kerk, tuwang tuwa na nakikitang mainis ang kaibigan. "Its instinct bro!"-pagmamalaking sambit nito. Natawa naman ako dahil doon. "Okay! See you later, I need to do things to impress those business man"-sambit nito at itinuro ang isang pabilog at malaking lamesa na may mga may edad ang nakaupo.
Inilagay muli ni Mortell ang kamay ko sa braso niya pagkaalis ni Kerk."He's a famous writer in New York and a successful businessman at a young age"-paliwanang ni Mortell habang tinatanaw ang kaibigan. Napatango tango naman ako dahil sa pagkamangha. Wala akong masabi sapagkat nakakaspeechless naman talaga ang mga naabot niya.
"Para saan ang occasion nato?"-tanong ko. Sa totoo lang ay hindi ako sanay sa ganito kalaking mga party sapagkat nasa middle class lang yung family namin at kung magkaroon man kami ng party ay yung simple lang. Hindi ganito kadaming tao at kalaki.
"Actually this is my first time to attend this party even though I'm receiving a lot of invites these past few years"-paliwanang niya. "Masyado lang talagang sumasakit ang ulo ko dahil lately andaming emails ang narereceive ko they're offering a marriage to make their company bigger!"-inis niyang sambit.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Masyado pa siyang bata para ikasal. "This business world is freak!"-komento ko na ikinatawa niya.
"I made a right choice then."
Naguguluhan ko naman siyang binalingan ng tingin. "What do you mean?"-takang tanong ko.
"I'll show you "-sambit niya at iginiya ako sa mesang itinuro ni Kerk kanina. Nadatnan namin si Kerk na nakikipagtawanan sa mga businessman. Nasa kaniya ang atensyon ng lahat ngunit nang dumating kami ay wala pang isang minuto nasa amin na ang paningin ng lahat. Mali pala nakay Mortell lang pala.
"It's so nice to see you here Mortell Maximo!"-humahalak na sambit ng isang matandang lalaki. "Come join us!"-anyaya nito at itinuro ang katabing bakanteng upuan.
"Sorry but I can't join you right now. I have an accompany and I need to entertain her. Of course!"-pagdadahilan nito at itinuro ako. Saka lang napabaling sa akin ang mga tingin nila. Ngunit gusto kong mahiya at umalis nalang sa paraan ng pagtingin nila. Hindi ko maipaliwanag ang nasa mga mata nila ngunit alam kong hindi ko gusto ang pagtitig nila.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Teen FictionI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...