Bumangon ako mula sa pagkakahiga, bat ang sakit ng ulo ko? Nilibot ko ang paningin ko at napagtantong wala ako sa kwarto ko. Napapalibutan ako ng mga puting kulay, bawat gamit ay puti, ang kurtina, lamesa at maski ang suot ko ay kulay puti.Napangiwi ako sa sakit nang subukan kong bumangon. Ininda ko ang sakit sa tuhod ko at nagsimulang maglakad palapit sa pinto.
Kaya pala puti lahat,nasa hospital pala ako. Ano bang nangyari kagabi? Tsaka bat andami kong sugat?
Pilit kong inalala ang nangyari kagabi ngunit mas lalo lang sumasakit ang ulo ko. Kaya minabuti ko na lamang na iwaksi ito sa aking isipan. Mamaya ko na lamang tatanungin si Zena pagdumalaw. Tsaka asan ba yung bantay ko dito? Si Mama? Si Papa? Yung kapatid ko? Bat naman kasi iniwan nila akong mag isa? Di ba nila inexpect na gigising ako?
Bumalik ako sa hospital bed nang makaramdam ako ng hilo. Kasabay noon ay ang biglang pagkalam ng sikmura ko. Gutom nako! Pumikit nalang ako upang pigilan ang gutom ko, baka matagal pa sila kaya matutulog mina ulit ako.
Ngunit ilang minuto palang akong nakapikit nang makarinig ako ng maiingay na yabag at mga pamilyar na tinig. Napalundag ako sa tuwa ng isa isa silang pumasok sa kwarto.
Agad kong niyakap ang pamilya ko, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Parang ilang taon ko silang hindi nakita, dahil sobrang miss na miss ko sila. Hindi sana ako bibitaw kung hindi nag ingay ang bakla sa likod, si Jerome.
"Girlllll I miss you wala akong makopyahan sa room, dahil alam mo na boba tong si Zena!"-masakit sa tenga ang boses ni Jerome. Dahil sobrang tinis nito, baklang bakla ang dating pero masaya ako na nandito siya.
"Eh sino bang mas boba bakla? Diba ikaw, ikaw yung nangongopya eh!"-balik namang sigaw ni Zena, natawa naman ako sa batuhan nila ng salita.
"Tama na mga ate, baka mastress si ate Sezia!"-nakangiting wika ni Terix, ang nakababata kong kapatid na lalaki. Masyadong habulin ng babae ang kapatid kong ito, kasi nasa lahi naman talaga namin yun kaya nga palagi ko siyang sinasabihan na huwag manakit ng babae, dahil ako talaga ang sasapak sakaniya.
"Naku Terix wag kang ngingiti nahuhulog panty ko"-humalakhak naman kaming lahat sa sinabi ni Jerome.
Biglang nawala doon ang atensyon ko nang makita ang hawak ni Terix. Agad ko itong kinuha at pumwesto sa lamesa, kanina pako nagugutom at maswerteng may dala silang pagkain.
Napaubo ako ng malakas nang mabilaukan ako.
"T-tubig!"
"Gurl tubig daw!"-natatarantang sigaw ng bakla imbis na kunan ako ng tubig.
"Ate dahan dahan lang kasi"-maingat niyang hinagod ang likod ko habang umiinom ako ng tubig. Matapos non ay nakahinga naman ako ng maluwag.
"Nga pala anong nangyari sakin? Bakit ako nandito?"
"Gurl di mo ba narember?"-Jerome
"Magtatanong ba siya bakla kung naaalala niya?"-singit naman ni Zena. Normal na talaga sakanila ang magbarahan, kaya minsan sumasakit nalang yung ulo ko.
"Ganito kasi yan once upon a tim-"-pinutol ni Zena ang madramang pagkwekwento ni Jerome.
"Gurl panigurado sasakit ang ulo mo sa pagkwekwento ng baklang yan."-natawa naman kami sa sinabi ni Zena habang nakasimangot naman si Jerome. "Ganito kasi yan gurl, pagkadating ko sa parking lot, umiiyak kana kaya as a good friend inalalayan kita."-napatango tango naman ako dahil napakaseryoso nitong magkwento, kitang kita mo ang emosyon.
"Kasi sabi ni inay kahit kapos, mayaman naman ako sa tibay, kaya kinaya ko, labanan ang sakit, magfocus, lumaki ng tama, dahil sa tibay na ibinibigay nila."
Huh?
"Kaya ang junk shop boy noon graduate na ngayon"
Sabi na eh di din mapagkakatiwalaan.
"Charrr kung ako madrama ikaw walang kwenta."-napailing iling nalang ako sakanilang dalawa.
Sabagay ano bang aasahan kong matino sakanila, di ko nga alam bakit naging kaibigan ko ang mga ito pero di ko din maitatanggi na napakaswerte ko sakanila.
Sa huli ay pinagtulungan nilang ikwento ang nangyari pero bago yun nakailan kami ng ulit kasi si Zena kung ano anong sinasabi while si Jerome ay sobrang drama at lalim ng pinanghuhugutan na umabot na sa point na di na namin maintindihan.
So yun pala nasagasaan daw ako kasi tumakbo ako habang umiiyak kasi nagbreak kami ng boyfriend ko? But as far as I know, wala akong boyfriend. Kaya wala akong ibrebreak. Medyo naguguluhan ako.
"Sino ba yang sinasabi mong boyfriend ko?"
Natawa pa sila lahat including Mama and Papa. Seriously meron nga?
"Gurl si Jarex remember? My cousin?"-sambit ni Jerome. Aminado akong makakalimutin ako sa mga names pero kung boyfriend ko talaga siya bakit hindi ko siya maalala.
"Grabe ka naman gurl, nakakalimot agad? Ano yun move on agad?"- tumawa naman si Zena.
Jarex?
Jarex..
Pilit kong inaalala ang pangalan niya ngunit sa huli ay nabigo rin ako. "Hindi ko siya kilala"-natigil silang lahat sa pag-uusap.
"Ayyy iba din Joker din pala si Sezia. Saan to nagmana Tito?"-humalakhak pa ng malakas si Jerome.
Hindi ko sila maintindihan, anong pinagsasabi nila? Wala akong maalalang Jarex, kahit anong gawin ko walang Jarex na naaalala ang utak ko.
"Seryoso ako!"-muli silang natigilan. "Kaya please kung joke to, itigil niyo na"-wika ko habang nakasabunot sa buhok.
"Shettt gurl seryoso? Owww I know na that's what they called amnesia!!!"
Napatakip naman ako sa tenga sapagkat sobrang sakit ng boses ng bakla.
"Impossible yan kasi unang una naaalala niya tayo pangalawa sabi ng doctor wala naman silang nakikitang sign ng damage sa brain na magcacause ng amnesia."-napatango tango naman ang dalawa kong kaibigan hula ko wala silang naintindihan sa sinasabi ni Terix.
"Ano yung amnesia?"-lutang na tanong ni Zena. See?
"I can't believe it ang laki laki ng tuition sa University na pinapasukan natin and look at you hangin lang ang laman ng utak. See Sez, si Zena talaga yung boba, you're hopeless Zena"
"Charr bakla, porket lamang kalang ng isang word na nalalaman sakin grabe ka makapanglait. Ako nga araw araw lamang sayo ng isang libong paligo, nilait ba kita?"-umirap pa ito.
"Charr kadin naligo kalang pero di ka nanghihilod."
Here we go again, lumalayo na naman sa topic.
BINABASA MO ANG
Unwonted Series #1: Forgotten
Teen FictionI wish... I wish our love did really.. Exist. Ongoing...