Binaybay namin yung highway at sa gilid lang siya mostly na dumadaan dahil medyo safe doon hanggang sa makarating na kaming SM North.
"Mauna ka na muna sa loob," sabi niya at pumasok muna siyang restroom dito sa may parking lot para ata magpalit ng damit bago kami tuluyang pumasok sa mall.
Tiningnan ko naman yung sa may pintuan ng mall at ang daming pumapasok.
Gumilid nalang ako at hinintay nga siya sa labas ng restroom. I noticed that a group of gentlemen were staring at me so I changed my position and slightly covered my face with my hair but I still felt uneased. Myghad, Caleb! What's taking you so long?!
After that I heard a whistle, I don't know if it's from them or what but it offended me.
"Miss" someone said and by the time I turned around a hand suddenly wrapped around my shoulder. I slightly jumped from shock but I felt relieve when I saw his face.
"May problema ba tayo dito pare?" Sabi ni Caleb habang nakatingin dito sa lalaking nasa harap namin.
Isa siya dun mga lalaking nakatingin saakin kanina.
"Ahh." Tiningnan ako nung lalaki tapos si Caleb. "Wala, pre."
Naglakad na siya paalis at sinundan naman namin siya nangg tingin ni Caleb.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Tumango ako, ngumiti siya nang konti bago kami pumasok sa loob ng mall.
"Bakit ka kasi doon naghihintay? Hindi ba sabi ko sayo na mauna ka nang pumasok" medyo naiinis na sabi niya saakin.
"Eh ayoko doon, madaming tao"
"Edi sana sa iba ka nalang naghintay."
"Eh saan ako maghihintay? Sa loob ng C.R?" pataray kong tanong sakanya kasi parang ako pa yung may kasalanan.
"Pwede rin, nakapasok ka na nga doon eh" sabi niya at nakita ko pa siyang ngumisi.
"Shut up," sabi ko sabay tulak sakanya kaya muntikan na siyang maout-of-balance pero natatawa pa rin siya.
"Bakit pala dito ka nagtratrabaho? I mean, why can't you have a job somewhere near your house?" I asked while we're walking.
"Eh, ito lang yung may available slot eh. Tsaka sila palang ang tumatanggap saamin kahit bata palang kami."
Kumunot naman yung noo ko. "Kami?"
Tumingin siya saakin at huminto sa paglalakad exakto naman na nandito kami sa may entrance ng department store.
"Bro!" sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw. "Ang tagal mo!"
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)
Teen FictionAvery Allyson Diaz, the savage and cold bitch accounting student of De La Salle University. With all the bad experiences she encountered in her life, she feel that no one will stay by her side and everyone will go eventually. She trusts no one, exce...