Chapter 40

352 15 37
                                    

"Welcome back, attorney!"


Bumungad saakin si Edwin pagkapasok ko ng firm at inakbayan niya agad ako. I gave him a small smile as we walked towards the elevator.


Kahapon lang ako nakabalik dito sa Pilipinas after 1 week and 3 days leave ko. And I think those days were one of the best. Napakasaya ko kahit na ang pinunta ko doon ay yung libing ni lolo, napakasaya ko dahil doon nagkita kami ni Caleb at nagkabalikan.


"Kamusta naman bakasyon?" Tanong niya saakin habang hinihintay namin magbukas yung elevator, "Blooming tayo ngayon ah?"


"Okay naman," I simply said and sipped my coffee, not minding that he is actually teasing me.


"Yun lang? Ang panget mo talagang kausap, Ava. Details, huy." Sabi pa ni Edwin kaya medyo natawa ako sa inakto niya.


Nahawa na talaga siya sa pagiging chismosa naming mga babae. Noong nakilala namin toh nung highschool, medyo tahimik pa 'toh pero maloko rin kasama nung ibang kaibigan namin na lalaki noon. Si Kenzo, ang talagang madaldal at makulit, kaya nga nagkasundo sila ni Mackey eh haha.


Tumunog naman yung elevator at bumukas na.


"Trust me, you don't want to hear the details." I chuckled then walked inside the elevator.


"Hmm. Mukha ka naman masaya, pwede na," pabiro pa siyang umismid tsaka tumabi saakin. "Pwede na ako magconclude na nagkabalikan na talaga kayo."


Nasuntok ko tuloy siya nang mahina sa braso dahil mukhang napalakas yung pagkasabi niya, ang dami pa naman ng tao dito sa elevator. Jusko, gusto pa atang ibroadcast yung lovelife ko.


"So LDR na kayo?" He whispered.


"Oo." I nodded.


"Buti pumayag ka na ng LDR kayo?" Tanong ni Edwin nung nakalabas na kami ng elevator.


"Oo naman. Hindi ko na siya papakawalan ngayon noh." Nginitian ko siya bago pumasok sa office namin.


LDR muna kami for now, babalik na rin naman daw siya sa Pilipinas pagkatapos ng fellowship niya doon, which is next year. Hay, a year without him, pero okay na yun kesa naman magkahiwalay na kami habangbuhay.


"Goodmorning po, Attorney Diaz." People greeted and I just nodded as a response.


Edwin updated me a few things about what I missed in the firm before going to his own office. Lahat kasi ng matataas na ranking dito ay may sariling office like Edwin and Alex.


Anyway, dahil nga ilang araw akong naka-leave ay maraming nakatambak saakin na gawain. At kitang kita naman 'yun sa mga files na nakapatong sa desk ko. Argh, this is going to be a long week.


"Ava!"


Mackey suddenly bursted into my office and ran towards me to hug me and I hug her back.

Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon