"Hmm."
Nagising nalang ako nang may naramdaman akong kakaiba lalo na sa baba ko.
Parang may umaagos.
Dahan dahan akong umupo at napahawak sa tyan ko, may kakaiba talaga.
My eyes widen when I realized something.
Omg! No.
Napatanggal naman ako ng kumot at tumayo na para tignan yung likod ko, "Shit!" Kung meron ito, edi meron din yung...
Agad kong tinanggal yung kumot, revealing blood stain on his bed.
"Mahal? Okay ka lang--" Humarap agad ako sakanya.
Noong una gulat na gulat pa siya kasi bumungad ata sakanya yung likod ko na may dugo. Ngayon naman may dugo sa higaan niya!
"I know. I know. I'm sorry, I got blood on your bed."
I thought he would freak out. Pero agad naman niyang sinara yung pinto nung nakarecover na siya at nilapitan ako.
"Anong nangyari sayo? Duguan ka oh." mahinang sabi niya at pilit na tinitignan yung likod ko. Eh nahihiya ako! Medyo madami eh huhu.
"Argh! Wag mong tignan!" pinanlakihan ko pa siya ng mata na may panggigil kaya tumigil na siya sa pagpilit na tignan yung asa likod ko.
Hindi ko naman kasi alam na magkakaroon ako ngayon. Irregular kasi ako, iba iba yung date na nagkakaroon ako, paminsan after 3 months or 6 months ako bago magkaroon.
Pero sana talaga naisip ko na yun nung masama yung pakiramdam ko kahapon, argh! It's so embarassing!
"Sorry, mahal." Medyo naiiyak na sabi ko habang nakatingin sa kama niya. Blue and white pa naman yung bedsheet niya! Argh.
"Hey, it's okay. Love pa rin kita," sabi niya sabay yakap saakin at hinalikan yung noo ko, "Pero wag mo muna akong hahawakan hahaha joke."
"Papalitan ko nalang comforter mo pati bedsheet," napatingin naman ako sa kumot na may konting dugo rin, "Pati kumot."
"Hindi, okay lang. Uhm, paano ba 'toh?" Napasuklay siya ng buhok habang nakatingin sa kama na may dugo, sasagot na sana ako pero bigla siyang nagsalita. "May napkin ka ba? Extrang damit?"
Mas lalo naman akong nahiya at nagulat sa tinanong niya pero umiling nalang din.
"Maligo ka nalang muna, may convinience store malapit dito. Bili lang ako, okay?" He said and I was about to say something, "Ipalupot mo nalang yung twalya sayo para walang makakita pag labas mo, iabot ko nalang yung damit at napkin mamaya."
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)
Teen FictionAvery Allyson Diaz, the savage and cold bitch accounting student of De La Salle University. With all the bad experiences she encountered in her life, she feel that no one will stay by her side and everyone will go eventually. She trusts no one, exce...