Epilogue

579 17 25
                                    

"Gagi! Dumami na yung mga rides ngayon noh? Compare dati."


Napatingin naman ako sa paligid at napangiti nang konti dahil nandito nanaman kami sa school namin noong gradeschool at highschool dahil foundation day. Pero hindi kami andito para saamin, kundi para sa mga anak namin.


At dahil tapos na magperform yung mga kindergarden at nanalo pa yung grade level ng anak ko kaya may price siya hehe.


"Here, baby. 'Wag kang lalayo ah. Stay where I can see you." Bilin ko kay Amanda, our beautiful 5 year old daughter.


"Okay po, mom!" Hinalikan niya ako sa pisngi bago tumakbo kasama ng mga kaibigan niya.


Sinundan namin sila, syempre hindi namin sila hahayaang magisa noh. They're still babies!


"Cute, cute talaga ni Amanda. Mana sa tita ninang," sabi ni Mackey na may panggigil habang tinitingnan niya yung mga pictures na kinuha niya kanina.


"Hindi matumbok yung pisngi ng anak ko." Napangisi naman ako at hindi na siya tinignan.


"Grabe noh. Parang dati lang, tayo yung andyan." Naomi pouted while watching our kids in the bounce house.


"Kaya nga eh, nakakamiss. Tara, try natin mamaya!" Excited na sabi ni Mackey.


"Gaga, ang liit liit lang yan oh. Sige try mong ipagkasya yung sarili mo dyan," sabi ni Mia.


"Ay, wag mong hinahamon yang si Mackey. Sa liit nyang yan? Napapagkalaman ngang gradeschool yan eh." Tumawa pa ang babaita habang kumakain ng corndog.


"Hoy! Ang tangkad tangkad ko kaya!" Pumamewang pa si Mackey sabay tingkayad.


Pinangsikitan pa siya nang mata ni Kim, "Ano nga ulit height mo?"


Tumawa nalang kami dahil napipikon nanaman ang baby ng grupo hahaha, hindi na nasanay. Hay nako.


"Hindi pa ba magpeperform yung panganay mo?" Tanong ko kay Naomi.


Napatingin naman siya sa wrist watch niya, "Ay oo nga. Pero andoon naman yung papa niya kaya okay lang kung exakto lang kami makarating doon."


Hinintay lang niya matapos maglaro sa bounce house yung bunso niya tsaka pinuntahan yung isa sa gym dahil magpeperform na yung grade level nila. Sumama na rin si Mia sakanila habang kami ay nagpatuloy na sumakay sa rides.


Pagkatapos dito sa bounce house ay lumipat nanaman sila sa ibang rides, yung iba kailangan kasama pa kami dahil masyado pa silang bata para hayaan namin sila.


"Dad!" Sigaw ni Amanda sabay takbo nung nakita yung dad niya na papalapit.


Agad naman siyang binuhat ni Caleb pagkalapit at hinalikan ito. "Musta baby girl ko? Nakasayaw ka na ba?"


Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon