Caleb Luciano: Hulaan mo 😂
Psh, pakapilosopo. Binuksan ko na yung phone ko at sineen na yung message niya.
Caleb Luciano
Hulaan mo 😂
HAHAHA joke. Why?
Hindi kita makikidnap ngayon, asa trabaho ako.
Eh bakit ka nagchachat?
Syempre, malakas ka saakin eh
😉😉😉
Ay nako, ewan ko sayo! Grrr 😠
Pinatong ko yung kamay ko sa manibela ng sasakyan habang tinitignan yung phone ko at nag-isip. Wala naman sigurong masama kung makikipagkita ako sakanya kahit 12 na noh?
Caleb Luciano
San yung trabaho mo?
Maya maya sinabi naman niya kung saan yung trabaho niya at sa pagkakaalam ko, isang comedy bar yun.
Pagkarating ko doon sa comedy bar na sinabi niya agad ko siyang nahagilap at biglang kumunot yung noo ko nung nagkakaroon ng problema dun sa kausap niya ngayon.
"I'm really sorry for the inconvenience sir, it won't happen again," I heard Caleb said.
"Sino ka ba ah? Are you the manager?!" The guy he's talking to seemed drunk.
Nagsimula na akong lumapit sakanila para makita yung mukha nung guy na kausap niya, familiar eh.
"Hindi po pero-"
"OHHHHHH!"
Nagulat ako, kaming lahat, nung bigla nalang sinuntok nung lalaki si Caleb kaya natumba si Caleb sa sahig. That son of a bitch! Halos lahat ng tao dito ay nakatingin na sakanila.
"Wag kang makiepal dito ah! Gusto kong makausap yung manager niyo kundi ipapademanda ko itong comedy bar na ito lalong lalo na yung babaeng iyon!" Sigaw pa nung lalaki at tumingin sa gilid niya kaya naaninag ko na yung mukha niya.
Mas lalo naman nag-init yung ulo ko at medyo nanginig na yung kamao.
Caleb got up and I can see from here that the side of his lips is bleeding.
"Ano may sasabihin ka?! Ganyan ba tignan ang isang customer!" Sigaw pa niya at susuntukin na sana si Caleb kaso agad kong hinawakan at pinalipit yung kamay niya, "AH! What the fuck- Ava?"
Imbis na mainis ay umamo bigla yung itsura ni Alex pagkakita niya saakin. Yep, it's Alex. What can I say? Once a bastard, always a bastard.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)
Teen FictionAvery Allyson Diaz, the savage and cold bitch accounting student of De La Salle University. With all the bad experiences she encountered in her life, she feel that no one will stay by her side and everyone will go eventually. She trusts no one, exce...