Chapter 26

340 25 58
                                    

"Ghad! Don't you know how to knock?!"


Tumawa lang si Caleb sa naging reaction ko at kunot-noo pa rin akong nagpatuloy magblower ng buhok.


Sino ba naman kasi ang hindi maiinis at magugulat kung bigla ka nalang may nakitang nakatayo sa may pinto, tinititigan ka habang nagbloblower.


"Goodmorning mahal." he kissed the top to my head, "Ako na." he gently took the blower from me so he could continue it.


Hinayaan ko naman siya at tinignan sa salamin kung paano niya guluhin....I mean iblower yung buhok ko. Ang seryoso niya pang tignan habang ginagawa yun hahaha. 


I couldn't take my eyes off of his face. He is really not the type that anyone can fall inlove with on the first look. Mas gumagwapo siya pag tinitigan mo ng mas matagal and I'm not saying this because I'm his girlfriend, but because it is the truth.


I pulled out my phone and simply took a short video of him doing that.


"Aga mo ata? May work?"


"May pupuntahan lang," sabi niya habang nakatingin pa rin sa buhok ko, "Tsaka gusto kita sabayan sa first day mo."


It's my first day of classes as a third year college. Hay, hindi ko feel na nagbakasyon. Parang kahapon lang finals namin tapos ngayon may klase nanaman kami. Kami nga yung huling nagbakasyon pero kami naman yung unang nagkaroon ng classes, hays.


"Really?" I raised a brow while smiling. "Edi bibigyan mo rin akong baon?"


He chuckled and turned off the blower then sat down beside me.


"Pwede na ba 'toh?" sabi niya sabay halik sa labi ko.


Umismid naman ako. "Tss yun lang? Kulang!"


Tumawa lang siya at ginulo nang konti yung buhok ko. "Bilisan mo na dyan. Malalate ka na."


Tumayo na siya at tuluyang lumabas na sa kwarto ko. Tiningnan ko naman kung anong ginawa niya sa buhok. Hay, para niyang pinaglaruan. Tinapos ko na yung pagaayos at bumaba na.


To my surprise, naghanda pala siya ng breakfast kaya pala ang agang magising ng loko at kanina pa akong minamadaling bumaba.


Kumain na kami at pagkatapos nun ay umalis na ako. Hindi naman na ako nagpahatid sakanya kasi may pupuntahan pa raw kasi siya.


Erika and I were just sitting at the side benches of SJ walk here in DLSU. Ang daming tao dahil balik school nanaman. Argh, ang ingay tapos ang tagal pa ni Curt. 


"Asan na ba si Curt?" iritang tanong ko dahil gusto ko ng pumasok sa classroom para magpalamig. 


"He texted a while ago that he's in Carriedo station already. Baka andyan na siya." sabi ni Erika.

Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon