Chapter 38

366 14 38
                                    

Caleb Lieven Luciano's POV.


"'Nak, sigurado ka bang okay lang sa girlfriend mo na dito muna tayo?"


Napabuntong hininga muna ako bago tumango kay papa at nagpatuloy na kaming mag-ayos ng gamit dito sa guest room ng bahay ni Ava. 


Nakakahiya nga eh kahit sabihin pang girlfriend ko naman si Ava, hindi naman ganun kakapal yung mukha ko. Pero dahil makulit siya ay pumayag na ako tsaka saglit lang naman, hindi rin kasi ako komportable sa tinitirhan namin kahit sinabi ko kay Ava na maayos naman. At alam kong nasense niya yun kaya pinilit niya ako na dito muna kami hanggang sa makahanap nang malilipatan.


Nakita ko naman ang whole other side niya habang magkasama kami. And I admit, mas nafall ako sakanya. Siya yung tipong pag mahalaga sakanya o mahal niya yung tao, todo todo yung care niya dito.


Kaya siguro masungit at mataray siya sa unang tingin, parang yun yung defense mechanism niya para hindi siya matake advantage agad ng ibang tao. Na kunyari wala siyang pake pero nagiisip na siya ng way para matulungan ka.


"Pamilya na rin kasi ang turing ng pamilya ni Mackey kay Ava, since their parents were bestfriends ever since."


Ineexplain nang konti ngayon ni Adriell yung background at kung paano pakitunguhan yung pamilya ni Mackey kasi nga parang mas lumaki si Ava doon sa pamilyang iyon kesa sa mga magulang niya. 


Tsaka gusto ko rin makilala yung mga mahahalagang tao sa buhay ng girlfriend ko noh kahit na nakakakaba dahil sa mga kinwento saakin ni Adriell pero kaya yan, parang practical exam lang. Mahirap pero kakayanin. 


"Bro, ang sasama nang tingin nung mga kausap ni Ava saatin oh. Ano? Resbakan na ba natin?"


Pasimple akong lumingon sa tinutukoy ni Michael at nakita ang apat na lalaking kausap ngayon ni Ava na nakatingin nga saamin. 


"Gago, mga kuya yan ni Mackey." Napastraight ako ng inom sa wine glass ko dahil sa kaba. 


Jusko. Mas malala pa silang makatitig kesa kay Adriell o Ava. 


Noong oras na lumapit saamin yung apat ay doon din lumapit saamin si Ava at Mackey para bang nasesense nila na kailangan namin ng tulong. 


Pero hindi naman talaga namin kailangan nang tulong yakang yaka namin toh.


"Oh isang tagay pa!"


Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon