"Really? Ito yung emerygency mo?"
Nakapamewang akong nakatingin sakanya ng hindi makapaniwala. Iniwan ko yung pagkain ko doon para dito sa sinasabi niyang emergency! Eh bwiset, gusto lang pala niya magpabraid kami.
"Dali na, this will be fun!" sabi ni Mackey sabay hila na saakin.
I rolled my eyes pero wala na rin naman kaming magawa dahil andito na kami, hay.
"Ay okay siya, ang presko ng dating" Umupo si Caleb sa tapat ko sabay abot saakin ng buko shake, "Saang tribo ka nga pala?"
"Shut up." Napairap ako sabay inom sa buko shake na binigay niya.
He chuckled, "Parang gusto ko rin. Ate, ako po kasunod niya ah. Adriell! Magpabraid ka na rin!"
Kumunot saglit yung noo ko sa sinabi niya pero medyo natawa nalang din dahil alam kong hindi siya seryoso. Pati nga din si Adriell hindi siya pinansin eh at inirapan lang siya.
"Loko haha. Ako na magpupusod sayo mamaya" bigla ko nalang sinabi sakanya kahit na hindi ko pa yun natatry pero nakikita ko yun ginagawa ng mga kaibigan ko sa mga jowa nila paminsan at mukha naman madali, I think?
"Kaya mo yung ganyan?" tinuro niya yung ginawa ni ate na braid sa buhok ko. Seryoso ba siya? "Gusto ko yung ganyan, para match tayo."
And he is not joking. After kong magpabraid ay nagpabraid din siya. Medyo mahaba na rin naman kasi buhok niya kaya kayang i-braid.
"Oh ano? Pogi ba?" sabi niya at nagpose ng papogi daw.
"Hindi ba masakit?" Tanong ko kasi sobrang higpit niya na kita na talaga yung anit, pero same lang naman kami haha pero kasi yung kanya maikli yung buhok niya eh.
Hinawakan ko yung buhok niya at ginalaw ito ng konti. Ang smooth din pala ng hair niya, parang nakakaadik na hawakan haha. Tapos may kulay din pala hair niya na light brown.
"Huy, wag mong sirain, singkwenta rin yan." Kinuha niya yung kamay ko at hinawakan lang ito para pigilang hawakin yung buhok niya.
"Okay okay." Kinuha ko na pabalik yung kamay ko pero ayaw niya pa rin ito pakawalan.
"Baka mawala ka, dito ka lang"
I raised a brow. "That's the lamest excuse I've ever heard." And then slightly laughed.
"Okay, bitawan na kita." Bibitawan na sana niya ako pero ako naman ngayon yung humigpit ng hawak.
"Pero baka nga mawala ako" I shrugged a little and didn't bother to look at his expression dahil paniguradong nakangiti nanaman siya.
Nagbayad na ako para saaming dalawa, nag-insist pa siya na siya na magbayad pero agad ko naman binigay yung bayad kay ate.
BINABASA MO ANG
Bitter Sweet Encounter (Fate Series#2)
Roman pour AdolescentsAvery Allyson Diaz, the savage and cold bitch accounting student of De La Salle University. With all the bad experiences she encountered in her life, she feel that no one will stay by her side and everyone will go eventually. She trusts no one, exce...