Zeila's Pov
"Zeila,may napapansin ka bang kakaiba kay Kuya Glenn?"
Napatigil ako sa pag-inom ng juice at nagtatakang tinignan si Señorita Keisha.Nandito kami sa sala ngayon,gusto raw kasi akong makausap ni Señorita Keisha at ng mga kapatid niya.Kanina pa nga ako hindi mapakali rito eh.
Tulog kasi si Glenn ngayon kaya malaya akong nakalabas ng kwarto niya.Ang kaso,nandito naman ako ngayon sa sala,kasama ang mga amo ko at mga kaibigan nila.Nakatingin at naghihintay ng isasagot ko.
"Ka-kagaya po ng ano?",kinakabahang tanong ko at yumuko dahil tutok na tutok sila ngayon sa akin.Nakakahiya,ang gaganda ng mga mukha nila tapos nakatitig sila ngayon sa panget kong mukha.
"Like kakaiba yung mga kinikilos niya.Parang wala siya sa sarili,ganun..",si Señorita Ayesha naman ngayon ang nagsalita.
Napaisip ako sa tinanong nila.Oo may mga times na parang wala si Glenn sa sarili niya pero minsan lang naman mangyari yun at kung nangyayari naman ay panandalian lang pero aaminin ko,natatakot parin ako kay Glenn lalo na kapag parang wala siya sa sarili niya kaya kahit anong sabihin niya,sinusunod ko nalang.
"M-May mga times na ganun siya..",sagot ko sa tanong nila.Nanlaki ang mga mata nila na ikinataka ko.
Mas lumapit sila sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Then?",tila nagmamadaling sabi ni Señorita Keisha.
"A-Ang sabi niya kasi sa akin dati,may..may bumubulong daw sa kaniya pero sa tingin ko siya lang ang nakakarinig nun..",medyo kinakabahang sabi ko dahil pansin ko na medyo nag-iiba na ang awra sa paligid namin.
Naging seryoso at nagkatinginan silang lahat pagkatapos ay muli silang tumingin sa akin.Tila sinasabi na ako'y magpatuloy pa.
"A-Ah tapos minsan nagsasalita siya mag-isa..",nakayukong sabi ko at narinig ko ang singhapan nila ngunit hindi iyon ang pinag-tuunan ko ng pansin dahil iniisip ko ang mga inaakto ni Glenn nitong mga nakaraang araw.
Natatakot ako na nag-aalala.Alam kong hindi normal ang kinikilos niya.
Normal bang tumawa at magsalita kang mag-isa?Syempre hindi.Minsan nga ay nagiging bayolente nanaman siya kapag nagkakaganun.
Hindi ko rin alam kung bakit siya nagkakaganun.
"Zeila?!Zeila!"
Agad akong napatingin sa hagdanan kung saan nanggagaling ang sigaw.Nakita ko si Glenn at masama nanaman ang tingin nito sa akin.Nasasanay nalang ako sa tingin niyang ganyan.
Nagmamadali itong bumaba at lumapit sa akin.Dumistansya naman sa akin ang mga Señorito't señorita pati na ang mga kaibigan niya.
"Why are you always leaving me?!",halata ang pagkainis sa boses nito at hinawakan ako sa braso. "Diba sabi ko huwag kang lalabas ng kwarto?",panenermon pa nito.Napabuntong-hininga nalang ako.
"Kinausap lang nila ako..",sabi ko ngunit mas lalo yata itong nainis.
"Ang sabi ko huwag kang lumapit sa kanila..",sabi niya at hinila ako papunta sa kanya.Tinignan niya ng masama ang mga kasama namin dito sa sala kaya siniko ko siya ng mahina sa tagiliran ngunit sinamaan niya lang rin ako ng tingin.
"G-Glenn naman,kinakausap lang talaga nila ako.Wala naman masama dun..",pagdedepensa ko.Mas lalo lang sumama ang mukha nito dahil sa sinabi ko.Halatang kakagising lang nito dahil sa naniningkit nitong mga mata.
"Tapos ano?Sasama ka nanaman kay Keisha?",sabi nito at matalim na bumaling kay Señorita Keisha na ngayon ay nagtatago sa likod ng kanyang Kuya Giann.