Zeila's Pov
Nakatitig ako sa malaking bahay na nasa harapan ko ngayon.Napakamot ako sa ulo dahil heto nanaman ako't naduduwag.Sa totoo lang,magdadalawang oras na ako rito ngunit nakatayo parin ako rito sa labas.Paano ko ba sasabihin sa kanya iyon?
Bumuga ako ng hangin bago pindutin ang doorbell.Napapikit pa ako sa lakas ng tunog niyon,pati yata sa kanyang kalapit na bahay ay rinig iyon.Naalala ko na may problema pala sa pandinig yung may-ari ng malaking bahay na ito kaya ganun na lamang kalakas ang tunog ng kanyang doorbell.
Mabilis na lumukob ang kaba sa dibdib ko nang unti-unting bumukas ang kanyang gate hanggang sa mabungaran ko ang iritadong mukha ni Mrs.Chua.
"Ano ba iyo kailangan?",nakataas nanaman ang manipis nitong mga kilay.Ako naman ay parang napipi nanaman at hindi mahanap ang salitang kanina ko pa prinactice.
Asan na?Bakit hindi ko na masabi?Aish!
"M-Mrs.Chua..",kinakabahang tawag ko sa pangalan nito.Lalo namang tumaas ang kilay nito.Napakasungit niya talaga,palibhasa'y isa ng byuda ngunit wala pang anak.
"Ikaw sayang oras ko.Ikaw alis kung walang sasabihin..",nainis na yata ito dahil hindi parin ako nagsasalita,kinakabahan kasi ako magiging reaksyon niya eh.Akmang isasara nito ang gate ngunit maagap ko itong napigilan.
"M-Mrs.Chua sandali lang po.Ano kasi..may sasabihin lang po ako..",nangangamot sa ulong sabi ko.
"Ano ba iyo sasabihin?Bilis!"
Okay..kaya ko'to.Huminga ako ng malalim bago taimtim na tumingin sa kanya.
"Mrs.Chua,gusto ko lang pong sabihin na maraming salamat po sa lahat.Thank you po sa pag-sponsor sa akin,dahil po sa inyo nakapag-aral ako sa pinapangarap kong eskwelahan..",yeah,she's my sponsor and I am her scholar pero hindi ko na kaya.Kailangang gawin ko na ito. "Pero pasensiya narin po kayo dahil...",kaya mo yan Zeila.
"Dahil?"
"Hi-hindi na po ako papasok sa Emerald University..",nakayukong sabi ko.Natatakot na malaman ang kanyang reaksyon.Alam ko ng magagalit siya at tama nga ako.
"Ano sabi mo?!Bakit ikaw hindi aral na sa Emerald?!Wala ka utang na loob!Ako paaral sa'yo tapos ikaw sayang lang paaral ko!",nakagat ko ang ibabang labi ko ng magsimula na itong sumigaw.Sabi na nga ba eh,ganito ang magiging reaksyon niya.
"Mrs.Chua,hindi ko na po kasi kayang mag-aral doon..",naiiyak na sabi ko habang nakatitig sa braso kong may benda.Naalala ko nanaman ang sinapit ko kahapon.Ayokong ng maulit iyon.Tanggap ko na na hindi talaga ako nababagay roon.Aalis nalang ako.
"Bahala ka buhay mo!Basta bayaran mo pera ko paaral sa'yo!",nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na nag-angat ng tingin.
"M-Mrs. Chua..",nanlalaking matang sabi ko.Babayaran ko yun?Eh diba libre lang ang lahat ng iyon.
"Ikaw gusto iyan.Bago alis,ikaw bayad muna..",sabi nito.Nakalahad na ang kamay nito sa akin.Lalong hindi ako makapaniwala dahil doon.
"Wa-wala po akong pera..",wala sa wisyong sabi ko.
"Ako wala pakialam basta ikaw bayad!Kapag ako hindi mo bayad,ikaw pakulong ko..",mas natakot ako sa sinabi nito.Ayokong makulong,hindi maaari ito.Wala naman talaga akong dapat bayaran sa kanya eh.Sponsor siya at ako ang scholar niya,natural lang naman na magbigay siya ng sponsor ng walang kapalit diba?Bakit ganun?
"Kapag hindi ka bayad.Ikaw manatili sa Emerald at ikaw huwag alis doon o pakulong talaga kita.."
Wala na akong ibang nagawa nang pagsarhan niya ako ng gate.Nanghihinang napaupo ako sa gatter at doon natulala.Isa-isang tumulo ang mga luhang kahit kailan ay hindi na yata mauubos.