Zeila's Pov
Hindi ko alam kung paano nagdaan ang oras at nakauwi kami ng maaga sa bahay nila.Kanya-kanyang salampak sa sofa ang mga señorito't señorita.Ako nama'y dumiretso sa kusina at syempre,kabuntot ko nanaman si Glenn.
"Bakit hindi ka makisama sa mga kapatid mo?Tsaka nandoon ang mga kaibigan mo oh,ientertain mo..",sabi ko at nginuso pa ang sala.Ngayon ko lang nalaman na ang dami palang kaibigan ni Glenn,dati kasi sa school ay madalas ko siyang nakikitang mag-isa kaya akala ko wala siyang kaibigan ngunit meron pala.Masasabi kong malaki ang circle of friends nila.Higit kasampu sila,sa tingin ko.
"Ayoko dun..",maikli ngunit nakasimangot na tugon nito sa sinabi ko.Kaya nakakunot na hinarap ko siya.
"Bakit ba?Hindi ka ba masaya na nandito yung mga kaibigan mo?",takang tanong ko dito.Umiling-iling naman ito sa sinabi ko.
"I'm not happy that they are here.They're so f*cking noisy as hell and I hate noise..",halata ang pagka-irita sa mukha nito habang sinasabi iyon.Napaismid nalang ako sa kanya.
"Paano mo sila naging kaibigan kung ganun?Ikaw..ang sama mong kaibigan.Hindi ka marunong makisama sa kanila..",nakasimangot na sabi ko.Mabuti nga siya,may kaibigan eh.Salamantalang ako,matagal ko ng inaasam-asam ang magkaroon niyan ngunit walang nagtangka ni isa.Sino ba naman ang gustong maging kaibigan ako?Palagi akong nabubully sa school,baka iniisip nila na madadamay lang sila kung kakaibiganin nila ako tsaka sadyang ayaw talaga nila sa akin.
"Bakit ba gusto mong nandun ako,huh?!",tilanaiinis na din na sabi nito.Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nakipagtalo pa.Kailan ba ako nanalo sa kanya?
"Bahala ka kung saan mo gusto..",sabi ko nalang at inilapag ang bag ko sa island counter.Saan pa ba ako tatambay?Edi sa kusina.
"Mama Tess,mano po..",salubong ko kay Mama Tess at hinawakan ang kamay nito bago ko idinampi sa noo ko.
"Kaawaan ka ng Diyos,Ineng.Kamusta ang iskwela?",nakangiting sambit nito kaya napangiti rin ako pero nawala ang ngiti ko nang maalala ko nanaman ang nangyari kanina sa school.
"A-Ah ayos naman po..",pilit ngiting ani ko.Tumango-tango naman ito at napatingin sa likod ko.Mas lalong lumawak ang ngiti nito.
"Nandito ka pala Señorito Glenn.May kailangan ka po ba?",magalang na sambit ni Mama Tess kay Glenn na hanggang ngayon ay nakabuntot parin sa akin.Umiling naman ito sa tanong ni Mama Tess.
Nagtaka ako nang hawiin ako ni Glenn at siya naman ngayon ang humarap kay Mama Tess.Tinitigan niya ang matanda bago bumaba ang tingin niya sa kamay nito.Unti-unti niya iyong inabot at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
"Mano po..Mama Tess..",marahan ngunit mahinang sabi niya.Halos parehas kami ni Mama Tess ng reaksyon.Parang naiilang na bumaling pa sa akin ang matanda.Basang-basa ko ang nilalaman ng mata nito.Halatang nagulat din ito sa inakto ni Glenn.
Jusko si Glenn,nagmano?
"Ah eh k-kaawaan ka ng Diyos iho..",tila naiilang pang sabi ni Mama Tess.Walang sinabi si Glenn at tumingin lang sa akin.Nakangiting tumango-tango naman ako sa kanya.Nagthumbs up pa ako para ipakitang ayos yung ginawa niya.
Ganyan nga Glenn.Matuto kang gumalang sa mga mas nakakatanda sa'yo.
"Eh paano ba'yan?Mauuna na ako sa inyo at ako'y maggo-grocery pa..",nakangiting sabi ni Mama Tess.Kapansin-pansin na mas lumiwanag ang ngiti nito.
"Gusto niyo po bang ako nalang ang mag-grocery?Medyo malayo po ang mall dito sa village Mama Tess.Baka mapano pa ho kayo..",nag-aalalang sabi ko.May edad narin kasi ang mayordoma at hindi nakakabuti sa kalusugan niya kung babiyahe pa siya.