Chapter 9

1.3K 42 1
                                    

Zeila's Pov

"Zeila you really need to get out of here.Don't worry I am here to help you,also Kuya Giann.."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa oras na ito.Masyadong occupied ang isipan ko,ni hindi ko na nga maintindihan ng maayos yung sinasabi ni Señorita Keisha.Kasama niya ngayon si Señorito Giann pero hindi ito nagsasalita,nakikinig lang sa sinasabi ng kapatid.

Ngunit kahit anong talak ni Señorita ay walang pumapasok sa utak ko.Malaman-laman ko ba namang bumalik na si Cheska.Si Cheska na hanggang ngayon ay istranghero parin para sa akin,nalaman ko kasi na nangibang bansa pala ito matapos ng break-up nila ni Glenn.At ngayon..

...bumalik na siya.

Kaya pala paggising ko,wala na si Glenn sa tabi ko.Pinuntahan niya pala agad-agad ang babae.Hindi naman sa masama ang loob ko,hindi ako naiinis o ano dahil wala naman akong karapatan.

Naiinis ako..sa sarili ko!

Nakakainis dahil bakit kailangan kong maramdaman ang ganitong pakiramdam?Bakit..bakit hindi ako masaya na dumating na sa wakas si Cheska at sa iba na mababaling ang atensyon ni Glenn?Na sa wakas ay may pagkakataon na akong makaalis rito pero bakit ganun?Nawala panandalian ang kagustuhan kong makaalis rito.Diba yun naman ang gusto ko?Ang matapos na ang paghihirap ko pero bakit ganito?Bakit?!Bakit..bakit nasasaktan ako?

'Sira ka,Zeila!Sira ka!Hindi mo dapat nararamdaman iyan!' Aniya ko sa aking isipan.

"Zeila!Hey!Are you listening to me?"

Ilang beses akong napakurap nang biglang pumitik sa harapan ko ang Señorita.

"Se-señorita.."

"What's with you?Is there something bothering you?",nakakunot noong sabi nito.Wala sa sariling umiling-iling naman ako.

"Na-naku,pasensya na Señorita.A-ano nga uli yung sinasabi niyo?",medyo maang pa na tanong ko.Pinilit kong ibalik ang sarili ko sa wisyo para naman hindi masayang ang pag-eefort nila para lang tulungan ako.Napakakapal naman ng mukha ko kung tatanggi pa ako sa tulong na ibinibigay nila.

'Okay,huwag kang magpapadala sa emosyon mo Zeila'

"As I'm saying..ngayon kana aalis dito.",nagulat naman ako sa sinabi niya.

"N-ngayon na?Agad agad?",gulat na tanong ko.

"Yes..",si Señorito Giann na ang sumagot. "While Glenn is busy because I'm sure..he'll totally lock you up in his room if he'll know that you want to escape..",seryosong sabi nito habang matamang nakatingin sa akin.Napayuko naman ako dahil sa intensidad ng titig niya.

"Hi-hindi naman na niya po siguro ako ikukulong kasi...kasi nandyan na si Cheska.Hi-hindi narin naman niya siguro ako mapapansin..",tila ba nasasaktan ako sa aking mga sinasabi.Si Glenn..lalagpasan nalang ako at hindi papansin dahil nandiyan na ang babaeng pinakamamahal niya.Ako lang yata ang baliw na babaeng masasaktan pa dahil hindi na papansinin ng lalaking nananakit sa kanya.Hayst diba dapat masaya ako?Tama,masaya dapat ako!Oo,masaya ako!Masaya talaga ako kasi makakatakas na ako,tama!

"I don't think so..",nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi ng Señorito.Nalilito ako sa kanyang sinasabi,maging ang Señorita Keisha nga nagtatakang nakatingin sa kanya. "Kilala ko si Glenn because he was once became my closest buddy.Yes!He's mysterious and so secretive but I know him to well and I can see that there's more something that you need to figure out,Zeila.Kaya siguro mas gusto kong manatili ka dito..",nanlakiang mata ko sa sinabi niya.Gu-gusto niya,dito lang ako?

"Kuya!",agad na tutol ni Señorita Keisha. "Please,I know that you are belong to underground organization and they called you Agent Ivan or whatever at alam kong mahilig kang tumuklas ng mga mysteries pero huwag mo muna isali dito yang malikot mong utak.Ano-ano nanaman naoobserbahan mo eh..",tila naiinis na sabi ni Señorita Keisha pero mas lalo akong nagulat kasi isa palang agent si Señorito Giann?Weh?Sa bata niyang yan?Agent siya?

The Bully's AddictionWhere stories live. Discover now