Chapter 19

3.1K 119 136
                                    

Zeila's Pov

"Dalhin niyo na ito sa sala,baka nagugutom na ang mga bisita ng señorito"

Gaya ng inutos ni Ate Audette.Dinala ng ilang kasamabahay ang apat na tray na naglalaman ng iba't-ibang snacks.Naiwan ako sa kusina habang nagbabalat ng mga patatas kasama ang ibang taga-luto.

Walang Glenn na nakalingkis sakin ngayon kaya malaya akong nakakagalaw kasi ipinatawag siya kanina ng papa niya.Ayaw pa nga sumunod eh,kung hindi ko pa tatakutin ay hindi pa talaga aalis sa tabi ko.Muntik pa nga umiyak.

Napailing-iling nalang ako nang maalala yun.

"Zeila ito pa oh,pakibilisan ng pagbabalat ah..",inabot sa akin ni Ate Lari ang isang plastic ng patatas.Ngumiti nalang ako bilang tugon at kinuha kaagad ang plastic na inabot niya.

Mas binilisan ko pa ang pagbabalat kasi yun ang sabi ni Ate Lari,mabait naman si Ate,strikto lang talaga siya.Sila kasi ni Ate Audette ang pumapangalawa sa mayordoma na si Mama Tess.

Ganun ang proseso ng pagluluto namin.Ako nagbabalat,si Ging-ging naman ang naghihiwa at sila Ate Audette at Ate Lari ang nagluluto kasama ang iba.Ang apat naman na sa amin ay ang naghahatid sa sala.So far,maayos naman lahat.

Napahinto ako sa pagbabalat ng patatas nang biglang umingay ang kaninang tahimik na mga kasamahan ko.Ganito sila sa tuwing dumaraan ang mga amo namin sa kusina.

"Nakabalik na pala siya..",rinig kong sabi ni Ging-ging na katabi ko.

Sumulyap ako sa entrance ng kusina sa pag-aakalang si Glenn ang napagawi pero ibang tao ang nakita ko.

Pinaningkitan ko ito ng mata dahil sa tingin ko ay pamilyar siya sa akin.Isa siguro sa kaibigan nina Glenn kasi ngayon ko lang rin siya nakita dito eh.

Tahimik siyang kumuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso.Nakatingin sa kanya ang lahat ng nandito dahil sa matunog nitong paglagok ng tubig.

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pilit na inalala kung saan ko ba siya nakita kasi napakapamilyar niya talaga sa akin.

Pagkabukas ko ng mata ko ay nagulat ako nang makitang nakatingin ito sa gawi ko.Tinignan ko si Ging-ging na katabi ko,baka kasi sa kanya nakatingin ang lalaki.

Ngunit naglaho ang pagtataka ko nang makitang humakbang ito palapit sa akin.

"Zeila.."

Gulat na tiningala ko siya nang banggitin niya ang pangalan ko.Kilala niya ako?

Napatingin ako sa iba naming kasama sa kusina at maging sila'y nagtataka at nagulat rin.

"Zeila,how are you?!",tila masayang sabi nito at nagawa pang umupo sa tabi ko.Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya.Rinig kong tumawa ito ng mahina. "Oh,I guess you don't remember me anymore..",tila natatawa pang sabi nito.

Pamilyar talaga siya sakin pero di ko talaga matandaan ko saan ko siya nakita.

Mas lalo siyang natawa nang makita ang pagtataka sa aking mukha.

"Hey Zeila,it's me,Yvan..",nakangiting sabi nito.Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nag-isip.

Yvan?

"Nakakatampo ka ah,kinalimutan mo ako",napatingin uli ako sa kanya dahil sa sinabi niya.Pilit na inaalala kung saan ko ba siya nakilala.

Mas lalo akong natahimik nang bigla ako nitong inirapan.

"Okay fine,ako yung laging pumupunta sa bahay niyo dati.Remember?Yvan's my name",sabi nito at pinanlakihan ako ng mata.

Mas lalo akong nagtaka.Pumupunta sa bahay namin dati?Siya?

The Bully's AddictionWhere stories live. Discover now