Chapter 8

1.5K 40 3
                                    

Zeila's Pov

Nangunot ang noo ko at mabilis na napamuglat nang maramdamang namamanhid ang mga binti ko dahil sa mabigat na bagay na nakapatong doon.Gagalaw na sana ako ngunit agad ring natigilan nang maramdaman at makitang may mga brasong nakapulupot sa baywang ko.

Dahan-dahan at nanlalaki mata akong bumaling sa katabi ko.

Muntik na akong mapasigaw nang makita si Glenn na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Malakas na kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.

T-teka a-anong ginagawa niya dito?Kanina pa ba siya dito?

Nagpapanic nanaman ang sistema ko,hindi ko alam kung anong gagawin.Aalisin ko ba ang braso niyang nakapulupot sa akin o mananatiling ganito?Natatakot kasi ako na magising siya.Baka magalit nanaman siya at saktan ako.

Tinangka kong baklasin ang braso niya sa akin ngunit mas lalo akong na froze nang maramdamang mas humigpit ang yakap nito sa baywang ko at hindi lang yun,isiniksik niya pa ang ulo niya sa leeg ko.

Pigil hininga kong sinilip ang mukha ang niya.Ganun parin,payapa parin siyang nakapikit.Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na titigan siya.Kung hindi lang demonyo ang ugali ng lalaking 'to,papasa siya bilang anghel.Napakaamo ng mukha kapag tulog,akalain mong hindi gagawa ng masama.

Kung hindi mo sana ako sinasalbahe,siguro nagtagal ang pagkagusto ko sa'yo noon.

Oo,masakit mang aminin pero..may gusto ako sa kanya--NOON.Nung panahong hindi niya pa ako kilala at hindi niya pa ako sinasaktan.

Nawala ang pagkagusto ko sa kanya nang magsimula na siyang pahiyain at i-bully ako sa harap ng mga ka-schoolmate namin.Ayan tuloy,nakigaya ang iba sa kanya,madalas narin nila akong pagtripan.

Sa ngayon..wala na akong ibang nararamdaman kundi takot at labis na pagkalungkot.Hindi ko magawang magalit ng sobra sa kanya,hindi ko rin alam kung bakit,kahit na paulit-ulit niya akong sinasaktan.Pakiramdam ko kasi ay deserve ko ang mga pananakit na iyon.

"Glenn sana mapatawad mo na ako..",mahinangbulong ko habang nakatingin parin sa maamo niyang mukha.Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kisame.Nangunot ang aking noo nang makitang wala maski isang butiki dito.Weh?Sa bahay ko ay marami,sabay sabay pa silang sumasaltak.Napailing nalang ako sa sarili.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako rito,dagdag mo pa na nakayakap sa akin si Glenn.

Si Glenn!Si Glenn na mapanakit at puno ng paghihiganti.Eh,diba suklam na suklam sa akin to?Bakit ngayon ay nakayakap siya sa akin?Dito pa talaga siya natulog sa tabi ko.Anong nakain niya?

'Hay nako!magpasalamat ka nalang Zeila dahil hindi pa siya nagigising dahil kung magkataon,bugbog sarado ka nanaman'

Nakanguso akong tumitig sa kisame,hanggangngayon kasi ay kabado parin ako sa gagawin niya sa'kin kapag nagising na siya.

Bubugbugin niya kaya ulit ako?

Marahan akong bumaling sa kanya at muntik na akong mapasigaw nang makitang nakabukas na ang mga mata niya.

Paktay.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso nang magising siya.Kinakabahan ako,natatakot ako.Sasampalin niya ba ulit ako?O sasakalin?Baka naman tuluyan na niya akong patayin.

"A-ah G-Glenn sorry..",mabilis na sabi ko.Nagising ba siya dahil sa akin?Ang likot ko ba?Eh ni hindi na nga ako humihinga eh.

Wala siyang sinabi,nanatili lang siyang nakatitig sa akin,ni hindi niya pa nga inaalis ang pagkakayakap sa baywang ko kaya naman nailang ako.

Imbes na sumagot ay mas lalo niya lang isiniksik ang kanyang ulo sa leeg ko at balewalang pumikit muli.Napanganga naman ako dahil doon.

A-ang akala ko sisigawan at sasaktan na niya ako.

The Bully's AddictionWhere stories live. Discover now