Zeila's Pov
"Oh?Nasaan na unang bayad?"
Wala akong naisagot kay Mrs.Chua at napayuko nalang.Lalo pa akong nahiya nang makitang nakalahad ang isang palad nito sa harap ko.Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay dito ko napiling tumuloy,hihingi pa sana ako ng palugit para sa unang bayad.Aish!Ang hirap ng ganito.
"M-Mrs.Chua,wala pa po kasi akong nahahanap na trabaho..",nakayukong ani ko.Naghanda na akong pumikit para sa magiging reaksyon niya.
"Hanggang ngayon wala?Ilang araw na ikaw naghahanap trabaho!Arte mo kasi!Ikaw pa pili alis sa Emerald!",kung alam niyo lang ho sana kung anong klaseng buhay ang mayroon ako sa Emerald,hindi niyo masasabi yan.
"Pasensya na po kayo pero makakahanap rin po ako.Bukas po,ipagpapatuloy ko ang paghahanap..",nanatili akong nakayuko sa kanyang harapan.Ayoko kasing salubungin ang nagsusungit nanaman niyang mga mata,isama mo na ang kilay niya.
"Hindi!Usapan ay usapan!Kapag ikaw hindi nakapagbigay ng unang bayad!Ikaw manatili sa Emerald.Kaya bukas!Pasok kana sa school!Tapos ang usapan!",namilog ang mata ko sa sinabi niya.Akmang isasara na niya ang gate nang pigilan ko ito.
"M-Mrs.Chua,ayoko na pong bumalik doon..",nag-iinit nanaman ang bawat sulok ng mga mata ko.Hindi maaaring bumalik ako doon.Gagawa ako ng paraan para lang hindi makabalik doon.
"Hindi!Kapag hindi kita nakita doon bukas!Ikaw pakulong ko na!",sabi nito.Pilit pang isinasara ang gate ngunit heto ako't hinaharang ang kamay para hindi tuluyang maisara.
"Promise po,makakahanap rin ako.Bukas!BukasMrs.Chua!Makakahanap na ako ng trabaho!Mag-aadvance ako tapos ibibigay ko ho sa inyo!Sige na..sige na po!Huwag niyo na akong pabalikin doon..",halos manghina ako sa iisiping babalik akong muli doon.Ayoko doon,impyerno dun.Nandoon yung mga nambubully sa'kin,nandun si Agatha.Nandun si Glenn.
Si Glenn..
Si Glenn,hindi ko alam kung bakit galit na galit siya sa'kin.Di katulad nung ibang estudyante doon,binubully nila ako dahil gusto lang sa nila,natutuwa sila pero iba si Glenn..nararamdaman kong may malalim siyang dahilan at hindi niya ako titigilan hangga't nandoon ako.
Ayoko!Hindi na ako magpapakita sa kanya.Sasaktan niya lang ako ng paulit-ulit.
"Mrs.Chua parang awa niyo na..",nagmamakaawang sambit ko.Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan niya,gagawin ko.Basta huwag niya lang akong pabalikin doon.
"Hindi pwede!Umalis kana!",sigaw nito pero hindi ako nagpatinag.Nanatili akong nakaharang sa gate niya,pati katawan ko ay ginawa ko naring pangharang.Desparada na talaga ako.
"Mrs.Chua maawa ka naman sa'kin.Babayaran naman kita eh,hindi ko lang talaga matiis yung mga ginagawa sa'kin ng mga estudyante doon..",umiiyak na pakiusap ko ngunit sarado ang kanyang isip para pakinggan ako.
"Wala akong pakialam!Ikaw alis na!Kung hindi,tatawag ako ng guard!"
"Mrs.Chua!"
Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak nalang nang tuluyan na niyang masarado ang gate.Inis na sinipa ko ang bato sa aking harapan.Nagpapadyak-padyak ako na parang bata sa harapan ng bahay niya,paulit-ulit na sinisigaw ang kanyang apelyido.
"Mrs.Chua!Nakikiusap ako sa'yo!",paulit-ulit ko naring kinalampag ang gate nito ngunit wala ring saysay,nanatili itong nakasarado.
Nawalan na ako ng pag-asa na makausap pa siya.Napapagod narin ako,biruin mo..magdamag akong naghanap ng trabaho,pagkatapos ay dumiretso ako rito para makiusap sa kanya,tapos ganito lang?Hindi rin ako pagbibigyan?Bakit ba ganito ang buhay ko?!Nakakasawa na!